MASUSING pinag-iisipan ng magkakaibigan ang kaso ng pagkamatay ng mag-asawang Steelle at kung ano ang posebling nasa likod nito. Kaya naman pinagsama-sama nila ang bawat impormasyon na nakuha ng mga agent na biyaran nila sa pag-alam ng family backround ng mga Steelle.
"So, ang pinsan ni Mrs. Steelle at si Mr. Steelle ay magkakilala sila bago pa man maging asawa ng daddy ni Hanah ang mommy niya." Ani Sean habang binabasa niya ang papel na hawak.
"Yeah! At may tinatagong yaman ang daddy ni Hanah. Nakatago ito sa isang safety deposit boxx." Sigunda naman ni Andrew.
"Wait. May tinatagong yaman ang daddy ni Hanah but why?" Takang tanong ni Brent.
"Ang yamang tinatago nito ay pinamana sa kanya ng ninong niya na ninong din ng pinsan ni Mrs. Steelle. Pero hindi detalyado kung anong yaman ang tinatago niya." Paliwanag pa ni Andrew habang may hawak din siyang documents.
"May impormation ka ba kung saan itinago ni Mr. Steelle ang tinatago niyang yaman?" Tanong sa kanya ni Brent. Dahil mukhang tama ang kutob niya. At sana nga ay tama ang iniisip niya.
"Bro, here. Nandito ang lugar kung saan ang safety deposit boxx nakatago." Biglang ani Darren ng makita niya ang hawak na documents. At agad nila iyon tiningnan.
"Paano naman natin malalaman ang tungkol sa tinatagong yaman ni Mr. Steelle kung ano? We don't have a key para mabuksan iyang safety deposit boxx.." Seryoso namang tanong sa kanila ni Vincent.
"We have the key." Ani Brent sabay pakita niya ng necklace na iniwan sa kanya ni Hanah.
"How do you get the key?" Tanong nila sa kanya. "Yung sulat na iniwan ni Hanah sa akin ay kalakip niya ito. Hindi rin siguro niya alam ang tungkol sa tinatago ng daddy niyang kayamanan." Paliwanag ni Brent sa kanila.
"Okay. Bukas natin tingnan ang safety deposit boxx ni Mr. Steelle mga bro. We need to go home, baka mawanted ni kumander kami." Ani Aljhon sa kanila na sinang ayunan din ng iba.
Si Brent naman ay binalikan nito ang bahay ng yaya ni Hanah. Dahil gusto niyang malaman kung nasaan si Hanah.
"Brent, tuloy ka." Anang ginang ng mapagbuksan niya ang binata. "Kumusta ang lakad niyo?" Tanong sa kanya nito ng makaupo siya.
"Ayos naman po. Pero, pinasara po pala ng tito ni Hanah ang kaso ng mag-asawang Steelle." Anitong ipinagtaka ng ginang.
"Pinasara, bakit daw hijo? Ang alam ko e ipinagkatiwala ni Hanah sa pinsan ng mama niya ang lahat bago siya umalis. Maging ang negosyo ng papa niya ay hawak ng tito niya ngayon." Naguguluhan nitong aniya kay Brent.
"Yun po ang pinapaimbistigahan namin ngayon. Pero may pinaghihinalaan na po kami sa ngayon kung sino ang nasa likod ng pagpaslang sa mag-asawang Steelle. At kahit magbayad pa ako ng million ay gagawin ko mabigyan lang ng hustisya ang pagkamatay ng parents ni Hanah." Anito sa ginang.
"God is good hijo. Ang mga taong makasalanan at mapaglinlang ay panandalian lang ang kinang sa mundong ito. Kaya kung sino man ang may gawa ng pagpatay sa magulang ni Hanah ay darating at darating ang araw na magbabayad sila." Anang yaya ni Hanah sabay buntong hininga nito.
"Maiba po tayo ng usapan. Nandito po ako para itanong kung nasaan si Hanah. Gusto ko pong malaman kung nasaan siya. I really miss her." Matapat nitong aniya.
"Wag kang mag-alala dahil ligtas naman siya. Pero---
---pero, ano po?" Bigla siyang kinabahan.
"Ayon. Pababalikin siya ng anak ko dito sa Pilipinas. Katatawag lang kasi ng anak ko pagkaalis niyo kanina. Ang sabi niya e subrang nangayayat si Hanah. Lagi na lang daw kasi siyang umiiyak. Minsan nakakatulogan na daw niya ang pag-iyak. Yun ang kwento sa akin ng anak ko." Anang ginang. Kaya biglang naihilamus ni Brent ang dalawang kamay sa mukha niya.
BINABASA MO ANG
I'm Waiting For Your Love(Completed)
RomantikAMBERS CLAN SERIES-3 BRENT IÑIGO AREVALO "I miss you so, here around me, so many people, but yet so alone. I miss your lips, your lovely smile, I miss you each day more and more. I'm still waiting for your love till the day you come back to me." Wri...