Matapos ang buong araw sa opisina ay dumaan muna ako sa isang flower shop upang bumili ng bulaklak para kay Mommy. I know she'll love it. Pambawi ko na rin sa matagal ko ng hindi pagbisita sa Mansyon.
Mag isa na lang si Mommy na nakatira doon. Kuya Kieran bought his own house dahil may asawa na siya. Si Kaezer ay may condo na rin tulad ko. He is working in the Military just like Daddy.
Bumili ako ng tulips at nilagay sa isang malaking bouquet. Paborito ito ni Mommy kaya iyon ang binili ko.
Ilang minuto lang naman ang byahe mula sa flower shop papunta sa Mansyon.
Nang makapasok na ako sa subdivision at malapit na sa aming gate ay may tatlong itim na sasakyan ang nasa labas ng aming gate. May mga body guards na nakatayo roon at may mga earphones sa kanilang tenga. Anong ginagawa ng mga ito sa labas ng Mansyon namin?
I honked at our gate at halos sumugod ang mga body guards sa aking sasakyan. Sinenyasan sila ng aming guard ng okay sign at umatras sila.
Bumukas ang gate. Pinasok ko ang sasakyan sa loob at nagparada na roon. Kaezer's car is here. Wala siguro siyang Misyon ngayon. Narito rin ang sasakyan ni Kuya Kieran. Wow! Mukhang kompleto pa yata kami.
Lumabas ako ng aking kotse at umakyat na sa engrandeng hagdanan papunta sa aming main door. Bukas iyon at naroon ang mga katulong na ngayon ko lang yata nakita? Nadagdagan sila? Gaano na ba ako katagal na hindi napunta rito at mukhang maraming nagbago...
Nagsikuhan ang mga katulong ng makita ako. Ngumiti sila sa akin at nag bow. Really? Kailangan pa ba iyon?
"Nasaan si Mommy?" Tanong ko sa kanila.
"Nasa kanyang office po may bisita. Naroon naman po ang mga kapatid niyo sa garden area. Doon po ang dinner." sagot ng isa sa kanila.
Napatingin ako sa dala kong bulaklak. So i guess, mamaya ko pa pala ito maibibigay? Tumango na lamang ako sa mga katulong at dumiretso na sa garden area.
Nang madaan ako sa sala ay pinasadahan ko muna ang sarili ko sa malaking salamin na halos buong dingding yata ang sakop nito. Wala pa ito noon ah. Mukhang madaming binago at dinagdag si Mommy rito sa buong bahay.
Inayos ko ang buhok ko at tiningnan ang repleksyon sa salamin. Habang nakatingin doon ay inayos ko ang sleeves ko na nasa aking siko. Tinupi ko kasi ang sleeves nito. Naka slacks pa ako at naka black shoes. Halata bang galing ako sa opisina? Hindi naman siguro. Iniwan ko naman sa sasakyan ang coat ko.
Lumabas ako mula sa bahay at natanaw ang garden. Ang pool ay may parang water falls na at umaagos ito mula sa tuktok. Pati ba naman ito ay binago ni Mommy?
Sa kabilang dako ng garden ay naroon si Kuya Kieran, asawa niya at si Kaezer. May mahabang lamesang inayos doon na parang formal dinner ang magaganap. Aba, tamang tama yata ang suot ko kung ganon.
May mga christmas lights na kulay yellow sa bawat halaman na para kaming pinalilibutan ng mga ito. Sinalubong ako ni Kaezer na tumayo pa mula sa kanyang kinauupuan. Nag fist bump kami.
"You came..." Aniya na parang di makapaniwala. Tumawa ako at tinapik siya sa balikat bago pa lumapit sa banda nila Kuya at hinalikan sa pisngi ang kanyang asawa na si Anci. Nag fist bump naman kami ni Kuya Kieran.
May kung ano sa mukha nila na hindi ko maintindihan. Hindi ba sila masayang makita ako?
"Kaden, akala ko hindi ka na darating." Matigas na sambit ni Kuya.
"Maaga pa naman ah? Paano mo nasabing di na ako darating?" Pinasadahan ko ang table setting.
Maraming kutsara at mga tinidor sa bawat plato. Formal na formal ang setting ng mga ito. May mga bulaklak pa sa bawat kanto ng lamesa at sa gitna. May birthday ba? Wala namang okasyon ah?