Chapter 15

15.9K 502 13
                                    

WALANG araw na lumipas na hindi iniiyakan ni Hanah. Miss na miss na niya si Brent pero kailangan niya itong tikisin. Iniwasan rin niyang gumamit ng mga gadgets na maaring makita niya ang binatang may kasamang ibang babae. Dahil alam niyang iyon ang mangyayari ang makita niya si Brent na may kasamang ibang babae matapos niya itong iwan. Hindi naman siya bago sa binata. Sa katunayan ay pang-ilan lang siya sa mga babaeng dumaan sa buhay ni Brent. Kaya hindi malabong makahanap agad ito ng bagong kapalit niya.

"Hanah?"

Tawag sa kanya ni Jerome.

"Mmm?"

"Lagi ka na lang nagmumukmuk dito sa bahay. Subukan mo kayang lumabas. Subukan mong puntahan ang Petra maganda yun." Mungkahi ni Jerome sa kanya.

Si Jerome ay nagtratrabaho ito sa Philippines Embancy na nakatalaga sa Amman, Jordan. Kaya masasabi nating maayos ang trabaho niya.

"S-sige. Susubukan ko. Nabasa ko na rin na maganda daw iyon. Lalo na yung candle light in the evening." Anito sabay ngiti.

Petra is a famous archaeological site in Jordan's southwestern desert. Dating to around 300 B.C., it was the capital of the Nabatean Kingdom. Accessed via a narrow canyon called Al Siq, it contains tombs and temples carved into pink sandstone cliffs, earning its nickname, the "Rose City." Perhaps its most famous structure is Al Khazneh, a temple with an ornate, Greek-style facade.

"Okay. Kung nagugutom ka ay maghanda ka ng makakain mo ha. Dahil mamayang hapon pa ako makakabalik dito." Ani Jerome sabay kuha niya ng mga gamit niyang kakailanganin niya sa trabaho. Isang tango at tipid lang na ngiti ang isinukli nito kay Jerome.

Pagkaalis ni Jerome ay nagkulong lang si Hanah sa kanyang silid. Iiyak hanggang makatulogan niya ito. Ganun lang naman ang ginagawa niya araw at gabi. Iwan ba niya kung bakit tila wala ng kapaguran sa pag-iyak ang mga mata niya. Malaki narin ang ibinagsak ng katawan niya. Dahil sa depress. At sa bansang pinuntahan niya ay tanging si Jerome ang nakakausap niya. Wala rin naman siyang mapagpipiliang lugar na pupuntahan. At ayaw lang din niyang makakita ng sweet couples sa labas dahil mas lalo lang siyang masasaktan.

"Kumusta kana kaya?" Tanong nito. "Syempre masaya siya dahil siguradong may nahanap na siyang bagong girlfriend. Diba certified playboy siya. Kaya malamang madali lang sa kanya ang magpalit ng girlfriend." Anang kabila niyang isip.

"Malay mo umaasa parin siyang bumalik ka." Wika naman ng kabila niyang isip. Dahil nagtatalo ang isip niya ay bahagya niyang ipinilig ang ulo sabay hinga niya ng malalim. Kapag nagtatalo na ang dalawa niyang isip ay ipinipikit na lang niya ang mga mata hanggang sa makatulog siya.

SAMANTALA sa pag-alis ni Hanah ay pakiramdam ni Brent ay nabawasan ang buhay niya. Mula ng umalis si Hanah ay hindi parin niya nalalaman kung nasaan ito. Ginamit narin niya ang pera niya para mahanap ito ngunit lagi siyang bigo. Kaya panay trabaho at bahay lang siya. Mula kasi ng magtapos ng college si Brent ay sinimulan na rin nito hawakan ang isa sa kumpanya ng pamilya nila. Kaya pinapatay na lang niya ang sarili niya sa trabaho.

"Sir, can you sign this please?" Takot na anang secretary ni Brent. Ang lahat ng mga ito ay takot magkamali dahil hindi nangingimi ang binata nilang boss na sisantihin sila once na nagkamali sila o pumalpak sa trabaho.

Agad na nagsign si Brent sa pinapirmahan sa kanya ng secretary niya. "Sir, gusto niyo po ba ng lunch?" Malumanay na tanong sa kanya ng secretary niya.

"Go back to your table." Sagot lang niya dito. Dahil sa sinagot niya ay nauunawaan na ito ng secretary niyang ayaw ni Brent kumain kaya agad itong lumabas ng opisina niya.

Makalipas ang oras nang bigla na lang bumukas ang pinto ng opisina niya at pumasok doon ang hindi niya kilalang babae.

"Sir, I'm sorry po. Bigla na lang po siyang pumasok at hindi nagpapigil." Takot na takot ang secretary niyang mapagalitan ni Brent.

I'm Waiting For Your Love(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon