TBG 2.3

31 1 1
                                    

Unedited...
----------------

Han's POV:

Lumipat kami ng room ni Tito sa Hotel,sa pinakaIbabang floor ang pwesto namin kaya di na kailangan umakyat pa.

"May bago tayong papasyalan,magligpit ka na sa kwarto mo" kakagising ko lang pasyal agad.

Nakakaantok lalo pa't nagpuyat ako kagabi,nagpuyat kakaisip sa bagay na 'di naman dapat isipin!,buti nga kagabi pagkabalik ko sa Room ay hinahanap na pala ako ni Tito at good news na wala na si Mandy,pinauwi na kasi ni Tito dahil gabi na.

Ginawa ko na lahat ng morning rituals ko at nagAyos ng kwarto,bumaba at nagAlmusal.
Ang almusal ay isang bibimbap na may side dish na Tofu at Kimchi.

"Mahaba habang pasyal ang gagawin natin kaya kumain ka ng madami" sabi sakin ni Tito habang sumusubo ako.

Sana maEnjoy ko 'yung pasyal,baka kasi nasa paligid-ligid lang 'yung gurang na 'yun.

***********

Ready na kami umalis ng Hotel nang may lumapit na mukhang estudyante 'kay Tito.

Nagusap sila in Korean,kaya ako mukhang ewan na nakatayo.Hindi naman nagtagal ay umalis na 'yung estudyante at nagsimula na kaming maglakad.

"Mga Estudyante ko sila noon,Dati kasi guro ako dito" pagexplain ni Tito sa katanungan kong 'di na kailangang itanong dahil nasagot nya na.

"Ohh.." 'Yun na lang nasabi ko.

Naglibot kami,Tour guide na tour guide ang dating ni Tito.Napadpad naman kami sa isang parang village,Pinakita ni Tito 'yung mga bahay,ang gaganda,ansarap maglakad,'di mo mamamalayan na napapagod ka na pala.

"So ano,Kamusta?,pagod ka na?" Tanong sakin ni Tito.

"Umm...kaya pa Tito" sabi ko.

"O sige,dun pa tayo sa dulo" pumunta kami ng dulo,may bahay na nasagi ng mata ko,Isang drawing na nakadikit sa gate nila.Hala,drawing? Ididikit sa gate? Nak ng...

"Ah...Tito..Ba't may drawing sa gate na 'yun?" Syempre nagtaka talaga ako,Natatawa ako sa drawing eh,isang kalbo na parang drawing ng bata. 😂

"Ah,ayan?,'di ko rin alam"

Tinignan ko pa ng mabuti 'yung drawing at mukha talaga siyang pamiliar at the same time natatawa ako.Maya maya may bigla na lang humawak sa braso ko,ngayon naman natatakot ako.

"Waaahhh" natakot ako sa sobrang higpit ng hawak.WAAHHH KIKIDNAPPIN AKOO 😱😱

"Aissh!!" Nagalit 'yung kidnapper sa pagpupumiglas ko.

"TITOOOO!!,TULONG!!,HUHUHU!!" Sigaw lang ako ng sigaw dahil si Tito nawala bigla,'Di ko na siya makitaaa!! 😢

Sobrang higpit ng paghawak sakin,Ito na ba 'yung katapusan ko? 😢 bigla na lang tuloy akong naluha,Sobra na takot ko,'di ko alam kung anong pwedeng mangyari sakin.Pilit akong lumaban kaso hinihila nila ako papunta sa gate na may drawing.

Tuluyan na akong umiyak habang sumisigaw kaso wala man lang katao tao,Myghad!,ano nang gagawin ko?,'di nagtagal may nakita akong tao na lumabas sa gate.

The Bubble Guy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon