Chapter 20

18.7K 581 13
                                    

MULA ng makabalik si Hanah ay sinimulan narin ng clan nila Brent ang plano kung papano nila mapapanagot ang taong naging dahilan nang pagkamatay ng magulang nito. Nang dahil sa kasakiman nito ay sarili niyang kadugo at kaibigan ay kinitil niya ang buhay. Sinabi na rin ni Brent ang ibang impormasyong nakalap nila kay Hanah. Ngunit hindi pa niya dito sinasabi ang pangalan ng taong pinaghihinalaan nilang utak ng lahat. Kahit one hundred percent ang magpapatunay na tama sila ng akusasyon. Dahil gusto ni Brent na makita at marinig ni Hanah ang lahat sa ating batas kung ano ang ginawa ng taong utak ng lahat sa magulang niya.

"Bro, ready na ang lahat. Nakaready narin ang warrant of arrest sa heping nagtakip ng kasong ito." Ani Andrew.

"Thanks mga bro, gusto ko na talaga itong matapos ng matahimik na si Hanah. Nang makapagsimula ulit kami ng wala siyang takot na nararamdaman." Pasalamat dito ni Brent. Dahil alam niyang habang malayang gumagalaw ang taong naging dahilan ng pagkamatay ng magulang ng dalaga ay hindi matatahimik ang nobya.

Nalaman narin nila ang yamang tinatago ng ama ni Hanah. Dahil sa pinagsamang kuneksyon nilang magkakaibigan ay walang kahirap-hirap na nabuksan nila ang safety deposit boxx ni Mr. Steelle. Naglalaman ito ng ilang perasong gold bar na naghahalaga rin ng ilang million. At dahil gusto lang nilang makita ang laman ng safety deposit boxx ay muli nila itong ibinalik sa pinaglalagyan ni Mr. Steelle.

"So, next mission natin ay kung papaano natin maipapadakip sa kapolisan ang nasa likod ng pagkamatay ng magulang ni Hanah." Ani Aljhon sa kanila.

"At ang gagong hepe na iyon. Tarando iyon dahil meron din siyang papel sa kaso. Ang galing niya maghugas kamay." Sigunda naman ni Andrew sa mga ito.

"Your right bro, kung pwede ko lang upakan e ginawa ko na." Sabat naman ni Xander sa mga ito. Akala kasi ng hepe na humawak ng kaso ng mag-asawang Steelle ay hindi ito masisilip ng magkakaibigan ang papel niya sa kaso. Pero nagkamali ito dahil nangangamoy na ang pananatili niya sa loob ng silda.

Napag-alaman din kasi ng magkakaibigan ang iba pang baluktot na gawain ng hepe. Dahil sa pagtanggap nito ng pera mula sa mga tiwaling mamayan sa kanyang nasasakupan ay nakapagpatayo ito ng mansyon at iba pang ari-arian ang naipundar niya. Ngunit ang lahat ng pinakatago-tago nito ay masusing binusisi ng magkakaibigan at hinimay.

Ika nga walang lihim na hindi nabubunyag. Walang kasinungalingang hindi sisingaw. Kaya maghugas kamay man ito ngayon ay hindi ito makakalusot sa magkakaibigan. At sinisigurado nilang magbabayad ito at mananagot sa pagiging baluktot niyang alagad ng batas.

SAMANTALA dahil wala naman ginagawa si Hanah sa bahay ay naisipan niyang lumabas muna. Gusto niyang pumunta sa dating beauty salon na pinupuntahan niya. Dahil gusto niyang magpalinis ng kamay at paa. Magpagupit ng buhok. Kaya agad siyang nagbihis bago siya lumabas ng bahay.

Pagkalabas niya ng bahay ay agad siyang pumara ng taxi at nagpahatid sa gusto niyang puntahang beauty salon. Hindi rin naman nagtagal ang  byahe ng taxi ng marating nila ito. Kaya nakangiti siyang nagbayad sa taxi driver at bumaba ng sasakyan.

Ngunit sa pagbaba ni Hanah ng taxi ay hindi niya akalaing may nagbabadyang kapahamakan sa kanya. Isang van ang agad na huminto sa tapat niya at sapilitan siyang isinakay ng mga ito.

"Aaahhhhh.....a-ano ba, bitawan niyo ako." Pagpupumiglas niya dito. "Ano ang kailangan  niyo sa akin mga gago?" Sigaw niya sa mga ito.

"Manahimik ka kung ayaw mong makatikim sa akin." Banta ng isang lalaki sa kanya.

Dahil hindi naman siya iginapos ng mga ito ay pasimple niyang pinindot ang sout niyang relo. Bigay iyon ni Brent sa kanya. At kung wala si Brent ay pwede na iyon buksan para malaman ni Brent kung nasaan siya. Dahil pinakabitan iyon ng nobyo nang GPS. Oras na binuksan iyon ni Hanah ay agad iyon makikita ni Brent dahil may suot din ang binata na gaya ng suot niya.

I'm Waiting For Your Love(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon