-----Kakatapos ko lang kumain ng lunch kaya naisipan kong pumunta sa may rooftop ng school. Dala ko ang gitara ko. Sana lang walang mga tao doon na dudumog sa akin. Hindi kasi ako artista noh hello? Tch annoying.
Umakyat na ako papunta doon at wala naman atang tao. Mukhang okay dito ngayon ah. Free akong makakakanta. Ayoko kasi ng istorbo at ayoko din may nakikinig kapag kumakanta ako.
Umupo ako sa malapit sa railings. Hm, ano kayang magandang kantahin ngayon? Ah, wala akong maisip. Hindi na nga lang ako tutugtog kaasar naman eh. Inilibot ko ang mata ko sa paligid.
Teka, si sir ba iyon? Akala ko pa naman masosolo ko na ang rooftop. Hindi pala. Teka, nagpupunas ba siya ng pawis? Pero bakit naman sa mata. Edi...luha yun. Tumayo ako para puntahan siya.
Curious lang ako sa kanya. Ang tahimik niya, nahuhuli kong tulala siya sa kawalan kapag may activities at saka yung mata niya parang sobrang lungkot palagi.
Dahil nga sa preoccupied nga siguro ang isip niya ay nakatingin siya sa kawalan at hindi niya napansin ang presensya ko. Katabi ko na siya ngayon. Tumikhim ako kaya napatingin siya sa direksyon ko at bahagyang nabigla.
Nang makabawi na ay nagsalita na siya.
"Anong ginagawa mo dito Ms. Craig?" Tinignan ko lang ang mukha niyang may pagtataka. "May kakaiba talaga sainyo." I stated.
"H-huh? Hindi ko alam ang sinasabi mo."
Bakit naman siya nag stutter? Magulo talaga siyang kausap. Bigla na lang siyang umalis sa harapan ko kasabay ang pagtunog ng bell na hudyat ng pagkatapos ng lunch break. Bastos din itong prof namin eh. Aalis na lang bigla.
Bahala siya. Inunahan ko na siyang maglakad at nilagpasan ko siya. Bastusan kasi eh. Nauna siya. Kainis naman. Wala nang galang pero ayoko kasing tinatalikuran ako kapag kausap ko ang tao. He can politely do it and I'll do the same pero nasa kalagitnaan pa kami ng conversation hindi ba?
Binilisan ko na lang ang pagbaba at diretso lang ako sa room ko for the first subject ng hapon at iyon ay design. Architecture student kasi ako at 2nd year college na. Mahirap siya infairness. I mean mahirap siya.
Pagkapasok ni ma'am ay ang strikto na naman ng itsura. Ang kapal ng eyeshadow at blush tapos ang pula ng lipstick. Pero 'wag ka, magaling naman talaga magturo eh.
In other words, don't judge the book by its cover.
***
Uwian na sa wakas at dumiretso ako kaagad sa may parking lot. Gusto ko nang umuwi para kumain. Gutom na gutom na ako ehh. I'm also craving for sweets.
Pumasok ako sa loob ng kotse at nag drive na palabas ng parking lot. Like a normal day ay traffic na naman sa daan pauwi. Syempre sabay-sabay na nag-uuwian ang galing eskwela at mga galing sa trabaho.
Naipit pa ako sa traffic! Kairita naman na ngayon pa na gutom na ako. Badtrip naman. Dahil magffive minutes ng halos hindi gumagalaw ang mga sasakyan dito, tumingin na lang muna ako sa labas.
Kagaya ko ay mukhang bwisit na din ang mga ibang nakakotse at yung ibang pang nakasakay sa ibang sasakyan. Pero may isang lalaking nakasakay sa pulang sasakyan ang nakakuha ng attention ko.
Yes he got the looks pero parang may nararamdaman akong kakaiba sa kanya eh. Iba yung aura niya. Parang nakikita ko, color red. It means anger. Teka...nakikita ko ang aura niya?!
I blinked and looked again. Nakikita ko pa din yung nakapaligid na pulang kulay sakanya. What's happening to me? Liningon ko din yung iba pang tao habang kinukusot ang mata ko. Nagbabaka sakaling dala lang to ng gutom.
Nakikita ko ang iba't- ibang aura nila. May green, pink, red at black. Oh no! May sira ba ang mata ko o dahil sa lenses? Nung bata ako nakakita din ako ng ganito pero akala ko noon wala lang yun.
Woahh. Gutom na siguro talaga ako. Nang medyo lumuwag na ang daloy ng traffic ay pinaharurot ko ang kotse ko. Wala akong pakialam ngayon. Hindi ko alam kung nababaliw ba ako o ano man pero hindi ko alam ang gagawin ko.
Napaapak ako sa preno ng hindi oras nang biglang may dumaan na babae sa harapan ng kotse at tumama ang kotse sa puno. Sa lakas ng impact ay tumama ang ulo ko sa steering wheel na nagdulot ng matinding sakit. Ang sakit...nahihilo ako.
Sinapo ko ang ulo ko at nahawakan ang mainit na likidong tumutulo. Dugo. Madaming dugo ang tumutulo at nanginig bigla ang mga kamay ko. Takot lang sa ngayon ang nangingibabaw sa akin.
Kahit nanghihina na ako ay kinuha ko ang phone ko at pinindot ang emergency contact. Nagring pa ng ilang beses bago sumagot.
"Help. Track me mom."
Yun lang ang nasabi ko at nabitawan na ang cellphone ko.
Bago pa man magdilim ang paningin ko ay may naaninag akong pigura ng isang babae...at nagdilim na ang lahat.
BINABASA MO ANG
That Cursed Eyes Of Hers
Science FictionDeceiving. Cold. Frightening. Her eyes are tempting to look at but also hypnotizing. Everyone doesn't want to have a glimpse. Amethyst was born peculiar and she's not aware of it. She only knew and hate the most, the cursed eyes of hers. As she grow...