Chapter 26

18.5K 534 16
                                    

MATAPUS ang ilang buwang paghahanda ng kasal nila Brent ay finally natapus rin ang paghahanda para dito.

"Bro, could you please calm down." Sita ni Darren sa pinsan nitong hindi mapakali. Lakad dito, lakad doon kasi ito. "I feel nervous bro." Matapat nitong aniya sa pinsan.

"Huminga ka lang ng malalim bro and try to calm down." Saad sa kanyang muli ni Darren.

SAMANTALA matapus ayusan si Hanah ay maingat siyang inalalayan ng mga kasama niya. Ngunit kanina pa nila ito napapansing tila mas gusto pa nitong matulog kesa sa ginagawa nila dito.

"Sis, are you okay?" May pag-aalang tanong sa kanya ni Weng. "Yeah! I'm fine. Pero inaantok ako e. Hindi ko alam nitong nagdaang mga araw e mas gusto kung matulog na lang at kumain ng banana chips chips. Minsan naiinis ako kay Brent kapag hindi siya nakatingin sa akin. Lagi ko kasing gustong tingnan ang mukha niya." Kwento nito. Nagkatinginan naman ang mga kaibigan niya dahil sa tinuran niya.

"Sis kailan ka huling nagkaroon ng period?" Tanong naman sa kanya ni Kate.

Mabilis naman siyang nag-isip hanggang sa unti-unting nagliwanag ang mukha niya sabay tutup ng bibig.

"Oh! My God. Don't tell me_

_yes! You are pregnant 101% dear." Anang baklang nagmakeup sa kanya na sinang ayonan din ng mga kaibigan niya. "Oh! My God." Tila hindi makapaniwala si Hanah. Nahimas na lang nito ang tiyan dahil sa tinuran nilang buntis siya.

Kaya naman ng magtungo sila sa simbahan ay nakapaskel na sa mukha ni Hanah ang mga ngiti sa kanyang labi.

"Everybody, be ready. The bride's arrive." Anang wedding organizer. Kaya naman ang lahat ng sponsor ay nagsipaghanda na rin sa para sa wedding march nila.

Halos magkandahaba-haba na ang leeg ni Brent sa pagtingin sa bungad ng pinto kung kailan papasok doon ang pinakamamahal niya.

"Relax bro, nandyan na ang bride mo." Bulong naman sa kanya ni Andrew na natatawa. Napailing na lang sa mga ito si Brent.

"Are you ready?" Tanong ng wedding organizer kay Hanah. Pumasok na rin kasi sa loob ang mga kaibigan niya. "Yes!" Sagot lang nito.

"Hija." Boses na nagpalapad ng mga ngiti ni Hanah sa labi. "Yaya." Tawag niya dito.

"Ikaw na bata ka. Ikakasal kana pala. Buti pinuntahan ako ni Brent sinabi sa akin." Saad ng ginang. "Sorry po. Sorry po talaga, Yaya," may tunong paglalambing nito sa pangalawang taong nag-aruga sa kanya. "Magiging lola na po kayo." Pabulong nitong aniya sa ginang.

"Ang ibig mong sabihin ay_

_opo. Pero atin-atin lang po. Hindi pa alam ni Brent." Anitong nakangiti.

"Oh! Mamaya na kayo magkwentuhan, may ibang oras at araw pa naman. Baka himatayin sa nerbyos si Brent." Boses na lalong nagpasigla kay Hanah. "Kuya Jerome." Masaya nitong tawag kay Jerome.

"Let's go inside. Baka himatayin sa kaba ang groom. Kanina pa hindi mapakali iyon. Siya rin ang nagsabi sakin na pumunta sa kasal niyo." Saad sa kanya ni Jerome sabay lahad nito ng kamay. Kaya naman masayang umangkala si Hanah sa kamay ni Jerome at kamay ng yaya niya. Ang mag-ina ang kasabay ni Hanah na pumasok sa simbahan.

Ng bumukas na ang pinto ng simbahan ay biglang napatayo ng tuwid si Brent. Agad kasi nito nakita ang mukha ni Hanah na nakangiting nakatingin sa gawi niya. Hindi kasi nakasuot ng belo ang nobya.

Kasabay ng pagplay ng kantang "You And Me" ay siya ring paghakbang ni Hanah ng mga paa niya.

Ordinary, no
Really don't think so
Not a love this true
Common destiny
We were meant to be
Me and you

I'm Waiting For Your Love(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon