AFTER ng klase ni Hanah ay agad siyang nagbihis ng damit para sa vollyball practice nila. Twice a week ang schedule nito sa practice ng vollyball.
"Hanah, let's go." Aya sa kanya ng mga kasama niya.
"Okay."
Anito matapos niyang sipatin ang suot na sapatos. Agad silang pumunta sa play ground kung saan sila laging nagapractice ng vollyball na makikita mo sa loob ng university na pinapasukan nila.
"Girl, nakita mo pa ba ang bracelet mo?" Tanong ng kaibigan ni Hanah sa kanya.
"Hindi na nga e. Ayaw ko nang hanapin, maybe may nakahanap na nun." Anito sabay ngiti ng tipid.
"Malay mo balang araw e may magbalik nun sa'yo. At kapag lalaki ang bumalik nun sa'yo ay ibig sabihin ay yun ang soalmate mo." Anang kaibigan niya. Pinanlakihan na lang niya ito ng mata sabay iling. Sinusumpong naman kasi ang isa ng emahinasyon niya kaya kung ano-ano na naman ang sasabihin nito.
HABANG magkakasama ang magkakaibigang AMBERS Clan ay hindi matapos-tapos ng asaran ng mga ito. "Sean, magpakatino kana kasi, tigilan muna yang pagiging alaskador mo." Ani Rainier dito ngunit ng dumaan ang grupo ng mga nursing student ay sabay pa silang sumipol ni Sean sa mga ito at ang mga ito naman ay naghagikgikan sa kilig.
Napailing naman si Edward sa mga kaibigan niya habang magkakasama sila ng mga ito. "Langya kayong dalawa oh! Dapat kayong dalawa ang magpapakatino, yan na ang malaking ebedinsya ay magkasabay pa kayong sumipol kung makakita na kayo ng mga babae." Ani Edward sa kanila na seryoso ang mukha, napakamot naman ng ulo ang dalawa.
Nang mapansin naman ni Brent ang mga kaibigan nilang si Aljhon at Marco na kasama si Weng at Dawn. Ay agad nitong tinapik si Sean at inakbayan.
"Ehmm. Mukha atang nakakalagam dito eh! Makapaghanap na nga rin ako." Ani Brent sa mga ito ng biglang tamaan ng bola ang likod niya. "Ouch...langya naman oh!" Ani Brent.
Nahihiya mang lumapit ang nagmamay ari ng bolang tumama sa likod ng binata ay wala itong nagawa kung hindi ang lumapit sa kinaroroonan nila Brent. Marahan nitong hinakbang ang mga paa sabay hinga ng malalim. Pigil hininga itong lumapit para bawiin ang bola dahil kailangan nila ito sa pagpractice ng vollyball.
Parang slow motion ang paglingon ni Brent kung saan nagmula ang bolang tumama sa likod niya. Magmumura sana si Brent ngunit ng makita niya ang babae sa kanyang harapan ay napangiti nalang ito. Parang isang iglap nawala ang asar nito.
"A-ah! I'm sorry nga pala at ikaw ang tinamaan ng bola." Anang babae kay Brent na hindi makatingin ng tuwid.
"No, it's okay." At sabay abot ni Brent sa dalaga ang bola. "Thanks." Nahihiyang anito kay Brent.
"Girl....lets go." Sigaw ng mga kasama ng dalaga sa kanya.
"Okay. Coming," balik sigaw niya sa mga ito. "I'm sorry again, hindi ko sinasadyang sayo tumama ang bola." Anang dalaga. Matapos ay nagmadali na itong tumakbo papunta sa mga kasama nito. Hindi na nitong hinintay ang sagot ni Brent dahil hindi niya matagalan ang titig sa kanya ng binata.
"Ang bilis ata ha! Hindi ka pa nga nakakaalis sa kinaupuan mo ay pinadalhan kana ni big boss ng mala anghel na hihimasin mo." Ani Sean na nakangisi.
"Lol! Gago ka talaga Sean, mabigwasan na kita dyan." Ani Brent dito. At habang ang attensyon nila ay nasa babaeng umalis ng may isa namang babaeng nagsalita sa na umagaw ng attention nila.
"Uhm! Hi!" Anang boses babaeng halatang nahihiya. "Yes! What can we do for you, Miss?" Tanong agad rito ni Sean.
"A-ah! Gusto ko lang ibigay ito kay Mr. Samañego." Sagot nito kay Sean. Napaangat naman ng mukha si Edward ng marinig niya ang family name. "Yes! Miss?" Ani Edward.
BINABASA MO ANG
I'm Waiting For Your Love(Completed)
عاطفيةAMBERS CLAN SERIES-3 BRENT IÑIGO AREVALO "I miss you so, here around me, so many people, but yet so alone. I miss your lips, your lovely smile, I miss you each day more and more. I'm still waiting for your love till the day you come back to me." Wri...