-------
Pagkamulat ko ng mata ko ay nararamdaman ko pa din ang kaunting kirot sa may tyan ko pati na din ang mga gumagaling kong sugat. Nang gumalaw ako ay nagising ang natutulog na tao sa gilid ko. I didn't know there's someone in here.
Hindi ko din alam kung nasaan ako ngayon. Ang huli kong naaalala ay ang laban namin ni Cedric at pagkawala ng malay ko. Iniangat ng natutulog kanina ang ulo niya at si Zyrus pala yun.
Kinusot-kusot niya muna ang mata niya at ng makitang gising na ako ay nanlaki ang mga mata niya. "She's awake!", sigaw niya bigla habang tinitignan pa din ako.
Puno ng pag aalala ang tingin niyang yun at nabigla ako nang yakapin niya ako. Hindi naman ganun katagal ang yakap niya but I find it comforting. Nagsidatingan na din ang iba pero hindi lahat nakapasok sa kwarto dahil madami sila.
"How long am I unconscious?" Tanong ko at tumingin sa kanila. "Three days." Sagot ni Zyrus. "And if you are thinking kung nasaan tayo ngayon, nasa old HQ tayo and we were busy fixing this para makastay muna tayo dito pansamantala." Sabi niya pa.
Nakita ko naman sa gilid sina Yanna at Eliana na umiiyak at hindi lumalapit. "Hey, come here you two." Sabi ko sa kanila at patakbo silang pumunta at yumakap sa akin.
Their sobs are louder now. "A-Amethyst. Akala ko iiwan mo na kami. Natakot ako n-nung hi-hindi ka agad nagising." Nakayakap pa din sa akin si Yanna na humahagulgol.
"Shh, don't cry. Hindi ko naman kayo iiwan saka look I'm awake and fine now." Sabi ko naman at tuloy lang sa paghagod sa likod niya.
"Ang daya mo kasi ehh. Bakit ba hindi mo kasi siya agad tinuluyan?!" Hinampas ako ni Eliana ng mahina pero saktong-sakto sa sugat ko sa tyan kaya napasigaw ako. "Hala, sorry di ko sinasadya." Nagulat siya sa nagawa at umiyak na ulit.
Siguro masyado pang fresh ang sugat ko kaya biglang dumugo at nakikita ko na ang pagmantsa nito sa damit kong puti. "Oh my geez you're bleeding. Sorry." Nataranta naman siya at pati na rin ang iba.
"Call the healer." Utos ni Zyrus na agad sinunod ng mga peculiars. Umalis na yung iba at nagpaalam na may mga gagawin pa at yung iba ay tatawagin ang healer. They say that they are happy that I'm awake.
Natira sila Eliana dito kasama ko. I put pressure on my wound gamit ang kamay ko habang naghihintay sa pagdating ng healer. "So, anong nangyari habang wala akong malay? Wait, what happened to Cedric?" Tanong ko.
"Uh, sinugod namin siya and then napatay na lang siya. As of the happenings, wala masyado. " tumango lang ako sa kanya at di na umimik.
Dumating na ang healer at ginamot akong muli. I felt my eyes got heavy and I let the darkness embrace me.
***
Today is Monday. Bumangon ako ng kama and right now I'm perfectly fine. Wala ng kirot ang sugat ko sa tyan at ang mga pasa at sugat ko naman ay unti-unti nang nawawala.
I am still wearing my white night gown when I went out of the room that I was staying. For a while.
It's really early. Alas kwatro palang ng umaga and I think natutulog pa ang lahat dahil sa napakatahimik na paligid. Nag unat ako ng katawan at humikab pa. Maglalakad lakad muna ako dahil maaga pa talaga.
Binuksan ko ang main door at lumabas. Sinalubong ako ng malamig na hangin. It's still dark outside and the grass is moist. Medyo may fog pa nga ehh. Teka fog ba talaga to? Oh well nevermind.
The HQ is really under construction but unlike the way it is before, I like it more now. Umaayos na ang paligid. Half of it is done and still the half is under construction. Dahil nga peculiars kami and we have different abilities and control with things, it's easy for us. I mean them, hindi kasi ako nakakatulong kasi nga kagagaling-galing ko rin lang.
BINABASA MO ANG
That Cursed Eyes Of Hers
Science FictionDeceiving. Cold. Frightening. Her eyes are tempting to look at but also hypnotizing. Everyone doesn't want to have a glimpse. Amethyst was born peculiar and she's not aware of it. She only knew and hate the most, the cursed eyes of hers. As she grow...