Chapter 13

15.7K 456 11
                                    

LUMIPAS ang buwan na maayos ang relasyon nila Brent at Hanah. Ngunit sa bawat sayang nararamdaman natin ay kaakibat naman nito ang lungkot.

Habang palabas ng university si Hanah ay bigla siyang nakatanggap ng tawag. Nakangiti niya itong sinagot.

"Hello?"

"Hello! Hijah, pumunta ka dito sa hospital." Anang yaya ni Hanah. Halata ang pagkabalisa dito na hindi maipaliwanag ni Hanah.

"Yaya, ano pong nangyari?" Naguguluhan nitong tanong. "Hija, basta pumunta ka dito ngayon din." Utos sa kanya ng kausap.

"Sige po. Papunta na ako dyan." Pagtalima nito. At dahil alam niyang busy si Brent ay hindi na niya inabala pa ang binata. Agad siyang lumabas ng university at pumara ng taxi. Nagpahatid siya sa hospital kung saan ang address na sinabi ng yaya niya.

Pagdating ni Hanah sa hospital ay agad niyang hinanap ang kanyang yaya. Hindi rin naman siyang nahirapan hanapin ito dahil agad din niya itong namataan.

"Yaya, ano pong nangyari?" Agad nitong tanong ng tuloyan siya ditong makalapit. Halata sa yaya niya ang pag-iyak dahil namamaga ang mga mata nito. "Yaya?" Untag nito sa kausap. Kaya napabuntong hininga ang yaya niya sabay hawak nito ng magkabilang balikat ni Hanah.

"Hija, makinig ka. Kung ano man ang maririnig mo ngayon ay gusto kong magpakatatag ka." Anang yaya niya. Gulong-gulo naman ang isip ni Hanah sa tinuran ng kaharap. "Hija, alam mong lahat tayo ay muli't muli ay babalik sa Poong lumikha. Ang buhay natin sa mundong ito ay panandalian lang." Saad sa kanya ng yaya niya.

"Yaya, ano bang pinagsasabi niyo. Hindi ko po kayo maintindihan?" Kunot noo nitong aniya.

"Hija, wag kang mabibigla. Dahil ang sasabihin ako sayo ay----" bahagyang pinutol ng kausap niya ang sasabihin.

"Ano po Yaya?" Naiinis na nitong saad.

"Hija, ang mommy at daddy mo---

---ano pong si Mommy at Daddy?" Tanong nitong kinakabahan. "Ang mommy at daddy mo ay wala na, hija." Anang kausap niya na biglang namalisbis ang luha sa mga mata nito.

"A-anong wala na Yaya?" Tanong nito.

"Kaninang umaga hija. Diba papunta sila ng airport. May tumambang daw sa sinasakyan nila at pinaulanan sila ng bala ng hindi kilalang mga suspect." Anang yaya niya. Dahil sa narinig ay para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Bigla siyang nanghina at napadausdos sa sahig.

"Y-your. Nagsisinungaling ka lang Yaya. Hindi iyan totoo." Naiyak na nitong aniya sa yaya niyang napailing.

Dahil sa tinuran ng yaya niya ay nagpasya siyang tingnan ang bangkay ng magulang niya kung totoo bang magulang nga niya iyon o nagkakamali lang ang mga ito.

Sinamahan siya ng yaya niyang tingnan sa morgue kung saan dinala ang bangkay ng sinasabing magulang niya. Nanginginig na binuksan niya ang bangkay na natatakpan ng puting tela. At ganun na lang ang panlalamig ng buo niyang katawan ng makita ang nasa harapan niya.

"N-no. No. No. Noooooooo." Sigaw nito sabay hagulgol ng mapagsino ang mga bangkay. "Mom. Dad. Ho did to you? Bakit niyo ako iniwan?" Iyak nito. Maging ang yaya niya ay naiyak narin.

Dahil sa kakaiyak ni Hanah ay bigla siyang nakaramdam ng sakit. Parang may kung anong lalabas sa katawan niya na hindi niya alam.

"Hija! Anong nangyayari sayo. Bakit ka dinudugo?" Natatarantang tanong ng yaya niya sa kanya. Dahil sa tinuran ng yaya niya ay mas lalong napuno ng takot ang pagkatao ni Hanah. Kaya bigla siyang namutla sabay hawak niya ng kanyang tiyan bago siya nawalan ng malay tao.

I'm Waiting For Your Love(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon