Mahirap para sa akin ang naging unang attempt ko na kausapin siya.
The reaction, the frightened face and how angry she was is not easy for me to take.
Naiwan ako sa restaurant na tulala. Ilang minuto o oras rin yata akong nakatulala doon ng mapagdesisyunan ko ng pumunta muna sa site ng shoot.
Hindi naman siguro sila mahirap hanapin kung sakali dahil maliit lang naman ang isla na ito.
Nang pabalik ako sa aking kwarto ay nakita kong nag aayos na sila sa may mga punong may duyan. Doon siguro nila balak na mag shoot dahil nakapalibot na doon ang mga props na gagamitin.
Sa bandang gilid kung nasaan ay may trapal naroon si Chaster habang ang make up artist ay abala sa kanyang mukha at ang hair stylist naman ay abala sa kanyang buhok.
Pinasadahan ko ang paligid kong naroon ba si Cady pero wala siya. Saan kaya siya nagpunta? Is she in her room? Kung nasa paligid lang siya ay dapat mahanap ko siya. Bilang lang ang oras at araw na narito kami at ito lang ang tanging pagkakataon ko na isagawa ang mga pinaplano.
Paalis na sana ako para hanapin si Cady ng bigla akong tawagin ni Shyshy. Napakamot ako sa ulo ng papalapit na siya sa akin habang may mga dalang folders. Hinarap ko siya at nginitian na lang.
"Sir, magkakaroon kami ng shoot sakay ang bangka, hahanap lang po ng magandang rock formation para sa background. Baka gusto niyo pong sumama." Aniya sabay tingin sa folder na hawak niya.
"Kayo na lang siguro. Pampasikip lang ako doon."
"Ah, okay po Sir. Anyway, in five minutes mag uumpisa na po kami dito." Tumango ako at napag desisyonang manatili muna para mag observe.
Kalaunan ay nag umpisa na nga sila. May mga taong naghahawak ng silver na bilog para pang harang sa sinag ng araw. Ang photographer ay panay ang suhistiyon kay Chaster sa kanyang magiging pose. Magalang naman ito at hindi malekramo. To think that he is the son of the President of the Republic of the Philippines.
Suot niya ang isang manipis na long sleeved polo na tinupi hanggang siko, nakabukas ang lahat ng botones nito para makita ang kanyang abs. May abs din pala itong isang to. Akala ko puros laman lang eh.
Bigla tuloy akong napakapa sa aking abs. Intact pa naman ang mga ito. Akala ko ay nawala na eh.
"Okay, we're good." Ani ng photographer. Lilipat na muli sila ng ibang site.
Nag half jog papunta sa akin si Chaster, pawis na pawis dahil sa nakatutok ang araw sa kanya kanina. He rested his palms on his knees while catching his breath.
"Have you seen Cady?" Tanong niya, hinihingal.
Yes, she's in my heart.
Gusto kong matawa sa mga tumatakbo sa aking isipan. Mukha na akong tanga. Umiling na lamang ako kay Chaster at nagkibit balikat.
"Sa bangka kasi ang next site, iikot yata sa buong isla eh o sa pupunta sa gitna ng dagat. I want her to come with us."
"Hindi ko siya nakita eh. Baka na sa kanyang kwarto, natutulog?" I hope she is. Para hindi siya makasama sa kanila. Wala din naman kasi akong balak na sumama pero kung sasama si Cady ay mapipilitan ako.
"Ganun ba? Sige puntahan ko na lang sa kanyang kwarto." Wait, what? No way!
Think Kaden!
"Umm, tinatawag ka na ng mga staffs oh. Ako na lang ang pupunta sa kanya, hintayin mo na lang siya doon sa bangka in five minutes kapag wala pa siya, baka tulog nga." I can hear evil laughs inside my head.
BINABASA MO ANG
My Sister and I (COMPLETE)
Любовные романыThis is the book two of MY BROTHER AND I.