AFTER mailibing ang magulang ni Hanah ay nakahanda narin ang paglipad niya patungong Amman, Jordan. Walang nakakaalam ni isa sa plano niya. Gusto niyang magpakalayo-layo. Ipinagkatiwala na nito sa tito niya ang nangyari sa magulang niya. Ito na ang bahalang maghintay ng resulta ng imbestigasyon ng autoridad sa nangyaring pagpatay sa magulang niya.
Ngunit magpagayon pa man ay hindi parin nito natikis ang sarili na wag magpaalam kay Brent. Kahit sa pamamagitan lamang ng isang sulat ay nag-iwan siya nito para kay Brent.
Dear Brent,
I'm sorry kong hindi ako nagpakita sayo bago ako umalis. Patawarin mo ako kong hindi ko sinabi sayo ang plano kong pag-alis. Mahirap man ay kailangan ko itong gawin. Mahal kita kaya kailangan kong lumayo sayo. Yes. Mahal kita Brent that's the truth. But I need to do this for the sake of your lives.
Ayaw kitang mawala Brent. Hindi ko kakayanin iyon. Matatanggap ko pang ako ang masaktan wag ka lang mawala o mapahamak. Ayaw kitang madamay sa gulo ng pamilya ko. Dahil hindi ko alam kong ano ang gagawin. I have no idea about my family troubled.
Kahit mahirap ay tatanggapin kong wala na ang parents ko. Pero mahihirapan akong tanggapin ang lahat kung pati ikaw ay mawawala. Matatanggap ko pang masaya ka sa iba wag lang tuloyang mawala sa mundong ito.
Thank your for everything Brent. Sa maikling panahon na nakasama kita ay masaya ako. Ang lahat ng pinagsamahan natin ay babaonin kong alala sa pupuntahan ko.
Wag mong pabayaan ang sarili mo ha. Plaese always take care. I love you so much honey.
Love,
HanahBasa ni Brent ng sulat kamay ni Hanah. Bigla siyang napaupo ng wala sa oras. Mahal siya ni Hanah at mahal din niya ito. Pero ano ba ang totoong dahilan ng lahat. Bakit ganun na lang ito kung matakot para sa kaligtasan niya. Dahil sa samo't saring katanungan sa isip ni Brent ay bigla niyang naihilamus sa mukha niya ang dalawang kamay.
Maya't maya ay tiningnan nito ang kasama ng sulat na iniwan ni Hanah para sa kanya. Ang necklace na laging suot ni Hanah ay iniwan niya ito kasama ng sulat nito.
"Honey, bakit mo ito ginawa? Bakit mo ako iniwan ng walang maayos na paliwanag. Wala ka bang tiwala sa akin?" Kausap ni Brent ang kawalan habang hawak-hawak niya ang necklace ni Hanah.
"Kung saan ka man pumunta ay hahanapin parin kita. Dahil gusto kong malaman ang reason mo at ganun na lang ang takot mong wag akong madamay sa gulong kinasangkutan ng pamilya niyo." Saad nito.
Lumipas ang minuto ay biglang natawa si Brent ng hindi niya alam. "That's why I hate love. Fuck! Ang sakit. Kung kailan hulog na hulog kana e saka ka naman niya iniwan at hindi man lang sinalo." Mapakla nitong aniya.
SAMANTALA kasabay ng pagtapak ng mga paa ni Hanah sa Queen Alia airport sa bansa ng Jordan ay kasabay rin nito ang pagpatak ng mga luha niya. Masakit na iniwan niya ang lalaking mahal niya. Pero yun na lang ang tanging paraan na naisip niya. At alam din niyang walang magtatangkang hanapin siya sa bansang ito kaya kampante siyang walang makakaalam na nandito siya.
"Ahlan wasalan bel Ordon." Rinig ni Hanah sa salitang Jordanian na ang ibig sabihin ay 'welcome to Jordan'.
"Hanah, dito." Agad inilinga ni Hanah paningin kung saan ang tumawag sa kanya. Bigla siyang napangiti ng makita niya ang tumawag sa kanya.
Agad siyang niyakap nito bago siya nito inakay palabas ng paliparan. Agad siyang dinala ni Jerome kung saan ang dala nitong sasakyan pagkalabas nila ng airport.
"Ayos ka lang ba?" Tanong sa kanya ni Jerome. Bilang sagot ay tipid siyang ngumiti at tumango.
Agad pinausad ni Jerome sasakyan. At habang nakatingin si Hanah sa labas ng daan ay napapaisip siyang kakayanin ba niyang manatili sa bansang ito. Tila madadagdagan lang ang lungkot niya dito.
BINABASA MO ANG
I'm Waiting For Your Love(Completed)
RomanceAMBERS CLAN SERIES-3 BRENT IÑIGO AREVALO "I miss you so, here around me, so many people, but yet so alone. I miss your lips, your lovely smile, I miss you each day more and more. I'm still waiting for your love till the day you come back to me." Wri...