Kabanata 1

22.9K 561 46
                                    


-----

Uniform? √

Contact lenses? √

Books? √

Others? √

All set and I'm ready to go. Pupunta na naman ako sa school. Ang isa sa pinakaayaw kong lugar. Puno ng mga war freaks, nerds, feeling genius, at mga plastic. Hindi ako mahilig maki-socialize kasi ayoko.

Iniisip niyo rin siguro kung bakit ako nagcocontacts? Ayokong may nakakakita ng totoong kulay ng mata ko sa school. Matatakot lang sila.

As far as I can remember, there's this internet myth that tells me that my condition is called Alexandria's Genesis. But, it's purely hearsay and I refuse to believe. Sabi rin kasi doon, people with the said condition are considered as perfect human beings having pale skin and a perfect body that doesn't gain weight. Well, impossible.

Sino bang may pake?

Bumaba na ako at diretso lang papuntang dining area. Nakaupo na si dad at mom. Si dad ay nagbabasa ng newspaper as usual at si mom naman ay nakangiti sa akin.

I tried to smile, but failed. Instead naging smirk siya. How I hate myself for being born this rude. Kahit sa parents ko ay cold ako. I don't know when exactly I started acting like this but I'm trying my best. Thankfully, they are used to it. Pero I feel guilty all the time. Mabait naman sila eh. Ako ang problema.

Umupo na din ako sa upuan ko at nagsimulang kumain. Tahimik lang naman kami palagi kapag kumakain. Parang pati nga utensils ay nahihiyang mag-ingay. Nang natapos na ako ay tumayo na ako kaagad.

"Bye mom, dad," I forced a smile and kissed their cheeks.

"Safe trip baby!"

"Enjoy your day," sabi naman ni dad na nakatoon pa din ang atensyon sa binabasa niya. Diretso lang ako papuntang garage at sumakay sa kotse ko. Yah, my very own. Not to boast but I have a car and a license because I am of legal age and the process is easy. Reality check, rich and influential people always have their way to do things. Well, don't get me wrong, hindi naman ginusto ni dad iyon and we insisted to follow the process pero the one's in-charge took care of things.

Agad akong pinagbuksan ng guard namin ng gate. Pagkalabas ko ng gate namin ay naramdaman ko na naman ang pamilyar na pakiramdam. All eyes are on me again. Araw-araw na lang kapag may lumalabas na kahit sino sa amin mula sa gate ay tinitignan kami ng mangilan-ngilan.

Congressman's residence nga naman. Congressman na kasi si dad dahil na din sa kagustuhan ng mga tao. Magaling kasi talaga siya at maaasahan. Alam niyo bang dahil sa kanya magaganda na ang daanan dito? Malayo sa pagiging lubak-lubak noon.

Tumutulong siya sa mahihirap at isinasama pa nga kami kapag may feeding program o kaya ay iba pang projects. Mahal siya ng mga tao kaya kahit madaming death threats man ang natatanggap niya mula sa mga kalaban, handa siyang protektahan ng mga tao.

Nakarating na ako sa school at lumiko na lang para mag park sa usual parking space ko. Ako lang ang nagpapark dito. No one dares to try. Anak kasi daw ako ng congressman. Eh ano naman connect nun? Sometimes I think that they don't dare because I'm too intimidating.

Bumaba ako ng kotse at nilock na iyon. Habang naglalakad ako sa hallway ay may mga napapatingin. Yung iba naman hinihead to toe ako. Para namang ikamamatay ko ang mga tingin nilang 'yan. Tsk.

Diretso lang ang lakad ko at hindi nag atubiling pansinin pa sila. Hmm, I guess wala pa si Sophie Brillantes, ang number one insecure sa akin. Biruin niyo na may grupo dito na nambabash sa akin at siya ang leader. Tch. Hindi pa ako artista niyan ha.

That Cursed Eyes Of HersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon