Dedicated to Sy_Nicole93
-----------
Nandito kaming Tatlo sa kwarto ni Ate Jewel.Hinihintay siyang magising.Pinauwi na lang lahat ng mga bisita dahil gabi na din at kailangan ng pahinga ang celebrant.
"Ganiyan si Ate Jewel,bigla na lang siya inaatake ng sakit ng ulo" sabi ko sa kalagitnaan ng katahimikan namin. "Hindi pa ba kayo uuwi?"
"Hindi,hangga't hindi siya nagigising" natouch naman ako sa sinabi ni Sam.xD
"Salamat"
"Smile,don't let yourself down because of what happen,She will be okay" napatango na lang ako sa sinabi naman ni Mandy. "Cheer up! Like Twice"
"Like Twice? Ano?"
"Kpop girl group 'yun"
"Kpop? Hahaha!!!"
"Anong nakakatawa sa Kpop,Ate Han?" Agad nagtanong ni Sam.
"Mga kpopper pala kayo" sabi ko saka napaisip. "Hmm...may alam ako noong kpop group eh,kinaaadikan 'yun noon ng mga pinsan ko"
"Ha?,Big Bang ba?...Gdragon?"
"Anong Gdragon? Hindi 'yun,basta ano nga ba ulit 'yun?" Halos mapakamot na ako ng buhok sa kakaisip. "May number 'yun eh,2....haist!"
"AH!...2 pm?" -Mandy
"2ne1?" -Sam
"Ayun!,2ne1 'yung eh,eh,eh,eh,eh,eh 2ne1,ang ganda ng kantang 'yun eh kaso hindi ko maintindihan" sabi ko.
"Oo!,'yung fire na kanta nila"
"Si Dara ng 2ne1,marunong siyang magTagalog!"
"Oh?!" Na-Amaze ako sa sinabi ni Sam.
Ang sunod na nangyari ay dumaldal sila about sa kpop,kung ano ano pinagsasabi nila,hindi ko gets.Minsan nga na-OOP ako dahil away sila ng away kung tama ba 'yung info na sinasabi nila saakin tungkol sa kpop group chu chu.
"My bias in BTS is Suga while in Twice is Tzuyu...that girl,I think I'm inlove because of her" pagkasabi nun ni Mandy ay pumikit siya at para siyang nananaginip,Parang adik.
"Huy!" Pinitik ko siya sa noo.
"Mandy talaga,para kang ewan" komento ng bespren niya sa kaniya.
"Bakit?,is it bad to dream big?"
"Oo,umaasa ka lang" sabi ko.
"Ahahaha!,Si Ate Han,bitter!"
"Walang forever" nagtawanan kaming tatlo nang sabihin 'yun ni Mandy,wait...nababaliw na ata ako.
"Btw,eto nga pala ang EXO,Ate Han"
Pinakita niya isa isa ang mga member ng exo daw sa cp niya,sabi niya pumili daw ako ng bias,ang bias daw ay 'yung parang crush o favorite.Ang napili ko ay...hmmm..si Luhan.
"Hahaha!!!,You're inlove to the pretty boy" nilingon ko kaagad si Mandy at sinalubong ng kunot noo.Ano?
"Anong pretty boy pinagsasabi mo?,at tsaka anong inlove? Agad agad?!"
"Haha,Pretty boy kasi si Lulu,mukha siyang babae pero sabi niya Manly siya hahaha!!" Natawa si Mandy sa sinabi ni Sam,ako naman,hindi ako makarelate.Nakaka-OP
Napalingon kami nang makita naming medyo gumalaw si Ate Jewel,Nalaman na naming gising siya.Babangon na sana siya nang pigilan ko siya.
"Ate Jewel,'wag ka munang babangon,magpahinga ka muna please" sabi ko.
BINABASA MO ANG
The Bubble Guy (COMPLETED)
ContoBOOK 1: (SHORT STORY) MEMORABLE MOMENT BANG KAILANGANG ITREASURE O PUTUKIN NA PARANG LOBO? ALAMIN NATIN KUNG ANONG MAS MAGANDA SA PAMAMAGITAN NG PAGKWENTO NIYA. -------------------------- BOOK 2: (SHORT STORY) ANONG PWEDENG GAWIN KUNG ANG 'AKALA' MO...