Part 7: brother-in-law

3.1K 73 4
                                    

Inuman at skating ang ginawa namin ni Yuriko. We even ended up playing billiards inside their Mansion. Buong gabi kami ang magkasama.

Kaya naman kinabukasan ng magising ako ay sobrang sakit muli ng ulo ko. Hindi na yata maganda itong ginagawa ko gabi gabi. Tuwing umaga ay masakit ang ulo dahil sa hangover.

Pagpasok ko ng opisina ay sinalubong ako ni Jules. Doon kami nag usap sa aking office. Nakaupo ako sa aking swivel chair at nakaupo naman siya sa harapan ko.

"I've talked to Chaster Edriaga and we are set to have a meeting with him this afternoon. We just need to discuss him the usual." Tumango lamang ako kay Jules.

"What time is our meeting with him then?"

"Five pm siya available. Sa isang restaurant na lang over a cup of coffee or wine." Aniya seryoso.

Hindi ko maiwasang isipin kung kasama kaya ni Chaster mamaya sa meeting si Cady?

Kung oo, i should looked at my best. Buti na lang at naisipan kong magsuot ng formal kahit papaano ngayon. Minsan kasi kapag wala ako sa mood ay casual lang ang sinusuot ko sa opisina.

"Okay. Sabihan mo na lang si Rea tungkol sa diyan. Para isingit niya sa schedule ko today." Lumabas na ng aking opisina si Jules matapos ko iyong sabihin.

Ilang sandali pa ay kumatok naman ang aking sekretarya sa glass wall, tinanguan ko siya upang makapasok.

"Sir, gusto ko lang po ipaalala sa inyo ang lunch meeting niyo mamaya with Mr. Realm." Tumango ako kay Rea.

"Open naman po ang schedule niyo ng five pm kaya wala po problema sa meeting niyo mamaya with Mr. Edriaga."

"Okay, Rea. Thanks." Umalis na si Rea matapos iyon.

Marami akong binasang articles na ginawa ng mga writers sa aking Magazine. Kailangan ko pa kasing i approved iyon at ilagay ang mga concerns ko kung mayroon man.

Dumating ang lunch ay dumiretso na ako sa aking meeting with Mr. Realm.

Naging maganda naman ang takbo ng meeting namin. He is the owner of a brand of men's perfume. Gusto niyang bumili ng kaonting page sa Magazine para ilagay ang perfume niya roon. Nagkasundo kami ng 6 pages para sa perfume niya.

Halos mag alas tres na rin ng matapos ang meeting namin. Napahaba dahil nagkwentuhan pa kami tungkol sa paaralan namin na pareho pala noong college.

Pagkabalik ko ng opisina ay naroon si Trish at ang anak niyang si Vethany. Nakaupo si Vethany sa aking swivel chair habang pinapaikot ang sarili gamit ito.

"Baby, nandito na ang uncle Kaden mo."

I kissed Trish on her cheeks at sinalubong ang tumatakbong si Vethany.

"Hi uncle Kaden!" Aniya at niyakap ako. She gave me a kiss on my cheeks.

"Galing kami ng school niya at dumiretso na dito sa office mo pagkatapos. Hinahanap ka niya." Paliwanag ni Trish sa akin. Umupo kami sa sofa na nasa gilid dito sa loob ng aking opisina. Vethany sat on my lap while she was playing with my sleeve cuffs.

"Kanina pa ba kayo?" Tanong ko habang nakangiting pinagmamasdan ang cuffs ko na pinaglalaruan ng aking pamangkin.

"Hindi naman. Medyo kakarating lang din namin. May meeting ka raw with Chaster mamaya?" Hindi ko alam kung paano niya nalaman. Siguro sinabi ni Rea ang schedule ko sa araw na ito.

"Yeah. Actually kaming dalawa ni Jules."

"Jules? Ahh. Akala ko mag isa ka. Sasama sana kami at para maitext ko na rin si Cady na sumama kay Chaster sa meeting niyo." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Ofcourse. She can do that. She can make Cady come to the meeting later. That way i can start my move to win her back.

My Sister and I (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon