Chapter 10

18.9K 544 13
                                    

Warning:Rated-SPG
.
.
.
SUMAPIT ang araw ng pagpunta nila Brent sa Palawan kasama ang mga kaibigan niya. Alanganin na nagbihis si Hanah dahil nangangamba siyang baka hindi siya welcome na sumama sa mga ito. Napansin naman iyon ni Brent kaya agad siyang niyakap ng binata mula sa likuran nito.

"Wag kang mag-isip ng kung ano-ano. Dahil sinisigurado ko.ng matutuwa silang magkasama tayo." Anitong kinabuntong hininga ni Hanah. Ano pa nga ba ang magagawa niya e mapilit si Brent.

"Fine, sinabi mo e," pagsuko nito. "Sagot mo naman ako." Nakanguso nitong aniya sa binata na napangiti. Agad naman itong hinalikan ni Brent sa tungki ng ilong.

"Let's go?" Anang binata sabay lahad niya ng kamay. Agad naman iyon inabot ni Hanah at nagpatianod sa binata.

Agad nilang tinungo ang sasakyan ni Brent at inilagay ng binata sa passenger seat ang mga dala nilang gamit bago nito ipinagbukas ng pinto ng sasakyan si Hanah. Nang makapasok sa loob ng sasakyan ang dalaga ay saka tinungo ni Brent ang driver's seat. Agad na binuhay ni Brent ang sasakyan at pinaharurot yun.

Habang nasa byahe sila patungong airport ay nakatanggap naman si Brent ng tawag. "Honey, can you answer my phone?" Anito kay Hanah. Agad naman tumalima ang dalaga at dinukot niya ang tawagan ni Brent sa bulsa ng suot nitong jeans.

"It's Sean," anito sabay sagot dito. "Hello. It's me Hanah." Saad nito sa tumatawag na si Sean.

"Oh! I see." Anang nasa kabilang linya. "May kailangan ka ba sa kanya?" Tanong naman dito ni Hanah.

"Actually, yes. Gusto ko lang itanong kung nasaan na kayo? We are here in the airport now." Anang kausap ni Hanah.

"Oh! Okay. Where on the way," sagot nito. "Malapit na kami sa airport." Dagdag pa nito.

Matapos makausap ni Hanah si Sean ay inilagay na lang niya ang tawagan ni Brent sa dala niyang bag.

Nang marating nila ang airport ay agad inipark ni Brent ang kotse niya kung saan nila iniiwan ang mga sasakyan nilang magkakaibigan. Matapos maipark ni Brent ang sasakyan ay hindi na hinintay pa ni Hanah na ipagbukas siyang binata ng pinto, dahil nagpatiuna na itong lumabas ng sasakyan.

Bitbit ni Brent ang dala nilang mga gamit at magkasabay silang naglakad ni Hanah papasok ng airport. Madali lang naman silang dumaan sa entrance ng paliparan dahil sa may naghihintay na sa kanilang sasakyan. At bukod doon ay kilala si Brent ng mga impleyado ng paliparan.

Malayo pa lang sila ay tanaw na nila ang mga kaibigan ng binata na nandoon at tila sila na lang ang hinihintay ng mga ito.

"Hey! Everyone. I''m sorry, where late." Napalingon naman silang lahat ng magsalita si Brent.

"Hi guys, I hope you don't mind if I'm coming with your trip." Ani Hanah sa mga ito. Kinawayan naman siya ng mga girls at nginitian.

"Your always welcome with the clan Hanah." Ani Aljhon. Kaya napangiti itong binalingan niya si Brent.

"I told you." Ani Brent sabay kindat niya kay Hanah. "Oo, na mister." Ang natatawang naisatinig ni Hanah.

"Lets go guys." Ani Aljhon sa mga ito at nagsign siya sa dalawang piloto ng dalawang private chopper nila na aalis na sila. Kaya kaniya-kaniya ng bitbit ng mga dalang gamit ang mga ito at nagtungo sa naghihintay na private chopper kung saan sila sasakay.

NANG marating nila ang lugar kung saan sila magstay ay paghanga ang makikita mo sa mga girls. "Ang ganda ng resthouse nila Aljhon." Pabulong na ani Hanah kay Brent habang nakaangkala siya sa braso ng binata.

"Mas maganda ka pa dyan." Sagot naman dito ni Brent sabay kindat niya sa dalaga. Kaya natatawa itong tinampal ni Hanah sa balikat ng mahina.

"Tumigil ka nga, puro ka kalukuhan e." Kunwari ay sita nito sa binata na tumawa lang. Kaya hindi maiwasan ni Hanah ang hindi mapahanga sa binata dahil kahit anong gawin nito ay mas lalo lang ata ito nagiging gwapo sa paningin niya.

I'm Waiting For Your Love(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon