Han's pov:
"Andito na tayo!"
Nagising ako tumapat 'yung malaking bahay...Nasa baguio kami dahil dito nakatira sila Tito. Tinanong ko din sila about kila Ate Jewel. Pwede daw ako magbakasyon kila Ate Jewel hangga't summer vacation pa kaya next week pupunta ako sa kanila.
Bumaba ako at pimagmasdan ang paligid. Probinsya style,tahimik at kalmado, Namiss ko 'yung klima,sa klimang iyun naalala ko 'yung mga nangyari noon...
Pagtapos kong kunin lahat ng gamit ko sa kotse ay may sumalubong na madaming maid. Ngayon di na ako nagtataka na si Tito lahat magbabayad ng gastusin ni Steph sa ospital.
Tinulungan kami ng maid makapasok. Mala-mansyon nga nakikita ko dahil may mga puno kang madadaanan bago ka makapasok sa mismong bahay.
Nang makapasok na kami ay napansin kong sila Tito at Tita at mga maids lang ang nasa malaking bahay na ito... Pagkapasok ko pa lang nangilabot na ako dahil may nakita akong tumakbo paakyat sa hagdan.
"Kami lang ng Tita mo nandito, dati andito ang anak namin pero matagal na ring panahon na nawala sya.." bakas ang kalungkutan sa mukha ni Tito..
"Hon,andyan na si Han oh. May maituturing na natin siyang anak"
Agad silang napatingin sakin at ngumiti,nginitian ko din sila dahil gusto ko ring ganito kasaya ang parents ko.
"oh Han,check mo na 'yung kwarto mo sa itaas,'yung pink na pinto,nagiisang pink na pinto iyun kaya madaling mahanap"
"Sige po Tito"
Kinakabahan akong umakyat dahil di biro 'yung nakita ko kaganina. May umakyat talaga. 'Di ko alam kung pagod ko lang o guni guni.
Nakita ko kaagad 'yung pink na pinto pagkaakyat ko,binuksan ko ito at ang lawak,parang 'yung pinapangarap kong kwarto na may restroom, napangiti ako at dali daling humiga sa kamang napakalawak.
Maya maya nagulat ako nang may magbukas ng CR.
"AAAAHHHH!!! TITO!" Sumigaw ako ng pagkalakas lakas at tumakbo dahil sobrang natakot ako.
"AAAAAAHHHHHH~!!! MANYAK! TULONG PO!" nagulat naman ako ng biglang sumigaw 'yung nasa CR.
Huminto ako ng saglit at lumingon sa likod ko. Sh*t! Baklang masculado.
"sino ka?!" pagtatapang ko.
Sabi sakin ni Tito sila lang 'yung nakatira dito bakit may ibang tao?
"Help!! Oh my goodness!,ang aking dignidad na pinakainiingat-ingatan!!" Sigaw niya habang nakatakip sa katawan niya sabay tinaasan ko naman siya ng kilay dahil nakabalot naman na siya ng twalya.
Agad akong napatingin sa pinto ng kwarto dahil may dumating, di ko aakalain, si Sam ito.
"Sam?" Sobrang randam ko na 'yung dati nang makita ko ulit sa Sam sa personal, 'yung iniyakan ko dati, 'yung mga inasahan ko dati.
"Han! Hello, pagpasensiyahan mo na si Jin"
"No beshy! Natanggalan nanaman ako ng dignidad ahuhuhu!!"
O.A naman ng baklang 'to.
"Jin,tama na, eto si Han,'yung isusurprise sana natin kaso sinira mo"
"hmp! Ang manyak nya"
"excuse me?" aba,tarayan ko din kaya siya.
"Aish,magbihis ka sa kabilang kwarto at kakausapin ko muna 'tong si Ate Han" umalis kaagad si Jin nang sabihin iyun ni Sam.
BINABASA MO ANG
The Bubble Guy (COMPLETED)
Short StoryBOOK 1: (SHORT STORY) MEMORABLE MOMENT BANG KAILANGANG ITREASURE O PUTUKIN NA PARANG LOBO? ALAMIN NATIN KUNG ANONG MAS MAGANDA SA PAMAMAGITAN NG PAGKWENTO NIYA. -------------------------- BOOK 2: (SHORT STORY) ANONG PWEDENG GAWIN KUNG ANG 'AKALA' MO...
