Warning:Rated SPG
.
.
.
.
DAHIL wala pang balita ang mga autoridad kung nasaan nagtatago si Mr. Pangilinan ay nagpasyang pumasok sa sumunod na araw si Brent sa opisina."Honey, pwede sumama? Wala naman akong makakausap dito." Nakapuot na ani Hanah kay Brent. Napangiti naman si Brent sa nobya.
"Of course honey, pero magpalit ka muna ng damit. Ayaw kung makita ka ng ibang tao na ganyan ang suot mo. Baka makapatay ako ng wala sa oras." Anito. Bigla naman siya tinirikan ng mata ni Hanah.
Nakasout lang kasi si Hanah ng sort na pinatungan niya ng sando. At ayaw talaga ni Brent na may nakikita siyang ibang lalaki nakatingin kay Hanah. Lalo na kung may paghangang nakikita si Brent sa mukha ng mga ito. Dahil pakiramdam niya ay tila hinuhubaran ng mga ito ang nobya. At si Hanah ay only for him.
Matapus magbihis ni Hanah ay magkasabay silang lumabas ng kwarto ni Brent. Kaya gustong sumama ni Hanah sa nobyo ay dahil wala sa bahay ang ina ng binata. May pinuntahan ang mag-asawang business trip kaya wala ang mga ito.
"Aalis po kayo, Sir?" Tanong ng isa sa mga bantay sa labas ng bahay nila Brent. "Oo, papasok ako sa opisina." Sagot nito.
"Sige po, sasamahan po namin kayo hanggang opisina. Yun po kasi ang habilin sa amin ni Major." Kakamot-kamot na anang kausap ni Brent.
"Sure, convoy na lang ang sasakyan natin. I'll drive my car." Saad niya dito. Agad naman itong tumalima.
"Para naman tayong royal family nito honey. Tingnan mo, meron sasakyan sa unahan at mayroon din nakasunod sa atin." Ani Hanah habang nasa daan sila. Natawa naman si Brent sa tinuran ng nobya.
"Kahit na hindi tayo royal family, you are my queen," anito kay Hanah. "I have a queen that I need to protect her. Kung kinakailangan 24 hour ko siyang bantayan at pabantayan ay gagawin ko. Masigurado ko lang na ligtas siya. Because she is mylife, my day, my tomorrow." Anitong kinangiti ng nobya. Kaya hindi mapigilan ni Hanah na wag yumapos sa baywang ng nobyo habang nagmamaneho ito.
"Hindi ko akalain na ang isang certified playboy na gaya mo e subra pala kung pakiligin ako. I'm the luckiest woman on earth because I have Brent Iñigo Arevallo in my life." Ani Hanah.
"I'm all your honey, no one own me except you." Yun naman ang totoo. Walang nagmamay-ari ng puso niya kundi si Hanah lamang.
Si Hanah lamang ang bumihag ng pilyo niyang puso. Oo, yun si Brent. Mapaglaro siya noon sa puso ng maraming babae. Wala siyang pakialam kung sino ang babaeng naikakama niya o masasaktan niya after niyang makuha ang gusto niya sa isang babae.
Kaya tinagurian siyang certified playboy. Dahil kahit siguro nagbibilang na lang ng araw para humarap sa harap ng altar ang isang babae kung makita niya si Brent ay bubuka agad ito sa binata. Ganun siya kaluko, kapilyo noong hindi pa niya nakikilala si Hanah. At mula ng dumating ang dalaga sa buhay niya ay nagbago ang lahat. Binago ni Hanah ang buhay niya at paniniwala.
"Good morning, sir." Bati ng mga implyado ng kumpanya ni Brent sa kanya ng pumasok sila sa loob ng gusali. Ang bawat isa sa mga ito ay nakamata sa kanila. At nahihiwagaan sila sa boss dahil maaliwalas na mukha nito at ngumingiti na siya sa lahat ng bumabati sa kanya.
"G-good morning, sir." Kinakabahang bati ng secretary ni Brent sa kanya. "Morning." Sagot nitong kinagulat ng secretary niya.
"Oh! By the way, she is my girlfriend soon to be wife." Pakilala nito kay Hanah sa secretary.
"Hello po ma'am. Kinagagalak ko po kayong makilala. Ako nga po pala si Jhailyn." Pakilala nito kay Hanah.
"It's nice to meet you too. I'm Hanah." Nakangiti nitong pakilala.
BINABASA MO ANG
I'm Waiting For Your Love(Completed)
RomanceAMBERS CLAN SERIES-3 BRENT IÑIGO AREVALO "I miss you so, here around me, so many people, but yet so alone. I miss your lips, your lovely smile, I miss you each day more and more. I'm still waiting for your love till the day you come back to me." Wri...