Kabanata 30

3.1K 93 2
                                    


-------

Bakas ang takot sa mga mukha ng iba sa mga kasamahan niya. Ang iba ay napaluhod sa takot at ang iba ay tumakbo na papalayo pero nahuhuli ng mga kasama ko. "Amethyst, you look so different." Narinig kong sabi ni Yanna na medyo nanginginig ang boses. Tumingin ako sa kanya at ngumiti. "I am." Sagot ko.


"Oh, a sudden change of outfit. Oh come on ano pa bang magagawa mo? Paubos na kayo at kami, lamang na lamang sa labanan." Humalakhak si Cedric matapos sabihin yun. I smirked. "Let's see. Wag mo akong yabang-yabangan Cedric dahil wala ka pa sa kalingkingan ko."


Bahagya siyang nagulat sa pabalang kong pagsagot sakanya pero nakabawi siya agad. "Hah, tignan natin. Sugudin niyo siya!!" Utos niya sa mga gwardyang kasama niya at sabay-sabay na lang silang sumugod sa akin. Walang bahid ng takot sa buong pagkatao ko at nanatili lang akong nakatayo.

Nakikita at nararamdaman ko ang pagiging alerto ng mga kasama ko na hindi malaman ang gagawin. Kung tatakbo ba papunta sa akin o hahayaan ako. Tinignan ko lang sila at ngumiti para makampante sila. Kita ko pa rin ang pag aalinlangan nila lalo na ng malapit na malapit na sila sa akin.

Pinikit ko lang ang mga mata ko at inihanda ang sarili ko. I can sense several things that are rushing at my direction. Sa pagdilat ng mata ko ay parang huminto din ang oras. Natigil ang mga bagay na papalapit sa akin pati na silang lahat.


In a snap, nireverse ko ang mangyayari gamit lamang ang isip ko. Unbelievable na parang natural na natural sa akin ang ginagawa ko. I don't know how it happened, I just thought about it and it happened.

Ako mismo ay namangha sa nagawa ko.


Tinignan ko ng derekta sila isa-isa sa mga mata. I didn't look at them intensely but then parang nagwala sila at lahat nangisay hanggang mapabulagta na sa lupa. My eyes are indeed powerful that a glance can kill .

I am more dangerous than I can ever think of. But this is the only way that I can stop them. Hinarap ko si Cedric na ngayon ay hindi na mukhang nasisiyahan sa mga nangyayari. Behind him are his guys. Just a few of them left.


"Cedric, let's end this. Dehado ka na sa amin. Just please sumuko ka na lang." Mahinahon kong sabi sa kanya at lumalapit ng dahan-dahan sa kanya. I want to end this. Madaming peculiars ang nadamay. Mga buhay na nawala. Kasama na doon si miss Farrah.


Ayoko nang madagdagan pa iyon.


"You can still change if you want. Anyone can." His expression is becoming softer. Wala na ang mayabang niyang itsura at napalitan ito ng malungkot at mukhang nagsisisi.


I let my guards down at ibinalik sa dati ang itsura ko. Sa isang normal na peculiar tulad noon. Inilahad ko ang kamay ko. Matatapos na din to sa wakas. I smiled a little when slowly he is reaching for my hand.


"Wag!" Sigaw ng isang babae pero huli na ang lahat nang mahila niya ako at masakal. This is the trick. "Hindi ka pa rin pala nagbago." Sabi ko habang kalmado lang. "Hah! Hindi ako duwag para sumuko sa inyo noh! At lalo nang hindi ako tanga na katulad mo." Tumawa siya habang mahigpit ang pagkakasakal sa akin.

Kita ko ang pagwawala ng mga kasama ko. Gusto nila akong lapitan pero hindi din nila magawa. I have a plan in mind pero kailangan ko ng tulong para magawa yun.


That Cursed Eyes Of HersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon