Epilogue (WRITER'S POV)

27 0 0
                                        

"'Wag mo nang ishare! Di ko na kukumpletuhin"

Sinisigawan ko 'yung kapatid kong todo support sa storya kong ginawa, 'yung The Bubble Guy.

"Omg! Ate ang ganda ng dulo sa book 2,may twist,BINUSTED SYA! HUHUHUHU!!!"

"Anong twist doon? Eh 'di ko na nga tatapusin eh"

"Huwaat?! Eh 'yung mga echos mong fans nagaabang na!"

"Haist,hayaan mo na sila!"

"Bahala ka,may hater ka na oh"

Hindi ko na siya pinansin dahil daldal siya ng daldal kaganina pa dahil sa ginawa kong storya,sayang daw, may sense at maganda ang pagkagawa ko pero sa tingin ko hindi.

"Ate anong mangyayari sakin? Diba nasa America 'yung karakter ko dun"

"Hindi mo 'yun karakter"

"Eh ang name niya Stiph! At tsaka siya ang kapatid ng bidang babae"

"Stef name mo hindi Stiph!"

"Kahit na!"

Di ko na siya sinabat dahil mapupunta lang sa walang kwenta 'tong pinaguusapan namin.

Actually,nawalan ako ng inspirasyon sa pagsusulat

Kaso si Ate Jewel kinalat 'yung ginawa kong storya kaya ayun mema-viral si Ate Jewel, 'di ako nagpakilala ,mas gugustuhin ko pang ipamukha ng bestfriend ko na siya ang gumawa ng storya at hindi ako.

Umamin ako sa kanya 2 years ago, sa chat,oo sa chat , 'di ko alam kung nabasa niya ,pagtapos kong isend 'yung confession ko sa kanya ay bigla siyang nawala at 'di na ulit nagparamdam. Inassume ko na lang na nabusted ako.

Maraming nang-judge saakin na maling desisyon ang pag-amin sa chat lang, sa totoo lang gusto ko sa personal dahil malakas ang loob ko para sa taong minahal ko pero anong magagawa ko,'di ko alam kung saan siya nakatira,

Iba ang pakiramdam ko kahit between the screen kami naguusap, na kahit ganon, umaasa ako sa kutob ko ,kutob ng katotohanan na hindi siya isang loko loko,

Kaibigan lang naman kasi ang hanap ko pero bakit dun ako dinala ng tadhana. Tadhana ba o sarili ko?

*****

May pasok nanaman ,isang normal na araw nanaman. Pumasok ako sa classroom at sinalubong ako ni Ate Jewel,yeah siya 'yung bestfriend kong nagkalat ng storya,andun siya sa storya eh kaya di siya magdadalawang isip na ipagkalat,sinalubong ako habang sumisigaw.

"Haaaaannn!!!!, may naghahanap sayo!"

"Sino? Saan?" Tanong ko kaagad sabay lumingon lingon.

"Nandito!" Turo turo niya 'yung screen ng phone niya.

"Sa..chat?"

"Oo!,and parang kilala ka daw niya at tsaka tignan mo, lalaki siya"

"Ano name?"

"Mukhang dummy account,ang name niya ay sugar,pero bes baka eto si...omggggg"

Tinignan ko 'yung phone niya at nakita ang kanilang convo,

Sugar: "Hello? Ikaw ba 'yung author? Seems like magkaparehas 'yung ginawa mong story sa nangyari sakin noon, thanks,now I remember my fetus friend"

Jewel: "Hmm...parehas? Paanong parehas?"

Sugar: "Medyo parehas pero sa chat nangyari lahat..."

The Bubble Guy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon