-----
Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Medyo nahihilo lang ako. Inilibot ko ang paningin ko sa kung nasaan ako. Kulay mint green ang kulay ng pintura ng silid. Umupo ako ng tuwid kahit ramdam ko padin ang pagkahilo.
Teka, nasa bahay pa din ba ako ni miss Farrah? Nasaan sila? Bumaba ako agad mula sa kama at binuksan ang pinto. Medyo nanginginig ang mga binti ko.
Nasa ikalawang palapag pala ako ng bahay at may ilang kwarto sa gilid ko. Saan naman kaya sila? Pinakiramdaman ko ang paligid. Wala namang kakaiba. Hmm. I tried to concentrate and tried to find their presence.
Maya-maya lang ay may narinig na akong mga boses malapit sa gawi ko. Galing sa isa sa mga kwarto. Sila Eliana at Yanna. Napansin nila ako kaagad at nag aalalang tinignan ako. "Amethyst!" Patakbo nila akong nilapitan.
"Bakit ka tumayo agad? Magpahinga ka pa." Sabi ni Eliana na hinawakan ako sa balikat. Umiling lang ako. "Kaya ko na naman." Sabi ko at ngumiti lang. "Nasaan sila?" Pag iiba ko ng topic. "Ahh sa kwarto ni miss Farrah kasama ang healer. Mukhang may kalakasan ang impact kay miss Farrah nung nangyari. Kakaiba nga eh." Sabi ni Yanna.
"Nasaan ang kwarto niya? Gusto ko siyang makita." Sabi ko at tinignan lang sila. Nag aalinlangan man ay tumango sila. Tinungo namin ang isang kwarto sa di kalayuan. Pinihit ko ang doorknob at agad na bumungad sa akin ang nakahigang si miss Farrah at ang isang may katandaan na lalaki. Siya siguro yung healer.
Tila may ibinubulong siya sa hangin at nakapatong ang kamay niya sa noo ni miss Farrah. Muna siyang albularyo eh. "Siya si Mr. Hidalgo ang healer ng peculiars." Bulong ni Eliana sa akin.
Tumango lang ako. Sana magising na si miss Farrah. Naoakadami kong tanong. Tungkol dun sa mga nakita ko at kung bakit sa kanya nangyari yun. Alam kong alam niya ayaw niya lang sabihin.
Maya-maya ay dumilat na ang healer at tumayo. "Okay na siya. Ilang minuto lang at gigising na siya." Sabi niya. "Thank you po." Sabi nila at papalabas na sana ang healer ng pinto ng magawi ang tingin niya sa akin. Medyo nabigla lang siguro sa pagsulpot ko.
Napansin na din ako nina KD. "O hala Amethyst nandito ka pala. Balak pa palang puntahan ng healer." Sabi niya at medyo nabigla. "Okay na naman ako. Walang masakit sakin." Sagot ko.
Muli kong tinignan ang healer at nakatingin pa din ito sa akin. "Bakit po?" Tanong ko sa kanya. Creepy na kasi eh. Nakaka conscious tuloy.
"Wala hija. Napakaganda ng mga mata mo. Kakaiba." Sabi niya at may ngiti sa labi. "Salamat po." Sabi ko lang bilang tugon. Nagpaalam na din siya pagkatapos at ihinatid nila KD at Zyrus paalis.
Naiwan kami nina Eliana at Yanna sa kwarto. Hinihintay kong magising si miss. "Hayy sayang naman. Ngayon pa nga lang kayo nagkita ni miss Farrah tapos ganito ang nangyari." Sabi ni Yanna na nakaupo sa side ng Kama ni miss.
Oo nga eh kung kelan naman madami akong gustong malaman. Hayys. I'll just hope na magising siya agad.
"Ayy Amethyst teka lang tuloy kukuha lang kami ng makakain sa baba ikaw na muna bahala kay miss." Sabi ni Eliana at isinama niya si Yanna palabas.
Naiwan nga ako kasama si miss Farrah. Tinitignan ko lang siya habang malalim ang iniisip ko. Nagiguilty ako na dahil sa akin ay nakaratay siya. Hindi ko alam kung paano at bakit ko yun nagagawa. Na sa tuwing may mahahawakan akong isang peculiar ay may nangyayaring kakaiba.
Kasalanan ko to. Hindi lang mata ko ang isinumpa kundi ako mismo. Gusto kong maintindihan kung bakit? Kung bakit ganito ang nangyayari? Bakit ako?
Biglang may tumulong luha sa mga mata ko. Sa lahat ng mga iniisip at pinagdaraanan ko hindi ko na napigilan. Masyadong mabilis ang mga nangyayari at parang di ko maabsorb lahat. Yes I am a strong girl pero sa times na ganito bumibigay din ako. Kailangan ko ng karamay.
BINABASA MO ANG
That Cursed Eyes Of Hers
SciencefictionDeceiving. Cold. Frightening. Her eyes are tempting to look at but also hypnotizing. Everyone doesn't want to have a glimpse. Amethyst was born peculiar and she's not aware of it. She only knew and hate the most, the cursed eyes of hers. As she grow...