Chapter 21

18K 512 7
                                    

NANG marating nila Brent ang bahay nila Aljhon ay agad niyang inabutan ng pera ang taxi driver bago sila bumaba ni Hanah. Nakahawak siya sa baywang ng nobya habang naglalakad sila hanggang marating nila ang malaking gate. Nang makita naman siya ng mga security guards na naroon ay agad silang pinagbuksan ng mga ito kaya tuloy-tuloy silang pumasok sa loob.

"Malaki pala ang bahay ni Aljhon." Puna ni Hanah sa labas ng bahay ng kaibigan ni Brent. "Oo, regalo niya ito kay Weng noong engagement nila." Sagot naman nito sa nobya.

"Talaga." Anito. Tumango naman ang nobyo.

"Brent. Hanah!?" Ang gulat na si Weng. "My God. Saang planeta ka nanggaling babae ka?" Anito kay Hanah. Alanganin namang napangiti si Hanah sa naging tanong sa kanya ni Weng.

"I miss you. Alam mo ba yun." Ani Weng na mabilis siyang niyakap. "I miss you all too." Sagot niyang gumanti ng yakap kay Weng.

"Um! Weng? Iiwan ko muna dito si Hanah ha. May trabaho pa kasi kaming dapat taposin." Ani Brent. Napatingin naman dito ang asawa ni Aljhon.

"Sure Brent. Namiss rin namin ang babaeng ito, kaya marami siyang dapat i-kwento ngayon sa amin," sagot niya. "Siya nga pala ito ang susi ng sasakyan sa labas. Gamitin mo raw sabi ni Aljhon." Sabay bigay nito ng susi ng sasakyan kay Brent. Tinanggap naman ito ng binata.

"Okay. Thanks. Honey, stay here okay. I'll be back later." Anito kay Hanah na agad tumango. "Mag-iingat ka." Habilin nito sa nobyo.

"I will," ani Brent sabay kinintalan nito sa labi ng halik si Hanah. "Just stay here." Anitong muli sa nobya na mabilis tumango.

"Don't worry, nandito naman kami Brent." Ani Dawn na lumapit sa kanila at buhat-buhat nito ang anak. "Thanks." Anito bago siya umalis.

"Saan ka galing babae ka, namiss ka namin?" Tanong agad ni Hilda kay Hanah ng makalapit ito.

"Okay. Okay. Magpapaliwanag ako sa inyo." Pagsuko niya sa mga ito sabay kuha niya sa anak ni Dawn.

"Hey! Anong pangalan mo, little boy? Hindi ka pa nabubuo noong nandito pa ako. But look at you, ang laki muna." Anitong pinanggigilan niya ang pisngi ng anak nila Dawn at Marco.

"Tara doon tayo, nang ma-interrogate natin siya ng mabuti." Aya ni Weng sa kanila. Natawa na lang sa mga ito si Hanah na nagpatianod.

"Oh! My God. Babae ka, saan ka galing?" Gulat na tanong agad ni Fatima sa kanya ng makita siya nito na mukhang pinapadede niya ang anak. Kaya natatawang naupo si Hanah habang karga-karga parin niya ang anak nila Dawn at Marco.

"Mommy?" Napalingon naman si Hanah sa nagsalita. Agad nitong nakita ang dalawang batang magkamukhang magkamukha ang hugis ng mga mukha nila. Kaya agad niyang nahulaan na ito ang kambal ni Aljhon at Weng.

"Mommy. Tino tiya?" Turo ng isa sa kambal kay Hanah. "Siya ang tita ninang niyo." Sagot dito ni Weng.

"Tiya atawa ni tito ninong Brent." Saad naman ng isa. "Oo, siya nga." Pagkumperma dito ni Weng. Kaya agad na lumapit ang kambal kay Hanah.

"Elow po tita ninang. Wag na po ikaw alis ulit ha. Kati po si tito ninong parang---

---Gorilla sa zoo." Pagtatapos ng isa sa tinuran ng isa. "Yun. Yun tabi ni Daddy. Parang gorilla si tito Brent." Muling anang isa na halatang ito ang madaldal sa kambal at makulit.

"Okay. Promise hindi na aalis si tita ninang niyo para hindi na magmukhang Gorilla si tito ninong niyo," anito sa kambal na napangiti naman. "Ang cute cute niyo. Pero, di pa alam ni tita ninang ang name niyo?" Aniya sa kambal.

I'm Waiting For Your Love(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon