AROUND eight in the morning ng magising si Brent. Halos magkandapa-dapa na ito sa pagtakbo niya papasok sa loob ng banyo. Dahil sa napasarap ang tulog niya ay nakalimutan nitong mayron pala siyang klase.
Dali-dali siyang naligo, after twenty minutes ay natapos siya dahil sa pagmamadali. Nakatapis siya ng towel na lumabas ng banyo. Agad siyang naghanap ng maisusuot niya at nagbihis. Matapos niyang magbihis at magawa ang nakaugalian na nitong trabaho tuwing matapos siyang maligo at magbihis ay saka niya hinagilap ang mga gamit niya sa university, wallet at susi ng kotse niya.
Agad siyang lumabas ng kanyang kwarto at patakbong bumaba ng kanilang hagdan. Kunot noo naman siyang sinalubong ng kanyang ina.
"Brent, bakit nagmamadali ka?" Takang tanong ng kanyang ina. "Mom, I'm hurry. Late na po ako sa klase ko." Anito sa ina sabay halik niya dito sa noo. Napailing na lang ang ginang habang tanaw niya ang likod ni Brent na palabas ng kanilang mansyon.
Halos liparin na niya ang daan makarating lang ito sa university. Pagdating niya ng pinapasukang university ay halos panabay pa silang magpark ng kotse nila Marco at Rainier.
"Mga gago, late din pala kayo?" Natatawa nitong tanong sa dalawa pagkababa niya ng sasakyan.
"Nagtanong ka pa." Ani Marco
"Tsk! Kasalanan ito ni Javier kung bakit tayo nalate." Maktol naman ni Rainier. "Mababasag ko talaga ang two balls niya." Saad naman ni Marco na humihikab pa. Halatang inaantok pa ito.
"Let's go, sa second subject na lang tayo papasok." Ani Brent sa mga ito na agad sinang ayunan ng dalawa. Kaya sabay ang tatlong naglakad papasok sa loob ng university.
Agad na pumunta ang tatlo kung saan ang tambayan nila. Pagdating nila doon ay nakita nila agad si Edward na nakaupo ito habang nakataas ang paa sa upoan at nakapikit ang mga mata. Si Aljhon naman ay nakahiga sa couch at sa isang couch naman ay si Xander ang nakahiga.
"What the hell, natutulog ang mga ito dito?" Naisatinig ni Marco.
"So, where is Sean?" Nagtatakang tanong naman ni Rainier. Nagkibit balikat naman ang dalawa bilang sagot. Agad na naupo si Marco sa pang-isahang couch at si Rainier naman ay agad nitong nilapitan ang sterio at kinalikot niya ito. Dahil plano nitong magpatugtog ng pagkalakas-lakas.
Si Brent naman ay dahil inaantok pa ito kaya pumasok siya sa kusina para magtimpla sana ng kape. Ngunit muntik na siyang madapa ng makita niya kung sino ang nasa kusina. Si Oliver na nakahiga sa ibabaw ng mesa, si Quin naman ay nakaupo habang nakapatong ang dalawang paa sa mesa. Ganun din si Raven at Usher.
Dahil sa nabungaran nito ay agad siyang lumabas ng kusina at pumasok siya sa isang silid na naroon. Si Sean at Darren naman ang inabutan niya doon na nakahilata sa kama.
Ang lahat ay biglang napabalikwas ng bangon pagkarinig nila ng malakas na pagkakasara ng pinto.
"What the hell. Sinong nagsara ng pinto?" Papungaspungas na tanong ni Xander.
"Yow! May sunog, gising-gising." Sigaw ni Andrew sa mga ito na biglang binatukan ni Brent. "Gago, itikom mo nga yang bibig mo. Ang ingay mo e." Sita ni Brent dito.
"Kung hindi ako sumigaw e di malamang matutulog ulit kayong lahat dito. At ginawa niyo pa talagang hide out sa pagtulog itong tambayan natin." Kunwari ay pinapangaralan niya ang mga kaibigan. Kahit natatawa si Andrew dahil sa mukha ng mga kaibigan niya ay pilit niya yun tinatago. Dahil mahirap ng mabatukan siya ng lahat.
"Come on, wake up. May dala ako ditong lalamunin niyo. I bring coffee and sandwich." Sabay angat nito ng dalang paper bag at ang box na nilagyan niya ng coffee.
BINABASA MO ANG
I'm Waiting For Your Love(Completed)
RomanceAMBERS CLAN SERIES-3 BRENT IÑIGO AREVALO "I miss you so, here around me, so many people, but yet so alone. I miss your lips, your lovely smile, I miss you each day more and more. I'm still waiting for your love till the day you come back to me." Wri...