LUMIPAS ang araw na hindi na nga natagpuan pa ni Hanah ang bracelet niyang naiwala niya. Inisip na lang nitong baka tama ang kaibigan niyang baka may nakapulot na nun at ibininta. Sa panahon ba naman kasi ngayon ay maraming taong naghihirap at nangangailangan ng pera. Dahil narin siguro sa magulong pamamalakad ng nasa katungkulan. Kaya ang mga taong mahirap ay lalong naghihirap at ang taong mayaman ay lalong yumayaman. Laging kawawa ang taong bayan dahil kaban ng mamayang Pilipino ang ninanakaw ng mga kurakot na politiko.
"Sweety, kumusta ang pag-aaral mo?" Tanong ng ina ni Hanah sa kanya. "Ayus lang po Mom, minsan nga lang maraming requirements na kailangan bilhin at gawin." Anito sa kanyang ina.
"Ganyan talaga ang buhay studyante anak, tyaga at pagsisikap lang ang kailangan." Anang kanyang ina.
"Kaya nga po Mom, gusto ko nang matapos ako ng pag-aaral. Dahil nakakapagud narin po e." Ani Hanah sabay sandal niya sa couch kung saan siya nakaupo.
"Hey! Ladies." Boses nagpatigil sa pag-uusap ng mag-ina. "Hey! Dad." Agad na tumayo si Hanah at sinalubong niya ang ama na kararating lamang.
"Kumusta ang work, Dad?" Nakangiti nitong tanong sa ama. "It's fine, baby." Anang kanyang ama na binigyan ng halik sa pisngi ang esposa.
"How about you, baby. Kumusta ang pag-aaral mo?" Tanong ng ginoo ng balingan siya nito. "Nha. Ayus lang, Dad." Sagot nitong napangiwi.
Phone is ringin......
Biglang napatingin si Hanah sa phone niya ng tumunog ito. Agad naman niyang napagsino kung sino ang tumatawag.
"Mom, Dad, sasagotin ko lang po ang tawag." Anito sa ama't ina. "Okay, go ahead sweety." Anang kanyang ina. Agad naman siyang ngumiti sa mga ito bago siya tumayo at nagtungo sa kanilang garden.
Nang makalayo sa kanyang magulang ay saka niya sinagot ang tumatawag.
"Hello."
Malamig ang tuno ng boses nito ng sagutin niya ang tawag.
"Hanah, can we talk? Please, I'm begging you." Anang nasa kabilang linya.
Huminga muna ng malalim si Hanah bago nagsalita. "Kiefer, pwedi ba tigilan muna ako. At ano pa ba ang pag-uusapan natin? Sinira mo ang tiwala ko sa'yo, your a cheaters alam mo ba yun. Sa dinami dami ng babaeng pwedi mong makalantari ay isa pa sa mga kaibigan ko. E di wow, magsama kayong dalawa at wag mo akong kausapin dahil hindi ko kailangan marinig ang wala mong kwentang paliwanag." Nanggagalaiti nitong aniya sa kausap.
"Hanah, lalaki lang ako---
----na natukso dahil may nakabukakang pagkain sa harapan niya. Ganun ba yun Kiefer?" Agaw ni Hanah sa sasabihin pa ni Kiefer.
"Bakit pa ba ako magpapaliwanag sa'yo e your always advance thinking. Kung hindi mo matanggap ang sorry ko e di wag mo." Anang kausap niya sa kabilang linya.
"Abah! Gago ka, lahat naman ng iniisip ko tungkol sa'yo e tama. Alam mo ngayon ko lang talaga narealize ang pangit mo pala. Nagtataka nga ako kung bakit sinagot kita siguro ginayuma mo ako para mapa'Oo sa'yo." Anitong kinapantig ng tainga ni Kiefer.
"What the hell, ako pangit. God, your sick Hanah. Hindi na ata ikaw ang Hanah na nakilala ko---
---na naging girlfriend mo pero niluko mo. Dahil pumatong ka sa nakahigang kaibigan ko habang nakahubad at nakabukaka." Putol nito sa sasabihin ni Kiefer.
Dahil siguro sa hindi na matagalan pa ni Kiefer ang mga sasabihin pa ni Hanah ay pinatayan nito ng phone ang dalaga. "Kita mo ito pinatayan ako ng phone kasi hindi niya siguro matagalang ipamukha ko sa kanya ang kagaguhan niya. Tst! Magasama sila ni Lindsay na mukhang pwet ng baso." Kausap nito ang sarili.
BINABASA MO ANG
I'm Waiting For Your Love(Completed)
RomanceAMBERS CLAN SERIES-3 BRENT IÑIGO AREVALO "I miss you so, here around me, so many people, but yet so alone. I miss your lips, your lovely smile, I miss you each day more and more. I'm still waiting for your love till the day you come back to me." Wri...