Han's POV
"All we need to do is to choose,we may pass the fear but,can we accept our fate after doing the things we want?"
Dinig ko ang boses ni Mandy, ngunit nakatalikod siya at kalahati lang ng katawan niya ang nakikita ko, sobrang labo din ng paningin ko na para bang bulag ako, rinig ko ang hingal ko at kutob ng dibdib ko na para bang umakyat ako sa mataas na hagdan, 'di ko alam kung bakit di ako nagsasalita ngunit nang harapin niya ako biglang bumagsak ang katawan ko na parang ayaw ko na...
Unti unting dumidilim ang paningin ko... hanggang ang huling kita ko ay tumalon siya..
Di ko namalayan na nasa rooftop pala kami.
********
Nagising ako at umiyak nang umiyak,nanakit ang dibdib ko ng sobra ,nagpipigil para di marinig nila Tito. Madaming bumagabag sa isip ko ,sa mga sinabi niya ,negatibo ang naisip ko, ano nga bang mangyayari kapag umamin na ako sa kaniya? At sa nangyari ,nang tumalon siya... Hindi, hindi naman totoo 'yun pero di ako matahimik kaya tinawagan ko si Mandy..
Ay,wala nga pala akong Load -_-
Nagbihis ako nang pangJogging ko at agad na bumaba kaagad at nagpaalam kila Tito na magpapaload lang ako,pero pagkalabas ko ay nasa tapat na pala ng gate namin si Sam.
"Han"
"Sam andito ka na pala"
"Oo naman, Early bird ako noh"
"Umm..may load ka ba?"
"Huh? Bakit?"
"May gusto lang akong tawagan?"
"Sino?"
"Ah basta kaibigan lang"
"Aww ano name?"
"Huh? Aah..nevermind,mamaya ko na lang siya tatawagan"
"Okie"
Mukhang anhirap sabihin kaya mamaya na lang ako magpapaload ╥﹏╥
Nagsimula na ako magstretch bago magjogging baka mabigla ang aking mga mussels. Habang nagstretch ako ay may bigla na lang akong narinig na mga sigaw o kaguluhan, nilingon ko 'yun at..Mukhang mga kaibigan ni Sam.
"Sugurin niyo na siya!!!" Sigaw ng bakla este si Jin. Papasugod ang mga kaibigan niya sakin at ako naman biglang napatakbo.
"G*ga ka Jin! Bisita si Han dito,
Don't do such a shameless act" nang sabihin yun ni Sam ay tumigil ako sa pagtakbo dahil tumigil na sila kakahabol sakin."BISITA?" biglang napahinto 'yung angkan I mean mga kaibigan ni Sam nang marinig nila ang word na "Bisita". Nakatingin naman sila ngayon 'kay Jin.
"Bisita or Bwisita?" taas kilay na tanong ni Jin sa harap ng mga kaibigan niya.
"Ano bang problema mong bakla ka ha?" lakas loob kong sinabi sabay lingunan silang lahat sakin (⊙_☉) "I..I mean ba't anong meron?"
"Haist, Jin wag mo nang patulan si Han,anyway mga beshy ito nga pala si Han, and Han eto si Ack, Tim,Ben,Kin"
Ba't ganun mga pangalan nila?, gusto ko sana tanungin pero baka magmukha lang akong masama.
"Ah..Nice meeting you all" sabi ko sa kanila sabay nag-bow.
Pagkatingin ko sa kanila ay nagtaka sila sa ginawa ko.. Nag-bow ako? O.O
BINABASA MO ANG
The Bubble Guy (COMPLETED)
Short StoryBOOK 1: (SHORT STORY) MEMORABLE MOMENT BANG KAILANGANG ITREASURE O PUTUKIN NA PARANG LOBO? ALAMIN NATIN KUNG ANONG MAS MAGANDA SA PAMAMAGITAN NG PAGKWENTO NIYA. -------------------------- BOOK 2: (SHORT STORY) ANONG PWEDENG GAWIN KUNG ANG 'AKALA' MO...