KATATAPOS maligo ni Brent ng marinig niyang nagring ang kanyang phone. Kaya agad nitong itinapis ang bath towel at agad niyang tinungo ang side table kung saan niya pinatung ang tawagan. Agad nitong sinagot ang phone ng makitang si Sean ang tumatawag.
"Oh! Ano na naman Javier at napatawag ka?" Bungad niya dito.
"Papunta kami dyan gago para sunduin ka. Pupunta tayo ng Clarence Bar." Anang nasa kabilang linya. "Okay. Hintayin ko na lang kayo dito." Sagot nito bago pinatay ang tawagan.
Agad siyang nagbihis at hindi pa nga siya tapos magbihis ay narinig na niyang nag-iingay sa labas ng bahay nila ang mga kaibigan. Kaya napailing na lang siya sa mga ito. Nagmadaling nagbihis si Brent at ng masigurong ayos na ang porma niya ay saka niya dinampot ang wallet niya at phone bago siya lumabas ng kanyang kwarto.
SAMANTALA inaya naman si Hanah ng mga kaibigan niyang magtungo sa Clarence Bar tutal wala na daw silang pasok next week. Dahil sem break na nila.
"Wala man lang maganda sa mata dito?" Anang isa sa mga kaibigan ni Hanah. "Aray ko." Na biglang napaaray ng sapakin ni Gwen.
"Puro ka talaga maganda sa mata, e kong tusukin ko kaya yang mata mo Jane." Paismid na turan dito ni Gwen.
"Ikaw Gwen, minsan talaga e napaka bitter mo. Magpaka better ka nga kahit minsan lang." Sita dito ni Jane. "Kita mo nga maraming ahas na gumagala sa paligid lang." Anitong kinakunot ng noo ng mga kasama niya.
"What do you mean?" Takang tanong dito ni Hanah. "Nothing, may nakita lang akong biatch." Sagot nito sabay simsim ng alak sa hawak na wine glass.
"Hanah, can we talk?" Anang boses na nagpaangat ng mukha ng dalaga. "Okay, talk to me now." Sagot nito ng makita ang mukha ng ex niyang si Kiefer.
"No, I mean tayo lang Hanah. I want to talk with you in private." Anito. "Ah! Okay, let's set over there." Turo nito sa bakanteng mesa di kalayuan. Kaya nagpatiunang naupo dun si Kiefer.
"So, anong pag-uusapan natin?" Agad niyang tanong dito. Nang maupo siya sa bakanteng upoan sa harap ni Kiefer.
"Hanah, gusto kong magsorry tungkol sa nangyari hindi ko naman talaga gustong saktan ka pero ano kasi." Anitong kinaismid ni Hanah.
"Look Kie, nakamove on na ako. At isa pa meron na akong boyfriend ngayon kaya no big deal na. Past is past na lang." Saad dito ni Hanah. Kung kailangan niyang magsinungaling upang tigilan na siya nito ay gagawin niya.
Agad na hinawakan ni Hanah ang kamay ni Kiefer upang ipakita ditong okay at nakalimutan na niya kung ano ang namagitan sa kanila noon. Kaya naman napangiti narin si Kiefer dahil sa tinuran nito. Na siya namang pagdating ng girlfriend ni Kiefer.
"Kita mo nga naman oh! Kung sino pa ang hindi makamove on dito. Kahit ipagtabuyan na ng iba at pinagsawaan e nagsusumiksik parin." Anang girlfriend ni Kiefer na kinainit ng tainga ni Hanah.
"Anong sabi mo?" Ani Hanah sabay tayo nito. "Oh! Hindi mo narinig? I'm sorry pero hindi ko na problema kung may problema ang pandinig mo." Mataray nitong aniya kay Hanah. Dahil sa tinuran nito kay Hanah ay biglang umigkas ang kanyang mga kamay at mag-asawang sampal ang binigay niya sa babae.
"Yan ang nababagay sa'yo." Inis na saad ni Hanah dito. "Ang kapal ng pagmumukha mo para padapuan ang mukha ko ng kamay mo." Pikon namang sigaw ng isa kay Hanah.
"Alam mo Kiefer napatawad na sana kita e. Pero nagbago ang isip ko. Sana man lang ay ipinagpalit mo ako sa yung taong masasabi kong ang ganda niya. Wala akong panama sa kasexyhan niya. Pero dito mo ako ipinagpalit sa babaeng ito na daig pa ang taga squatter na laging nagbibinta ng ampalaya. My goodness." Ani Hanah kay Kiefer. Hindi naman nakasagot ang binata kaya napailing na tinalikuran sila ni Hanah. Ngunit sinundan naman siya ng girlfriend ni Kiefer.
BINABASA MO ANG
I'm Waiting For Your Love(Completed)
RomanceAMBERS CLAN SERIES-3 BRENT IÑIGO AREVALO "I miss you so, here around me, so many people, but yet so alone. I miss your lips, your lovely smile, I miss you each day more and more. I'm still waiting for your love till the day you come back to me." Wri...