Warning:Rated SPG
NANG lumapag ang G1-Airlines sa Queen Alia Airport ay agad na lumabas ng private plane na sinakyan nila si Brent kasama si Alejandro. Sa boarding pass agad sila pumunta at doon hinanap si Hanah.
Hindi rin naman nagtagal ng mamataan ni Brent si Hanah na nakaupo. At agad napansin ni Brent ang pagbabago ng katawan ng dalaga. Tama ang yaya nitong nangangayayat si Hanah. Ngunit naroon parin ang taglay nitong ganda at maamo nitong mukha.
Nang makita naman ni Hanah si Brent na papalapit sa kanya ay bigla siyang napatayo. Parang tumigil ang oras habang papalapit ito sa kanya. Gustong-gusto na niya itong sugurin at yakapin ng mahigpit pero hindi niya maigalaw ang mga paa niya. Tila napako siya sa kanyang kinatatayuan at hindi makagalaw.
"H-honey."
"B-brent."
Halos panabay nilang nabigkas ng tuloyan silang nagkaharap.
"Honey, are you okay? My God. I'm so damn worried about you." Ani Brent sabay kabig niya kay Hanah at niyakap niya ito ng mahigpit. Kaya napayakap narin si Hanah kasabay nito ang paghagulgul niya. Wala siyang pakialam kung pinagtitinginan na sila ng mga taong naroon.
"Ssshhhhh. Stop crying, everything will be fine. I'm here now. Don't be scared and run away again. Dahil hahanapin at itatali na talaga kita. God. I'm getting crazy thinking about you day and day, night by night." Anito ng maghiwalay sila ng pagkakayakap at sinapo nito ang mukha ni Hanah.
"Ehmmmp," tikim ni Alejandro. "Bud, sa sinakyan na lang natin, niyo ipagpatuloy ang usapan niyo. Tutal mahaba-haba rin naman ang oras at byahe natin." Ani Alejandro.
"Sige bud," pagtalima nito. "A good friend of mine. Si Alejandro Guerrero." Pakilala nito kay Alejandro at nginitian naman ito ni Hanah ng tipid.
Agad nga silang bumalik sa sinakyan nilang private plane. Hila-hila ni Brent dalang maleta ni Hanah habang nakapulupot sa baywang ng dalaga ang isa naman niyang kamay.
"Welcome onboard at G1-Airlines. And we are the free service crew of the G1-Airlines." Panabay na wika nila Andrew, Tyler, Darren at Caleb at may rose petals pa silang isinambulak sa pagpasok nila Brent, Hanah at Alejandro sa loob ng private plane. Napailing na lang si Brent sa mga kasama nila. Ewan ba niya kung saan nakuha ng mga ito ang mga rose petals na tinapon nila.
"Okay. It's your turn Martinez. You are the captain." Ani Alejandro kay Andrew na agad namang sumaludo dito.
At dahil private plane ang gamit nila ay minuto lang ang pinalipinas nila sa paghihintay at agad din silang lumipad.
"Welcome onboard G1-Airlines. I'm your captain Martinez. We are expecting to land in Manila around 12:00 in the morning. So, sit back, relax and enjoy the rest of the flight." Ani Andrew.
"Bro, you can talk now privately." Utos ni Darren kay Brent. Dahil nasa himpapawid na sila at busy na ang mga kasama nila sa ginagawa nila.
"Honey, let's go." Yakag ni Brent kay Hanah. Kunot noo naman itong nagpatianod sa binata. Nang marating nila ang private room sa likod banda ng sinasakyan nilang eroplano ay pagkamangha ang makikita mo sa dalaga. Hindi niya akalain na kumpleto ang private plane na sinasakyan nila.
Agad na hinapit ni Brent ang baywang ni Hanah pagkapasok lang nila sa private room na nasa loob ng G1-Airlines. Pinakatitigan nito ang mukha ng dalaga na ilang taon din niyang hindi napagmasdan.
"God. I really miss you honey." Ani Brent sabay haplos nito ng mukha ni Hanah. "Don't try to run again. Let me protect you. Kung may problema ka try to tell me first. Dahil kung tatakbuhan mo ulit ako ay baka sa mental hospital na ako pupulutin. Gusto mo ba ng ganun na mabaliw ako?" Seryoso nitong tanong at mabilis namang umiling si Hanah bilang sagot.
BINABASA MO ANG
I'm Waiting For Your Love(Completed)
RomanceAMBERS CLAN SERIES-3 BRENT IÑIGO AREVALO "I miss you so, here around me, so many people, but yet so alone. I miss your lips, your lovely smile, I miss you each day more and more. I'm still waiting for your love till the day you come back to me." Wri...