Nakaupo sa sahig sa tabi ng pintuan ng aking unit si Cady. Yakap niya ang tuhod niya at nakayuko siya. Hindi niya namataan na nasa tabi na niya ako kaya ng iangat niya ang kanyang mukha sa akin ay mabilis na napalitan ng ngiti ang malulungkot niyang mga mata.
Nag squat ako sa harapan niya at inayos ang nagulo niyang buhok sa mukha. Tipid siyang ngumiti sa akin tila nahihiya siguro na makita ko siyang ganito.
"Kanina ka pa ba rito?" Mahinahon kong sambit.
Inalalayan ko siya upang makatayo. May malaki siyang bag sa gilid niya kaya kinuha ko iyon.
Hindi niya sinagot ang naging tanong ko kaya ay pinindot ko na lang ang code upang mabuksan na ang aking unit.
Sumunod siya sa akin ng makapasok ako. Nilapag ko ang bag niya sa sofa at dumiretso ako sa kusina para abutan man lang siya ng tubig. Nang mabalik ako ay nakatayo lamang sya roon sa gitna habang tulala.
Lumapit ako. "Here... Drink this." Sabay abot ko ng isang basong tubig.
Umiling siya at madiin na pumikit.
"Please, drink this." Nagbuntong hininga muna siya pero kalaunan ay tinanggap na rin ang tubig at binawasan niya ito ng kaonti. Ayos na iyon kesa sa wala.
Iginaya ko siya sa sofa upang makaupo siya. Pakiramdam ko kasi ay kanina pa siyang naroon sa labas ng aking unit. Naiinis tuloy ako sa sarili ko ngayon. Habang ako ay nakikipag dinner sa ibang babae ay heto si Cady, hinihintay ako. I'm so stupid!
"I'm sorry i came here without telling you. Aalis din ako kapag tumila na ang ulan."
Mabilis akong umiling. Inilapit ko ang sarili ko sa kanya upang magtabi kami kahit papaano sa sofa. Pinaharap ko siya sa akin. Sa una ay iniiwasan niya akong tingnan pero ginawa niya pa rin.
"I'm sorry. I wasn't here when you came."
"No, kasalanan ko. Hindi ako nagpasabi at isa pa kasalanan ko dahil akala ko narito ka."
"Narito na ako. You can stay here as long as you want. I'll give you the code for the unit so you can come here anytime."
Umiling siya at yumoko. Hindi ako sanay na ganito siya. Tila nawawala lahat ng confidence niya sa kanyang sarili kapag masama ang panahon.
"Cady... Stop acting like this, it's making me crazy." Hindi ko na napigilan. Ayoko maging ganito siya. Gusto kong ipanalangin sa may kapal na sana ay huwag ng umulan kahit kailan para hindi na siya magkaganito pa.
Mainit na mga mata ang iginawad niya sa akin ng sabihin ko iyon. Ngumiti siya ng tipid at hinawakan ang mga kamay ko.
Damn. I miss how warm her hands when its touches mine. Parang nahihilo ako sa sobrang kagalakan sa simpleng ginawa niya.
"Then, can i stay here for tonight?" Aniya sa nahihiya pero malambing na boses. Binitawan niya ang kamay ko at napahawak siya sa kanyang tiyan.
Oh shoot! For sure she haven't eaten dinner yet. How cruel of me! Dapat ay tinanong ko man lang siya kung kumain na siya or offer her something to eat!
"Gutom ka na." It's a statement not a question. Umiling siya pero alam kong salungat iyon sa pinapakita niya sa kanyang mga mata. "I'll make something for you."
Tumayo ako at dumiretso sa kusina. Ngayon pa lang ay nagsisisi na ako kung bakit hindi ako natutong magluto. Halos lahat ng laman ng aking ref ay alak lang at mga gatas para sa cereals. Ni wala akong juice rito.
Now i'm regretting that i said i'll make something for her.
Bumalik ako sa sofa at nahihiyang tumatawa. I handed her my notes, naroon nag mga restaurant na madalas kong tinatawagan para magpa deliver ng pagkain.