Chapter 16

16K 539 16
                                    

DUMAAN ang isang taon hanggang sa naging dalawang taon at higit sa tantya ni Brent ay walang pagbabago sa paghahanap niya kay Hanah. Halos napuntahan na ng mga agent na binayaran niya ang mga lugar na maari niyang puntahan. Ngunit laging bigo ang mga ito. Maging ang mga kaibigan niya ay tinutulongan narin siya sa paghahanap ng mga ito ngunit gaya niya bigo rin silang makahanap ng impormasyon ukol sa kinaruroonan ni Hanah.

"Sino ba ang higit na close kay Hanah. I mean noong time na namatay ang magulang niya. Sino ang nasa tabi niya?" Tanong ni Andrew sa mga ito.

Magkakasama kasi ang tatlong clan. Dahil naawa na ang mga ito sa lagay ni Brent. Ilang babae na rin ang tinangka siyang lapitan ngunit isang nakakamatay na tingin lang ang nakukuha ng mga ito mula sa kanya. Kaya gusto nilang matapos ang problema nito.

"Ang yaya niya." Sagot niya sa mga ito.

"Great. Anong name ng yaya niya at ng mahanap natin?" Ani Andrew.

Agad naman hinanap ni Brent ang papel kung saan nandoon ang pangalan ng yaya ni Hanah at address nito. Nang makita ng mga kaibigan iyon ni Brent ay agad nila siyang hinila. At agad nilang pinuntahan ang address ng yaya ni Hanah.

"Tok tok tok"

Katok ni Sean sa pinto ng hindi kalakihang bahay kung saan iyon ang address na nakasaad sa impormasyong nakuha ni Brent. Hindi rin naman nagtagal ng bumukas ang pinto. Gulat ang makikita mo sa mukha ng nagbukas ng pinto ng makita nito ang naggwagwapuhang nasa labas na napagbuksan niya.

"A-anong kailangan niyo?" Tanong niya sa mga ito.

"Pwede ka po ba naming makausap?" Tanong naman dito ni Brent na siyang kinagulat nito.

"B-brent?" Mahina ngunit umabot parin iyon kay Brent.

"Para niyo na pong awa, gusto ko lang kayo makausap." Makaawa niya dito.

"Please po. Kung gusto niyo po lahat kami e luluhod sa harapan niyo kausapin niyo lang siya ay gagawin namin." Biglang singit sa mga ito ni Tyler na kapatid ni Sean.

"Sige pumasok muna kayo." Anang ginang at nilakihan niya ang pagkakabukas ng pinto. "Maupo kayo. Ipaghahanda ko lang kayo ng maiinom niyo." Anito.

"Wag na po. Ayos lang po kaming lahat." Pigil dito ni Xander.

"Ganun ba." At agad naman naupo ang ginang sa pang-isahang sofa. Ang iba sa magkakaibigan ay naghanap na lang ng maari nilang upoan.

"Manang, nandito po kami dahil gusto naming malaman kung may alam ba kayo kung nasaan si Hanah." Agad ditong ani Marco. "Please! Wag niyo na po siya ipagkait sa kaibigan namin. Ayaw naming mapraning ito at mabaliw." Sumamo ni Marco sa ginang.

"Wag po kayo mag-aalala kung ano man ang dahilan ni Hanah o kinakatakutan niya ay sagot na namin iyon. Pinapalakad na po namin ang mga taohan namin upang alamin ang totoong dahilan kung bakit pinapatay ang magulang niya." Ani naman ni Aljhon.

Kita naman ng ginang ang lagay ni Brent. Halos hindi na ito nag-ahit ng balbas niya. Ang haba na rin ng buhok nito na tila pugad na ng manok. Pero nanatili parin itong gwapo.

"Ganito kasi iyon kaya siya umalis ng walang paalam." Pauna ng ginang. "Nang mamatay ang magulang niya ay agad ko siyang tinawagan na pumunta ng hospital. Kaya iyon agad naman siyang pumunta doon. At ng malaman niyang patay na ang magulang niya at sa kakaiyak niya ay bigla siyang dinugo." Anang ginang. Kunot noo naman siyang tiningnan ng magkakaibigan at naguguluhan ang mga ito.

"Yun pala ay dalawang buwan siyang buntis." Anitong kinalaki ng mata ni Brent. "Dahil mahina ang kapit ng bata ay hindi ito naisalba ng doctor." Dagdag kwento ng kausap nila. Tila binuhusan ng malamig na tubig si Brent sa narinig. Si Hanah buntis ngunit nakunan, papaano at bakit? Mga tanong na biglang pumasok sa isip niya.

I'm Waiting For Your Love(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon