Part 10: scared

2.6K 86 0
                                    

Matapos namin mag check in ay dumiretso na ako sa aking hotel room. Maganda ang loob ng kwarto. Walang second floor ang resort kaya mukha itong mahabang bahay na nakahilera sa dalampasigan.

Kaya ng binaba ko ang mga gamit ko sa kama ay mabilis akong lumabas sa malaking double doors na may malaking veranda at nasa harapan ang dagat. Ang maninipis na puting kurtina ay hinihipan ng hangin. I inhaled and exhaled exaggeratedly to feel the breeze from the ocean.

The view made my nerves calm. This is what i need. A nice view and fresh air.

Sa bawat gilid ko ay ang veranda naman ng kabilang kwarto. Iisa lahat ng view. Tinanggal ko ang aviators ko at hinayaang masilaw ang mata ko sa araw ng maramdaman ko muli ang gutom. I should get ready for lunch.

Kaya iyon ang ginawa ko. Nagbihis ako ng ripped sleeveless gray shirt at board shorts. Nag suot na rin ako ng aking tsinelas para mas lalong komportable. Pinasadahan ko muna sandali ang buhok ko sa salamin. It still look presentable.

I grabbed my room keys and headed to the restaurant where the buffet lunch was held.

Habang papunta roon ay hindi ko mapigilang mapahanga sa straktura ng resort. Lahat ng kwarto ay nasa harap lamang ng dagat at wala ng kwarto sa likod. Open area na ito na napansin ko ang mga punong may mga duyan at mga tent sa paligid.

Tent.

Another memory flashed back. Inside the tent where i confessed my true feelings for Cady. I saw how scared she was when i told her i love her. It hurts to see her reacted like that but it's the reality... It's the normal way to react when your brother confess his romantic feelings for you, right? The first thing that will come to your mind is that, it's incest... But it's not. Hindi kami magkadugo.

I shrugged the thought away. Hindi ko na dapat inaalala ang mga bagay na magpapa stress lang sa akin, na makakapag pahinayang lang sa akin. I should think ways to make her come back to me and not how we ended.

Nang dumating na ako sa restaurant ay naaninag ko kaagad ang mga kasama namin. It's not hard to look for them dahil kaonti lang naman ang tao rito. Tama nga si Francis at hindi crowded ang resort at tahimik.

Nakangiting kumaway si Shyshy sa akin, tinanguan ko siya sabay tingin sa katabing table niya kung saan nakaupo si Cady at si Chaster. They were eating. Binalik ko muli ang atensyon ko kay Shyshy.

"Sir, i reserved you a seat. Iyon po oh." Tinuro niya iyong pwesto kung saan nakaharap sa dagat.

"No, i'll just join you." Nagulat pa si Shyshy sa sinabi ko. I need to seat near Cady and Chaster. Hindi ako nagkamali dahil napalingon si Cady sa lamesa namin at saka binalik ang mga mata sa tinidor na hawak niya.

Tiningnan ko si Shyshy na ngayon ay namamangha pa rin yata dahil sa umupo ako at sumabay sa kanya sa pagkain. It's no big deal, but i guess it is. Hindi ako nakikipag sabay sa mga empleyado ko, maging kay Rea na sekretarya ko. I always want to be alone, kapag wala akong ka meeting. Pakiramdam ko, its only my alone time. Kahit si Jules ay madalas hindi sumasabay sa akin sa pagkain dahil alam niya na gusto ko mapag isa.

"Go eat your food. Kukuha lang ako ng akin." Napalunok si Shyshy sa sinabi ko na para bang kanina niya pang gustong lunukin ang pagkain sa loob ng kanyang bibig. Bahagya akong natawa at tumayo na patungo sa mga pagkain.

Dahil buffet ay nawawalan ako ng gana. Masyado kasing maraming putahe ang naroon at hindi ko na alam kung ano ang pipiliin ko. Kaya isang ulam lang at kanin ang kinuha ko. I held the plate with my one hand and a pastry plate on the other hand. Ayaw ko na kasing tumayo pa mamaya para kumuha ng dessert.

Nang mabalik na ako sa aking upuan ay halos patapos na si Shyshy sa kanyang pagkain. Hindi ko alam kung sinadya niya bang madaliin ang pagkain o ganun talaga siya kabilis.

My Sister and I (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon