Panay ang vibrate ng cellphone ko habang kami ay nasa byahe papuntang Venue.
Sa tingin ko'y si Jules lamang iyon at tinatanong kung nasaan na ako. Maybe my mom is there already. I invited her and all my family members. Gusto kong bumawi dahil doon sa ginawa ko noong nakaraan sa Mansyon. I was rude i admit.
Vanity caressed my hand as she held it. Tumingin ako sa kanyang cellphone kung saan panay ang kuha niya ng litrato naming dalawa.
Ilang minuto din ang naging byahe bago kami makarating sa lugar kung saan gaganapin ang Cover Launching. Pinagbuksan kami ng driver ng pintuan ng sasakyan. Una akong lumabas at inalalayan ang si Vanity.
The venue from outside is full of people familiar to me. Namataan yata ni Shyshy ang pagdating ko kaya lumapit siya sa amin. She was wearing a formal dress too, hindi usual niyang sinusuot.
"Good evening Sir. Kanina pa po kayo hinihintay ni Sir Jules." Bati niya sa akin.
Humigpit ang kapit ni Vanity sa aking braso. Panay ang ngiti niya sa mga nadadaanang mga kakilala.
"Ganun ba, where is he? Nanjan na ba si Chaster? The President anjan na rin?" Sabay sabay kaming naglakad papasok sa loob ng mahinto kami dahil sa red carpet kung saan maraming reporters at mga media personalities.
Lumayo si Shyshy saamin para makuhanan kami ng litrato. Panay ang tanong nila kung sino daw ba ang kasama ko. I'm not even a showbiz personality, why am i even asked about these questions!
Nang mamataan ko si Yuriko na kakarating lang kaya ang mga media ay lumipat sa kanya upang tanungin siya ng kung ano ano. Yuriko is famous even without doing anything. Companies of big brands are asking him to be their endorser. Wala rin namang mahihita sa akin ang mga reporters na ito.
Nang tuluyan na kaming makapasok sa loob ay lumapit muli si Shyshy at iginaya kami kung saan kami dapat na umupo. May mga upuan sa gilid at mga lamesa. Sa gitna ay cocktail tables lamang ang naroon at maikling stage para sa presentation.
Umupo kami ni Vanity roon at sa may harapan kung nasaan si Jules. Lumapit agad siya sa akin kahit na may kausap pa siya sa telepono.
"The securities are on the perimeters already for the President's arrival." Aniya. Tumango lamang ako at dumiretso na ang tingin sa harapan kung nasaan ang Logo ng THE BACHE, ang aking kompanya.
Iniisip ko na lang na, wala sana saakin ang kompanyang ito kung hindi ako iniwan noon ni Cady. Maybe, everything happens for a reason. Kailangan kong masaktan para makamit ko ang mga bagay na meron ako ngayon. I put up my own name not because i am a Montealto but because i strived to make it happen.
"Hi Vanity. You looked good tonight." Ani ni Jules sa katabi ko. Hagikgik namang tumango tango si Vanity at tinawag ang nag sserve ng champagne upang kumuha ng dalawang glasses para sa kanya at para sa akin.
"Thanks Jules, nambola ka pa. Here babe..." sabay abot niya sa akin ng baso. Tinanggap ko iyon at panay na ang tingin ko sa aking relo sapagkat wala pa rin ang pangunahing panauhin namin ngayong gabi. Wala pa rin ang pamilya ko maliban kay Yuriko. Galit pa rin ba sila sa ginawa ko noong nakaraan sa Mansyon? Hindi ko naman intensyon na magalit at bastusin si Cady. I just can't stand their topic and they expect me to be okay with it.
Lumapit si Yuriko sa amin at may bitbit na wine glass. He's wearing his unformal tux dahil naka white tshirt lamang siya sa ilalim ng kanyang upper suit.
We fist bumped and he seated in front of me. Himala at wala yata siyang kasamang date ngayon. He smirked to the person beside me. Kung paano niya tingnan si Vanity ay para siyang nagpplano kung paano ito burahin sa mundo. Ganoon kasama ang tingin niya at saka bumaling sa harapan at inayos ang kanyang nakapusturang buhok.