-----
And out of nowhere, someone grabbed my hand and I felt the same sensation when Yanna held my hand. The difference now is, I feel electrified. Parang may dumadaloy na kuryente sa akin. Yung feeling na para akong naground, ganun.
Napatingin ako sa may hawak ng kamay ko ngayon. Isang babae. Babaeng may mahabang itim na buhok at matang ani mo ay mababasagin dahil sa kulay nitong mala abo. May suot siyang pabilog na salamin. Parang katulad nung kay Harry Potter. Para na naman kaming nasa force field pero ngayon may kuryente. Shit. What's with this energy transfer?
Bumitaw kaming dalawa sa pagkakahawak at nawala na yung kuryente.
"What was that again?" pasigaw na bulyaw ko habang tinitignan ang kamay ko.
Baka may paso o kung ano man.
"Anong nangyari?" tanong niya sa akin at tinitignan ang sarili niya.
"Hindi kaya..." bago niya pa matapos ang sasabihin niya ay may narinig kaming parang mabigat na bagay na bumagsak at pagtingin ko sa gilid ko ay nasa baba na ang makapal na libro katabi ng walang malay na si Yanna. "This kiddo is really panicky." umiling na lang ako habang hawak siya.
"Sino siya?" tanong nung babae kanina.
"She's Yanna...wait you can see her?!" halos pasigaw ang tanong ko at nanlalaki pa ang mata. "Of course, hindi naman ako bulag noh excuse me. Malabo lang ang mata pero hindi bulag." Sabi niya at medyo inayos ang salmin sa mata.
"But she said, she's invisible and I've proven it. How come you can also see her?" I asked. "I don't know. I really don't." She said. Umupo na din siya sa tabi namin ni Yanna at hinawakan niya ito sa kamay. Pumikit siya sandali at pagdilat niya ay parang may kumislap sa mata niya. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang yun. Napansin niya ata na nakatingin ako kaya ngumiti siya sa akin.
Weird.
Pagkatanggal niya ng pagkakahawak kay Yanna ay nagising ito. Wow may powers siya? I can't believe it. Pero teka, with these weird things happening, may imposible pa ba?
First mystery to kung taga dito siya.
"Wew! Akala ko kung ano na ehh. Sorry sa pagkahimatay." Sabi ni Yanna at nagpeace sign bago pagpagan ang sarili. Sinapok ko siya. "O ano gising ka na? Jusko." Sabi ko at umiling. Tinulungan namin siya tumayo at pinulot niya ang libro.
"Woo! Buti hindi naano tong libro! Babasahin ko pa to ehh."Sabi ni Yanna at niyakap ang libro.
"By the way, anong ginagawa niyo dito?" Napatingin kami ng magsalita yung babae. "Nagsosolve ng mysteries. We find this place really mysterious." Sagot ko sa kanya habang nakatingin ng deretso sa mata niya.
"Wait, kita mo ako?" Tanong ni Yanna at winawagayway pa ang kamay.
"Duh. Nakakainis na ha. Malabo lang ang mata ko pero hindi naman ko bulag." Sabi niya at nagroll eyes. "Pero hindi ako nakikikita ng iba. Kayo lang."sabi ni Yanna.
"Tama na muna yan."
"Ano ang ipinunta niyo dito?" Tanong niya.
"Like what I've said, we're here to discover." Sagot ko na parang nababagot. Like duh, ulit ulit lang?
"Yan din yung sinabi nila sa amin dati. Yan mismo ang sinabi nila." Sabi niya na parang nanggagalaiti. Woah. Parang masyado naman ata siyang nag ooverreact huh.
"Who? Sinong nila?" Tanong ni Yanna.
"Yung mga taong sumira sa sitio ko. Yung mga taong naging dahilan ng pagkawasak ng mga pamilya dito. Kasama ang pamilya ko." Sabi niya at may kuryente sa mga kamay niya. Woah!
"What the heck! What are you!?" Tanong ko at pinapalayo si Yanna. "You don't need to know what I am. Umalis na kayo." Sabi niya at may kuryente pa din sa kamay niya. "We will not leave unless you explain to us everything. I know hindi tayo close pero please we need to know." Sabi ko sa kanya.
I'm trying to cool her down kasi hindi ko alam kung anong pwede niyang gawin sa amin. Ngayon lang ata ako nakaramdam ng ganitong takot. Takot na may halong kaba. May kapangyarihan nga siya at wala ata kaming laban doon.
Kahit alam ko naman na wala akong magagawa ay pilit kong kinalma ang sarili ko hanggang sa nakapagconcenrate na ako. Yung pakiramdam na para akong lumulutang. Susubukan ko yung ginawa ko noon sa reporters. Walang assurance pero hindi ko pa gustong mamatay dito.
Parang may bumubulong sa akin. Parang boses na animo'y hangin sa lambing. I an't even understand the words.
Hindi ko alam kung bakit sa kabila ng takot na nadarama ko kanina ng dahil sa nakakatakot na nilalang sa harapan ko ay nakalma ko ang sarili ko. Muli, kinakausap ako ng boses.
'Wag galit ang pairalin. Isip ang unahin. Siya ay unawain upang mamayani ang kapayapaan.' Tila hele ang bawat salita na naririnig ko.
'Tuturuan at tutulungan kita kung ako'y iyong hahayaan. Alam kong sa ngayon ika'y naguguluhan. Ngunit malalaman mo rin sa takdang araw ang bawat sagot sa katanungan.'
Napatango na lang ako ng wala sa sarili. Parang nagising ako sa katotohanan ng hilahin ni Yanna ang kamay ko.
"Amethyst!" Sumigaw niya ng muntik akong tamaan ng kuryenteng nagmula dun sa babae.
"Hindi ko gusto ang gulo. Please huminahon ka." Sabi ko at tinitignan ko siya. Parang may sarili na siyang electric field at nagkikislapan ang buhok niya. Nakakatakot siya.
"Hindi ko rin gusto ang gulo kaya umalis na kayo dahil kung hindi ay mapipilitan na akong paalisin kayo sa hindi magandang paraan." Sabi niya.
"Halika na Amethyst. Natatakot na ako. Hayaan na natin sya. Kung ang gusto niya ay ang umalis tayo gawin na lang natin. " sabi ni Yanna at pilit akong hinihila.
Gamit ang isip ko, sinubukan kong kausapin ang boses kanina.
'Ano ang dapat kong gawin?' Tanong ko.
'Huwag kang matakot sa kanya. Nabigla lang siya. Kailangan mong iparamdam at ipaniwala sa kanya na mapagkakatiwalaan kayo. Gawin mo ang sa tingin mong tama. Sundin ang iyong puso.' Sagot ng boses.
Ano nga bang sinasabi ng puso ko?
"Dahil hindi kayo umalis, pagsisisihan niyo ang pagpunta rito." Sabi niya at alam kong ano mang oras ay handa na syang umatake.
At hindi ako nagkamali. Nagpakawala siya ng lightning balls papunta sa direksyon namin at nakailag naman kami. Paano ko sya pipigilan? Isip, isip, isip.
Nang babato na naman siya ay wala na akong nagawa kundi tumakbo palapit sa kanya. At yakapin siya ng mahigpit.
"Tama na." Bulong ko sa kanya at tila ba nanlambot siya at naghina. Nagtataka ako ng parang hindi man lang ako nasaktan. Parang nakapag adjust na ang katawan lo sa malakas na energy. Nawala na ang mga kislap ng kuryente sa kamay at buhok niya at parang kumalma na din siya.
Bumitaw na ako at tinignan siya. Ngayon na lang ulit ako yumakap. "Bakit mo ginawa yun?" Nalilito niyang tanong. "Eh wala na akong naisip eh. Alam ko din na di ka namin kaya." Sabi ko. "Huminahon ka na please natatakot ako sa'yo." Sabi ni Yanna na parang bata.
Parang medyo humihinahon na sya. Epekto ba ito ng yakap ko? Baka hindi naman.
"Pasalamat kayo at mabait ako at hahayaan ko kayo ngayon. Pero hindi ibig sabihin ay pagkakatiwalaan ko na kayo. Ito kasi ang unang pagkakataon na hindi masaktan ang isang mortal na nakipag close contact sa akin. At nagtataka ako. Parang alam ko na kung bakit. At talagang nasigurado ko na ang hinala ko.."
Tumigil siya para tumingin sa akin.
"You are different like me. Like us. Welcome to the group." Sabi niya at hindi ko siya maintindihan.
"Huh? What are you saying?" Tanong ko.
"Unless you don't know yet? I will introduce myself first, I am Eliana Zane Heartifilia. I am a peculiar." Sabi niya at ngumiti.
BINABASA MO ANG
That Cursed Eyes Of Hers
Science FictionDeceiving. Cold. Frightening. Her eyes are tempting to look at but also hypnotizing. Everyone doesn't want to have a glimpse. Amethyst was born peculiar and she's not aware of it. She only knew and hate the most, the cursed eyes of hers. As she grow...