"I can't Van."
Iyon ang tanging nasabi ko sa kanya bago siya tuluyang umalis.
Alam kong may pinaplano siya para sirain kami o kaya si Cady. Matagal na niyang gustong maging opisyal ang relasyon namin. Pero kahit anong gawin ko ay hindi pa talaga ako handa na makipagrelasyon. Sa tingin ko nga ay magiging single na ako for life kung hindi ko man makakatuluyan ang babaeng una kong minahal.
Vanity agreed to be my bed warmer for a year. Noong una gusto niya ng commitment pero ng ma realized niya na impossibleng pasukin ko iyon ay nag give up na siya sa gusto niyang maging kasintahan ko.
I answered all her wits. Every time she wants to have sex, she'll call me. Me as the lonely lost boy i'll attend to her needs.
Pero ngayon, hindi ko talaga kayang gawin ang gusto niya. Ngayon pa't narito na si Cady.
Bumalik ako sa unit ko at nadatnan ko si Cady na tumatawa sa palabas na pinapanood niya. Mabilis akong lumapit sa kanya at tinitigan siya.
May luha sa gilid ng kanyang mga mata. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa pag tawa niya o dahil sa nangyari kanina. I can sense the sadness in her eyes even when she laugh like this.
"Umalis na si Vanity. I'm sorry for everything that she said."
Tawa pa rin siya ng tawa sa tv. Alam ko naririnig niya ako pero mas pinipili niyang balewalain ang presensya ko ngayon.
I turned off the tv. Gusto ko mag usap kaming dalawa. I can't go on like this. Hindi ko kaya.
"What the hell!" Aniya ng nawala na ang pinapanood niya.
Hinarap ko siya sa akin. Matalim lamang niya akong tinitingnan na para bang sobrang laki ng kasalanan ko.
"Bastos ka! Alam mong nanonood ako!" Parang bata niyang hinaing at pinagsasapak ako. "Walang hiya ka! Ang sama sama mo!"
Malalakas ang hampas niya at alam kong hindi dahil sa ginawa kong pagpatay ng tv ang galit niyang ito.
Umiyak siya. "Kapag alam mong nag eenjoy ako pinuputol mo ang kasiyahan ko! Simula bata pa tayo ganito ka na! Ang salba- salbahe mo talaga!" Hagulgol niya.
Niyakap ko siya. Naiiyak ako dahil alam kong nasasaktan siya. Dahil alam kong nasaktan ko siya noon noong mga bata pa kami. Dahil naging malupit ako sa kanya. Dahil minahal ko siya.
I'm sorry Cady. I'm sorry.
"I know you're mad. I know you're sad. I know you're hurt. Tell me how to make it go away." Nagpupumiglas siya sa yakap ko. Hindi ko siya bibitawan hanggat hindi siya kumakalma.
"Wala kang alam! Wala kang alam!" Pag hihisterya niya.
"Alam ko baby... Please ipaliwanag mo. Sabihin mo sakin ang nararamdaman mo."
Huminto siya sa pagwawala niya sa ilalim ng yakap ko. Ilang segundo siyang ganoon kaya binitawan ko na siya. Inangat niya ang ulo niya at ibang Cady na ang nakita ko. Walang bakas ng luha o ano mang takot o kahit ano mang emosyon. In just a spit seconds she totally changed. It's creepy and weird.
"You know nothing Kaden Montealto." Even her voice was creepy. I guess it was just too serious, kaya naging tunog kakaiba.
Humalukipkip siya at humarap sa tv kahit nakapatay ito. She sat with her back so straight and her legs so formal. Nanibago ako. Bigla bigla na lang nag iiba ang mood niya. Does she have mood swings problem? I don't know what they call that, pero alam ko may ganoon.
"Cady... Please talk to me."
"There is nothing to talk about." She said with no emotions. Like she's emotionless. Is it even possible?