Simula

34.1K 782 24
                                    

Sa isang liblib na bayan ay matatagpuan ang tahimik na namumuhay na pamilyang San Lorenzo. Masaya sila at kuntento na sa simpleng pamumuhay.

Ang mag-asawang sina Valentina San Lorenzo at Lucas San Lorenzo ay nagmamahalan at sila ay nabiyayaan ng isang supling. Kakaibang supling.


Ilang araw pagkatapos manganak ay namatay si Valentina. Ihinabilin na niya sa mahal na asawa ang anak.

"Alagaan mo siya," sabi nito bago malagutan ng hininga. Napahagulgol na lamang ang kawawang si Lucas. Kinarga nito ang sanggol at nagulat siya na sa pagdilat ng mga mata nito ay kakaiba ang taglay nitong kulay.


Ang kulay ng mga mata ng sanggol ay lila. Hindi maipagkakaila na kakaiba. Nakakatakot ito kung titignan dahil ngayon lang siya nakakita nito. Binalot siya ng takot at kaba.

Dahil sa takot at gulo ng isip niya ay naglakad siya palabas ng kanilang bahay kasama ang sanggol na binalot niya ng kumot. Nanginginig siya habang umiiyak at nagtungo sa isang malaking bahay.

Ang bahay ng mayor ng kanilang lalawigan. Malungkot niyang tinignan ang mukha ng kanyang anak na ngayon ay nakatitig din sa kanya. Hindi ito umiiyak at umiimik. Tila ba walang kaalam alam ang mura nitong isipan sa gagawin ng ama.

"Anak, patawarin mo ang papa. Kahit hindi mo man ako naiintindihan sa ngayon. Takot ako at magulo ang isip ko. Ayokong pagkaitan ka ng pagmamahal anak ko. Alam kong hindi kita maaalagaan. Sana sa gagawin kong ito sayo ay maging maganda ang iyong buhay. Mahal kita anak ko. Patawad," sabi ni Lucas bago halikan ang kanyang anak sa noo at pinindot ang doorbell bago tumakbo paalis habang umiiyak.

Hindi niya gusto ang kanyang ginawa pero alam niyang yun ang makabubuti sa kanyang anak. Sa kalagayan niya ngayon ay hindi niya mapagtotoonan ng pansin ang anak.

Sa kabilang banda naman ay eksaktong may lumabas na katulong mula sa malaking bahay na pinag-iwanan ni Lucas sa kanyang anak. Marahil ay narinig nito ang doorbell. Nagulat ito ng makita ang isang sanggol na nababalot ng kumot.

Sumigaw ito at nakuha ang atensyon ng kanyang amo. Ang mayor at ang kanyang asawa. Ang mag-asawang Craig. Tumakbo sila palabas ng kanilang bahay at tinungo ang pinanggalingan ng ingay. Naabutan nila ang kanilang katulong na karga ang isang sanggol.

Lumapit sila at inakalang patay na ang sanggol, ngunit nabigla silang tatlo na sa sandaling  dumilat ang munting sanggol ay kakaiba ang kulay ng mga mata nito.

Nataranta ang katulong ngunit hindi ang mag-asawa. Agad silang pumasok sa loob ng bahay kasama ang munting sanggol. Nagniningning ang mga mata nito na natatamaan ng sinag ng bilog na buwan.

Ngumiti ang asawa ng mayor na nagngangalang Lyra. Hinaplos nito ang mukha ng sanggol at may tumulong luha.

"Hulog siya ng langit. Ito siguro ang paraan ng Panginoon para magkaroon tayo ng anak," sabi nito.

"Sigurado ka ba na tayo na lang ang magpapalaki sa bata?" Tanong ng mayor ang pangalan naman ay Daniel. "Kung maaari sana. Pakiusap," pagsusumamo ni Lyra at may tumakas na luha mula sa mga mata nito.

Bumuntong hininga na lang ang kanyang asawa. "Sige kung 'yan ang magpapasaya sa'yo. Anong ipapangalan natin sa kanya? Babae nga pala siya."

Saglit na nag-isip ang kanyang asawa at biglang ngumiti.

"Amethyst. Amethyst Charlotte ang ipangalan natin sa kanya."

That Cursed Eyes Of HersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon