PROLOGUE

93K 1.5K 45
                                    

NAGkakagulo lahat ang mga katrabaho kong babae sa kompanyang pinagtatrabahuan ko ngayong umaga hindi ko alam kung anong meron at kung bakit aligaga sila kung mag-ayos? May darating bang bisita? artista? o model? tanong ko sa isip ko.

Nagtanong ako sa isa sa mga katrabaho ko na kaibigan ko rin si Hana.

"Hana anong meron?" takang tanong ko sa kanya.

Tinignan niya lang ako at inikutan ng mata.

"Tsk! Ano pa ba?! Darating lang naman ang CEO and his friends." sagot niya sabay tuloy sa kanyang ginagawa. Mukhang wala siyang pakialam sa paligid niya kahit maingay ang mga babaeng 'kaofficemate namin.

"Eh bakit nagpapaganda sila?" tanong ko ulit. Turo sabay nguso sa mga babaeng todo ayos at todo sa pagpapaganda.

"Haller Carla?! Shunga kaba?! Syempre para magpapansin sa mga Oh so... Yummy na mga Hot Bachelors sa Pilipinas!" sabi niya sakin at inirapan ako.

I giggle

"Oh bakit ka nakatawa diyan?!" singhal niya sakin.

"Ang cute mo kasing umirap e." nakangiti kong sabi.

"Naku! Ikaw talagang babaita ka! Hindi ako cute! Maganda ako remember?!" Singhal niya ulit

"Oo na." natatawa kong sagot

"Ikaw hindi ka mag-aayos?" biglang tanong niya

"Huh? bakit? Okay lang naman itsura ko ah. Eh ikaw?" sabi ko sabay hawak sa pisngi at tingin sa suot na damit.

"Hmp! Buti pa ikaw maganda kana kahit hindi ka mag ayos at tsaka wala naman akong pakialam sa mga lalakeng yun kahit mag-ayos pa ako. I have boyfriend diba?!" sabi nya.

Tumango tango nalang ako.





Mga ilang sandali lang umingay ang paligid at nagsidatingan na ang sinasabi nilang mga HOT BACHELORS.


Kanya kanya sila ng mga kumento tulad ng...


Mga gwapo sila.

Tumingin ako tama nga! Totoong naggagwapuhan nga ang mga ito.

Ang Yuyummy daw!

Hmm... Tango Tango

Sana daw mapansin sila.

Eh?

Sana maging boyfriend daw nila.

Hala!

Aiish! Bakit ganun? Makakita lang ng gwapo gusto agad nila.

' Si Damon girl! ang hot kahit nakakatakot ang mata '

Huh?

Napatingin naman ako sa kanila at napabaling kung saan sila nakatingin. Bigla akong natigilan.

Nakuha ng atensiyon ko ang lalaking matangkad na may magandang pangangatawan ( although lahat sila mga macho) nakapamulsa ito at may nakakatakot na aura.

Parang nag slow mo ang paligid ko habang tinitignan ko ito, na para bang walang tao sa paligid ko at siya lang ang aking nakikita.

Pinagmasdan ko ito. Napatitig ako sa mga mata niya, yung mga mata niyang kulay berde. Kung titignan mukha siyang seryoso pero sa nakikita ko sa mga mata niyang nanlilisik ang tingin, kalakip nun ang sakit at kalungkutan.

Hindi mo mahahalata kung hindi mo tititigan ng maigi ang kanyang mga mata. Bigla nalang ako nakaramdam ng lungkot.



Hindi ko alam kung anong problema sakin pero...
Bigla nalang akong nakaramdam ng lungkot at nasasaktan ako dahil malungkot siya? o may iba pang dahilan? hindi man makita ng iba ang lungkot sa mga mata niya pero... Ako nakikita kong puno ng sakit at kalungkutan ang mata niya.

Napahawak ako sa aking dibdib.Ang lakas ng tibok nito.

Napatingin ako ulit sakanya. This time habang tinititigan ko siya ng matagal, kusa nalang tumulo ang luha ko ng walang dahilan.

Bakit ganito? Bakit ko siya iniiyakan? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Tinititigan ko parin siya habang patuloy ang pagpatak ng luha ko? Sino ka ba?
Bakit ako nakakaramdam ng ganito?

Nasasaktan.

Nangungulila.




Yan ang nararamdaman ko habang patuloy ko parin siyang tinititigan.

Nabigla ako nang tapikin ako sa balikat ni Hana.

"Bakit ka umiiyak Carla?" nag aalalang tanong niya.

May narinig akong tumili sa harapan namin.

'Friend tinignan ako ni King! Oh my ghad!'

'Oo nga tumingin siya dito!'

Yan ang narinig kong komento sa harap namin, pero hindi ko pinansin.

"Ha? ahmm... wala Hana napuwing lang ako hehe!" palusot na sabi ko kay hana at pinunasan ang pisngi ko.

Tinignan niya lang ako para bang hindi ito naniniwala sa sinabi ko. Ako rin naman hindi ko maintindihan kung bakit bigla nalang akong umiyak.

"Oh... okay" sabi nalang niya.

Tumingin ulit ako sa harapan namin kaso wala na sila, nakasakay na sila sa elevator.

Napaisip ako. Bakit ako umiyak?

***

"Hey! you okay man?" tanong ni Reid sakin.

"Ah? y-yeah." wala sa sariling sagot ko sa kanya.

Napakunoot ito ng noo, sabay kibit balikat.

Something strange really strange I feel someone is watching me now. But I don't feel any kind of danger.

I look around in the lobby.

Napatigil ang mata ko sandali... Someone caught my eye...
A girl... she was crying while her friend (i guess) talking to her.

I don't know but i felt something pain inside my heart? What's this? Why do i want to hug her tightly in my arms? Why?

Napahawak ako sa aking dibdib. My heart is beating faster while looking at her.

I don't know but i want to see her face.

Come on, tumingin ka dito. Untag ko sa isipan ko.

Tumingin ka dito please!


Hinihintay kong tumingin siya sa direksiyon ko. Pero hinatak na ako ni Reid pasakay sa elevator. Hanggang sa sumara ang elevator hindi ko man lang nakita ang mukha niya.




(Editing)The Mafia Boss First Love (King Damon) -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon