Chapter 8

19.2K 517 9
                                    

SUOT ni Hanah ang damit ni Brent maging boxer short nitong hindi pa nagagamit ng binata ng lumabas sila. Agad silang bumaba kung saan ang malaking sala at doon naghihintay ang magulang ni Brent.

Nakaramdam ng pagkailang si Hanah ng magtama ang mata nila ng ina ni Brent. Tipid siyang nginitian ng ginang at tila sinusuri siya nito mula ulo hanggang paa.

"Morning Mom, Dad." Bati ni Brent sa kanyang magulang ng makalapit sila sa mga ito.

"G-good morning po." Ang nahihiyang bati rin ni Hanah sa mag-asawang Arevalo.

"Morning." Tipid na sagot ng ginang. "Oh! Elissa handa na ba ang breakfast?" Tanong naman ng ama ni Brent sa kanyang ina.

"Kanina pa, itong mga bata lang ang hinihintay. Oh! Siya, tayo na sa hapagkainan ng makakain tayo ng almusal." Aya ng ginang mga ito. Kaya agad silang dumulog sa hapagkainan. Agad na ipinaghila ni Brent ng upoan si Hanah ng marating nila mesa.

"So, where is your parents, hija?" Tanong ng ina Brent habang kumakain sila.

"Nasa US po sila ngayon, next week pa po ang balik nila dito sa Pilipinas." Malumanay nitong sagot.

"Do you know about my son?" Muling tanong ng ginang na kinaangat ng mukha ni Hanah. "P-po?"

Napangiti naman ang ginang. "Tinatanong kita kung kilala mo ba ang anak ko. I mean you know him very well? Alam mo kasi hindi ko itatanggi itong anak ko e luko-luko at playboy. Kaya kita natanong kung kilala mo ba siya ng lubusan." Anang ina ni Brent.

"Mom, naman. Dad, kita mo si Mommy oh! Ilalaglag na naman ako nito." Tila humihingi ng tulong ito sa kanyang ama. Napailing lang ang ginoo habang kumakain.

"Yeah! I know him, tita. Alam ko po na playboy siya. Pero, alam ko rin po na matino siya. Siguro, kaya niya ginagawa ang mga bagay na nakikita nating kabaliwan o kulukuhan ay dahil may nagpapakabaliw naman sa kanya. Ika nga po walang manluluko kung walang nagpapaluko. Nakikipaglaro po sila sa kanya at siya naman po ay magaling din makipaglaro kaya quits lang po sila." Anito sa ginang. Dahil sa sinabi niya ay napatingin sa mukha niya si Brent at natahimik ito.

"What?" Takang tanong nito kay Brent. "Nothing, your a amazing girl that I found in my life." Sagot ni Brent na inismidan lang ni Hanah.

"You both look good." Anang ina Brent. "And I like you for my son. Sana magtino na siya, hija. Dahil sakit siya sa ulo." Saad ng ginang na kinangiti ni Hanah.

"Thank you po, tita. Don't worry, mamumukpok tayo ng sandok sa mga malalanding naglipana sa tabi-tabi. Dahil sa kanila kaya namimihasa itong anak niyo po. Meron malalandi at maharot na naglipana ngayon. Kaya libre na po yun at gwapo ang anak niyo kaya hindi mahirap para sa kanya ang sakyan ang mga babaeng umaali-aligid sa kanya." Saad ni Hanah na kinakamot ni Brent ng batok.

"Kaya nga hija, bakuran mo itong anak ko ha. Wag mo silang hayaang makakapit sa anak ko. At bibigyan pa kita ng malaking sandok na pamukpok ng mukha ng mga lintang pilit kumakapit sa katawan ni Brent." Anang ginang na kinangiti ni Hanah. Dahil hindi niya akalaing ganito pala ang ugali ng ginang. Ang akala kasi niya at terror mother ito. Yun pala ay masayahin itong kausap at game na game sa bawat sasabihin mo.

"Hija, wag ka masyado mag-open up sa tita mo. Dahil hindi ito nauubusan. At baka hindi kayo makaalis dito sa kinauupoan niyo. Mahilig kasi yan makipagkwentuhan, umaraw man o umulan ika nga nila. Araw man o gabi ay hindi yan nauubusan ng topic." Anang ama ni Brent bago tumayo. Natapos na kasi ito sa kinakain niya. Naiiling naman ang ginang sa tinuran ng asawa niya.

"Hijo, ikaw na ang bahala sa girlfriend mo. Ibibigay ko lang sa daddy mo ang mga gamit na kailangan niya for work." Saad ng ginang kay Brent. "Feel at home, hija." Anito kay Hanah bago sila nito iniwan.

I'm Waiting For Your Love(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon