Kabanata 18

6K 187 48
                                    

-----

"Break muna po for 10 minutes please." Sabi ko kay miss Farrah sabay inom ng tubig at umupo sa damuhan. Nandito kami sa HQ para nga sa training. It's been a week after that incident. After ng lahat ng gumugulo sa isip ko.

After that night ay nag ensayo kami agad. Sinabi ko sa kanila ang dahilan ng aksidente nina mommy kung kaya't naging mas alerto sila. Pinuntahan namin agad si miss Farrah at ipinayo niya na magsimula agad kami ng training.

Sa isang buong linggo ng pag ensayo ay mas lalo kong napapalakas at nakokontrol ang abilities ko. Yung iba't iba. I've known a lot now. Pero hindi pa to sapat. Hindi pa ako handang- handa. Kailangan ko pang mahasa.

Tumayo na ako para ipagpatuloy ang ensayo. "Use your mind dear, you can lift that boulder." Pagpapalakas ni miss Farrah sa loob ko. Pinapasubok niya sa akin ang telekinesis. Ito yung pag gamit lamang ng utak para mapagalaw ang isang bagay.

I concentrated. Diretso lang ang tingin ko at iniisip kong angatin ito. Dahan-dahan kong iniaangat ang kamay ko. Tagaktak na ang pawis ko at parang mapuputol na ang ugat ko sa leeg dahil sa pressure.

Hindi ko na to kaya. Itinigil ko muna ito at hingal na humagilap ng hangin. "Miss, di ko po kaya. Masyado atang malaki at mabigat." Nanlulumong sabi ko at tinignan si miss Farrah.

"Hmm, naku. Hindi yan ang attitude na gusto ko. Ang electus ay hindi agad sumusuko. Unang subok mo pa lang yan eh. Just let the energy flow naturally. Don't force it. Relax. Kapag natutunan mo nang kontolin yan, magiging parte mo na yan." Paliwanag niya at nginitian lang ako.

Tumango lang ako. Tama si miss Farrah. Kaya ko to. Huminga ako ng malalim bago muling nagconcentrate at this time hindi na ako pressured. Nirelax ko ang sarili ko at ikinumpas ang nga kamay ko sa hangin. Pumikit ako at isa lang ang itinatak sa isip.

Float like a paper, obey my command.

Iniisip kong iniaangat ko na ang boulder. Narinig ko bigla na may pumalakpak kaya napadilat ako pero hindi pa din nawawala ang concentration.

Napatingin ako sa direksyon nina Yanna at may inginunguso siya. Napatingin naman ako sa kung ano yun. Nanlaki ang mga mata ko. Nakalutang ang boulder above the ground. I did it! I really did!

Sinubukan ko itong igalaw galaw sa iba't ibang direksyon at sunusunod ito na tila ako ang may control. Literally ako nga.

Dahan dahan ko namang ibinaba ito. "Great job! Sabi ko sayo eh kaya mo!" All smiles si miss Farrah. Nakakatuwa namang marinig yun. Sulit yung pagod ko. "Ikaw naman nga magpakitang gilas Yanna!" Sabi ko kay Yanna.

"A-ako?" Medyo napalunok siya at halatang kinabahan. Sinusubukan niya palang kasing icontrol ang invisibility niya. Nalaman kasi namin na pwede siyang hindi maging invisible kung matututunan niya itong macontrol.

Handa na ang mga damit niya. "Go yannnaaaaaaa!!" Cheer ni Eliana sa kanya. Napangiti ako. They are really best friends. Pumikit si Yanna at ramdam ko ang pagcoconcentrate niya. Unti-unti ay nakikita ko na siya.

Yung totoong Yanna. Yung nahahawakan. Napangiti ako at siya din nabigla na for the first time nagawa niya yun. Nilapitan namin siya at niyakap. "Wahhh. Ang saya saya ko! Ang tagal ko nang hindi naka kakain ng donut eh! Wahhhh! Makakakain na ako!" Natawa kami sa pagkachildish niya.

Pinagbihis na namin siya at tumingkad ang ganda niya. Malaporselana ang puti ng balat niya at mapupula ang pisngi at labi. Para siyang si snow white pero mahaba ang buhok niya.

At last, ngayon ko lang ulit nakitang ganito kasaya si Yanna. Sunod-sunod na nagpakitang gilas sina Eliana, KD, at si Zyrus.

Mag gagabi na ng matapos kami. Mga 7 na ng gabi. Maaga kaming kumain dahil ito na ang nakasanayan dito ni miss Farrah. Maagang kakain, maaga din matutulog.

That Cursed Eyes Of HersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon