Kabanata 11

6.4K 273 11
                                    

-----

It's been a week or two since I've known my ability. Since that day, I feel more complete. Mas iniintindi ko pa ang mga kaya kong gawin. Pinag aaralan ko kung paano ito gamitin ng maayos.

After Eliana and my classes each day, pumupunta kami ng training grounds para mag practice. Day by day, mas nakikilala ko sila at mas nakikilala ko din ang sarili ko. Sabi sa chosen seven na book, you'll know a member  of the seven when they're near. You will feel them. Yes, you can't change the fact that I am really rude pero unti unti na akong mas nagiging, uhm sociable?

Naglalakad ako ngayon papunta ng parking lot. Madilim na sa hallway. Medyo gabi na dahil may ginagawa kaming plate. Hayys arki student nga naman. 

Parang normal na araw lang kung tutuusin. Kaunti na lang ang mga sasakyan na nakapark sa parking lot dahil mag aalas nuwebe na din ng gabi. Tinawagan ko na kanina sina Eliana na hindi na siguro ako makakapunta at okay lang naman daw.

Kinuha ko na sa bag ko ang susi ng kotse ko pero pagkatapak ko pa lamang ng parking lot ay may naramdaman na ako kaagad. Kakaiba. Mga matang nakamasid sakin.

Inilibot ko ang mata ko sa paligid pero wala namang tao. Ni anino ay wala at kadiliman lamang. Binalewala ko na lang ang iniisip ko. Maybe I'm just paranoid kaya nagkakaganito ako.

Umiling na lang ako at dumiretso na sa kotse ko. Kakapasok ko lang ng susi ng bigla ko na lamang maramdaman ang presensya ng kung sino sa may likuran ko. Bago pa man ako makalingon ay natakpan niya na ang ilong ko ng panyong may kakaiba at matapang na amoy.

Nakaramdam ako ng matinding pagkahilo at nilamon na ako ng kadiliman.

----

Third Person's POV

Matapos patulugin ng lalaki ang dalagang si Amethyst ay binuhat siya nito papunta sa isang kulay itim na van kung saan may lima pang armadong lalaking nakamaskara.

"Ang galing mo pa din talaga Dexter. Hindi kami nagkamali na ibalik ka sa grupo." Sabi nang isang lalaking katabi ng nagngangalang Dexter. Hindi naman ito kumibo at tila wala lang sa kanya ang papuri.

Tinahak nila ang isang madilim na daan patungo sa isang luma at maliit na bahay. Tumigil na ang van na sinasakyan nila at isa-isang bumaba ang mga lalaki. Nahuli si Dexter na binuhat ang wala pa ring malay na si Amethyst.

Pumasok sila ng bahay at idiniretso ang dalaga sa isang maliit na kwarto. May isang basang na bintana lamang ang kwarto na dahilan para pumasok ang sinag ng bilog na buwan.

Iniwan na muna nila si Amethyst sa loob. Itinali ito sa sa isang sila habang may tape sa bibig. Nanatiling walang malay si Amethyst dahil na din sa tapang ng chemikal na ginamit para patulugin siya.

Sa kabilang dako naman, ay nag-aalala na ang mga magulang niya. Ang mag-asawang Craig. "Alam kong madalas kung gabihin ang anak natin pero iba ito. I'm nervous. Parang may mangyayaring masama." Sabi ng Ina niya.

"Honey, paranoid ka lang. Matapang ang anak natin at kaya niya ang sarili niya. Walang mangyayari sa kanyang masama. I know our daughter well." Siguradong sagot ng ama niya.

"Pero kahit na. You can never discard a mother's instinct." Tumayo ang kanyang ina at lumakad ng pabalik-balik. "Hindi pa siya kailanman inabot ng ganito kagabi umuwi. Maybe I'll call the guard to check her at school." Sabi pa nito at kinuha sa bulsa ang kanyang telepono.

Bago pa man niya matawagan ang guard ng school ay biglang nagging ang telepono nila. Sinagot naman ito ng kanyang asawa.

"Good evening Mr. Craig." Sabi sa linya.

That Cursed Eyes Of HersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon