-----
Si Zyrus ang nagdrive papuntang hospital at nang makarating ay lumabas ako agad ng kotse kahit hindi pa ito nakakahinto. Buti na lang at hindi ako nasubsob.
"Ingat amethyst! Susunod kami pagkapark ng kotse." Sabi ni Eliana at tumango lang ako. Tumakbo ako agad papunta sa front desk at kinausap agad ang nurse.
"Miss, nandito ba sina Mr. and Mrs. Craig? I am their daughter, Amethyst Craig." Medyo hinihingal ako at tagaktak din ang pawis ko. It's like I just finished a marathon.
"Opo miss Amethyst. Mr. Craig is actually inside the OR while Mrs. Craig is on her way to her room. Their condition is critical." Sabi niya sa akin at parang may chinecheck sa computer.
"What room?" Aligagang tanong ko at agad niya akong sinagot. "Room 131 po miss. Turn to the left wing." Sabi niya at saka agad na akong tumakbo na nga patungo sa left wing.
Si dad. Si mom. Critical. What's happening? Mababaliw na ko dahil sa sunod sunod na pangyayaring to.
Nang marating ko ang sinabing room ni mom ay pumasok ako kaagad. Nandoon sa loob ang dalawang katulong namin at ang body guards.
Tinignan ko agad si mom na umiyak. May mga galos sa mukha at mga braso. May benda din ang kamay niyang isa.
"Mom." Napaiyak ako at nilapitan agad siya. Tanging paghikbi niya ang naririnig ko ngayon. Marahan ko siyang niyakap at ingat na ingat na wag masaktan dahil sa tinamo niyang mga sugat.
Nararamdaman ko ang panginginig niya. Para bang takot na takot.
"A-amethyst. A-ang d-daddy mo." Sambit niya sa pagitan ng pag hikbi. "Mommy, magiging okay din siya. Malakas si daddy. Ikaw din mommy." Sabi ko at kumalas sa pagkakayakap. Umupo ako sa upuan na katabi ng kama niya.
Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niyang walang benda. "Mom, tell me ano pong nangyari? What accident have you encountered?" I asked. "Medyo mahirap ipaliwanag. Kakaiba at nakakatakot. I may sound crazy..." Sabi ni mom na halatang na aalinlangan kung sasabihin ba o hindi.
Napatingin siya sa mga maids namin at inutusan na lumabas na muna. Sumunod naman sila pati ang guards. Kami na lang ngayon ni mommy sa kwarto. "Now tell me mom." I'm determined to know what happened. I can't calm down.
"Promise me you'll believe. Hindi Ako nababaliw baby." Tila nagsusumamo niyang sambit. Tumango lang ako. Then she started.
"On our say home, nag uusap lang kami ng daddy mo about sayo. About how you are changing. From being or cold little girl to a bright little sunshine. And also about how wonderful your eyes are. I was so happy. Then... Napapreno bigla ang dad mo. I asked why and he pointed out something." Sabi niya.
"Sa harapan namin. May lumulutang na poste. We can't believe it. Talagang tinitignan namin ng mabuti but then gumalaw ito then pinaatras na ng dad mo ang kotse dahil mukhang hindi maganda ang mangyayari. We were right. Para bang may sarili ng buhay ang poste at sinundan kami until we reached a dead end. Bumangga ang kotse sa isang malaking puno."dagdag niya pa.
"A man appeared from the darkness. Lumapit siya sa amin. Medyo nahihilo ako nun dahil sa impact ng pagbangga namin. Sa side ko lumapit ang lalaki at binasag ang salamin sa side ko. Nagsitalsikan ang bubog sa akin." Hmm, that's why may maliliit siyang sugar sa mukha at braso.
"He said, sino daw ang tinutukoy namin na may kakaibang mata. Nabigla kami cause how did he know eh kami lang ng dad mo ang nasa kotse at walang ibang dumadaan sa shortcut na dinaanan namin. We didn't answer. He got furious. Bumunot ang dad mo ng baril then he pointed the gun to the guy." Napapaiyak na naman si mom.
BINABASA MO ANG
That Cursed Eyes Of Hers
Science FictionDeceiving. Cold. Frightening. Her eyes are tempting to look at but also hypnotizing. Everyone doesn't want to have a glimpse. Amethyst was born peculiar and she's not aware of it. She only knew and hate the most, the cursed eyes of hers. As she grow...