-----
Kakatapos lang namin mag lunch at nagpapahinga muna kami sa isa sa mga rooms ng HQ na pinakamatino. Yung iba kasi sira-sira na dahil na din siguro sa matagal nang hindi nagagamit.
"Hayys. Kwentuhan na lang muna tayo habang nagpapahinga. Nakakabored pag walang ginagawa ehh." Suhestyon ni Yanna na naka indian sit sa baba.
"Hmm, let me ask. Yanna, kelan mo nadiscover ang peculiarity mo?" Tanong ko at humarap ako sa kanya. Tumingin pa siya sa taas na parang nag iisip. Nakatuon lang sa kanya ang atensyon namin ni Eliana na maghihintay din ng sagot.
"Hmm, noong bata pa ako normal naman ako katulad ng iba. Masigla, makulit at madaldal kaya nga tuwang-tuwa sa akin sina mama at papa. Pero nung nag thirteen na ako parang nagsisimulang maglaho ang ilang bahagi ko. Nagsimula yun sa paa ko. Noong una takot na takot ako. Iyak ako ng iyak. Tapos sabi daw ng mga kapitbahay namin, salot daw ako." Kwento niya.
"Tapos sila mama nag alala na sakin. Walang doktor na makapagpaliwanag ng kalagayan ko at dahil na din sa takot ng mga magulang ko, napilitan kaming umalis na lang at itago ako. Hanggang sa..." Naiyak na siya habang nagkkwento kaya lumapit si Eliana para icomfort siya.
Sorry but I'm not good in comforting people. Ngayon- ngayon pa nga lang ako nagiging sociable eh. You can't blame me.
"Then what happened?" Tanong ko.
Huminga muna siya ng malalim bago nagpatuloy. "Lumalala na noon ang kondisyon ko at mula balikat ko na lang ang hindi tuluyang nawawala. May pumunta sa bahay namin na grupo ng armadong lalaki. Pilit nila akong...kinukuha pero...pero nan--nanlalaban ako. Sina...sina mama at papa...binaril nila sila mama at papa...pinatay sila sa ha...harapan ko. Mga demonyo sila...kitang-kita ng dalawang mata ko...pilit pa niyang hinalikan ang mama ko. Galit na galit ako noon pero wala akong nagawa.."
"Nung napatingin na sila sa akin ay tumakbo ako palabas ng bahay namin. Tuluyan na akong naglaho at tanging damit ko na lang ang nakikita. Sa takot na makuha nila ako ay tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa di ko na alam kung saan ako pumunta." Pinunasan niya ang luha sa pisngi niya.
So, behind her smile and cheerful personality is a painful past. A past that she's hiding. "Hayyst sorry ang drama ko." Bahagya siyang tumawa at bumaik muli sa pagiging masiyahin.
Tumayo na din siya. "Halika na. Try na ulit tayo Mythy sayang oras eh." Sabi niya at nauna nang lumabas ng silid. Nagkatinginan kami ni Eliana at umiling na lang.
----
"Don't tell me that you're serious." Sabi ko at tinignan sina Yanna at Eliana na may hawak ng mga buto. Umiling sila at ngumiti. Seriously? They will let me try to make those seeds grow? By using an ability that I don't know if I have.
"Sige na Amethyst. You just gotta try it. Malay ba natin." Sabi ni Eliana at ibinibigay na sa sakin ang mga buto. Pero okay lang. Worth a try naman.
Bumuntong hininga na lang muna ako bago kinuha ang mga buto na nasa kamay ni Eliana at bahagyang umupo sa lupa. Eto naman ang susubukan ko. Kung meron ba akong ability na makapagpatubo ng halaman at makakausap ng mga hayop. I can't feel it. Napapikit ako at muling naalala ang mga bilin sa akin ng tagabantay. What does she mean na kailangan maging bukal sa puso ko? Does this mean na kailangan kong magpakatotoo? As in akong ako? The one with the purple eyes?
Siguro nga baka ito ang maging susi. Nangangamba man ako at nag aalinlangan ay tumayo ako at muling ibinalik sa kamay ni Eliana ang mga buto. "Huh? Teka di ka pa sumu-" pinutol ko na ang sinasabi ni Eliana. "May kailangan lang akong gawin. At sana ay wag magbago ang tingin niyo sa akin pagkatapos nito." sabi ko sa kanila na may nagtatakang mga ekspresyon sa mukha.
Hinugasan ko muna ang kamay ko gamit yung bottled water at nagpunas. Tinanggal ko ang contact lenses sa mga mata ko. I feel different. I feel uncomfortable na makita ng iba pero comfortable na din na wala akong tinatago. Tinigan ko sila na napanganga pala sa gulat.
"And this is my little secret. You can hate me now. Ito ang dahilan ng takot nila sa akin. Ang mga mata ko ay hindi normal." Sabi ko at ngumiti. Oo tanggap ko na ang kapalaran ko at tanggap ko na din na iba ako. Siguro ito ang sinasabi ng tagabantay. Kailangan ko muna sigurong matanggap ang sarili ko ng buong- buo.
"Ang mga mata mo...ang ganda ng mga mata mo." Sabi ni Eliana na nakatitig lang sa mga mata ko at parang nahyhypnotize. Ganito ba kalakas na energy ang meron sa mga mata ko? Is it really hypnotizing? "Oo nga Mythy dapat pala noon mo pa yan naipakita. Weee!" Masiglang wika ni Yanna na tila ba manghang- mangha sa nakikita.
Hindi ko alam na may mga taong nakakaappreciate ng pagiging iba ko.
"Thank you at hindi kayo natakot sa akin. Hindi tulad ng iba." Sabi ko sa kanila. "No worries. Lahat tayo may pecularities. Magkakahiyaan pa ba tayo ngayon?" Sabi ni Eliana na parang bumalik na sa katinuan.
Ngumiti akong muli. "Sige na nga subukan natin kung may epekto." Sabi ko at kinuha na muli ang mga buto mula sa kamay ni Eliana.
Muli ay bahagya akong umupo. Pumikit ako at huminga ng malalim bago ikinalat sa lupa ang mga buto. Habang nakapikit pa din ay nagcoconcentrate ako. Kung may kapangyarihan man akong makapagpatubo ng mga halaman ay buong puso ko na itong tinatanggap. Naniniwala ako na kaya ko to. I just need to let it all go. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko at hindi ko lang alam kung guni- guni ko lang ba o parang may nararamdaman akong kakaibang enerhiya na nagmumula sa loob ko.
Tuluyan ko ng idinilat ang mga mata ko at hinayaan lang ang enerhiya na balutin ako. Tila may isip ang mga kamay ko at kusa itong gumalaw. Nararamdaman ko pa din ang enerhiya na ngayon ay nakasentro na sa mga kamay ko.
Dahan-dahan, iniaangat ko ang kamay ko at sa hindi maipaliwanag na pangyayari ay may nakikita na ako. May nakikita na akong maliliit na dahon na unti unting tumutubo. Napangiti ako at lalo pang itinaas ang kamay ko at hinayaan lamang ang enerhiya na dumadaloy sa sistema ko.
"You did it Amethyst! You did it!" nagtatatalon pa sina Eliana habang paulit-ulit iyong sinasabi.
Hindi ako makapaniwala. Nagawa ko nga! Nagawa ko at alam ko na kung ano ang ability ko! "You are gifted with agrokinesis. An ability to connect with the nature." Sabi ni Eliana.
BINABASA MO ANG
That Cursed Eyes Of Hers
Science FictionDeceiving. Cold. Frightening. Her eyes are tempting to look at but also hypnotizing. Everyone doesn't want to have a glimpse. Amethyst was born peculiar and she's not aware of it. She only knew and hate the most, the cursed eyes of hers. As she grow...