CHAPTER 19

32.7K 579 7
                                    


KANINA pa ako nakaupo dito simula nang dumating kami sa party. Medyo naiilang nga ako kasi kanina ko pa napapansin na laging nakatingin sakin yung lalaking tinulungan ko o sabihin ko na kanina pa ito nakatitig.


Problema nito?

Wala si Damon sa tabi ko kasi nasa ikalawang palapag sila nung Prince, dahil mag-uusap daw sila, tinignan pa nga ako ni Prince kanina bago umalis e.


Weird. Hindi ko nalang pinansin.




Nag-iisip nga ako ngayon kung bakit hindi pa sinasabi sakin ni Damon ang tungkol sa pamilya ko. Gayong may alam siya tungkol sakanila. I sighed. Kung kausapin ko kaya siya? Okay lang kaya? I sighed again.



Tumayo na ako upang puntahan na siya ngayon. Napatanong ako. Bakit ngayon ko lang naisip na kausapin siya? Tanga, tanga din ako minsan tsk! At saka asan na yun? Ang tagal naman nila.Kanina pa umalis ang dalawang yun ah?

Nagpaalam muna ako sa ibang kaibigan ni Damon sandali, at yung Rafael na kaibigan nila? Nakita ko na tinititiginan parin ako, kaya nag-iwas nalang ako ng tingin.

Bahala nga siya! Nakakailang siya ah?!

Pumunta ako sa ikalawang palapag ngunit wala akong nakitang tao doon, saan naman kaya nag-usap ang mga yun? Nakita ko sila na dito umakyat ah?

Nag-ikot ikot ako para hanapin sila pero hindi ko sila nahanap, haayy! Medyo sumakit ang paa ko sa kakalakad kaya napaupo muna ako malapit dito sa veranda ng isa sa mga kwarto dito sa Second floor.


Tumingin ako sa paligid, walang tao, dahil nasa kabilang side nitong mansyon ang pinagdadausan ng party. Pumikit ako dahil ang sarap ng simoy ng hangin.


Napamulat naman ako sa gulat ng may naglagay na maitim na coat sa balikat ko. Tumingin ako sa taong iyon, akala ko si Damon ngunit mali ako, si Rafael ang lalaking iyon na ngayon nakatingin sa akin.


"A-ah... ano Salamat nalang" sabi ko akmang ibabalik sa kanya ang coat niya. Pero pinigilan niya ako at lumapit sa akin.


Hindi ko alam pero napaatras ako kaya lalo lang siyang lumapit sa akin.


"A-nong... bakit ka lumalapit?" kabang tanong ko.

Huminto naman ito at pinakatitigan ako. Kanina pa siya ah?! Kanina pa tumititig!

"Huwag mo nga ako titigan" medyo naiilang na sabi ko dito at nag-iwas ng tingin.

Naramdaman kong tumabi ito sakin na siyang ikinaigtad ko.

"Thank you for helping me, when i've wounded" he said.


"Ah... wala yun. Okay kana ba?" tanong ko para ibsan ang pagka-ilang ko.


"I'm better now" Maikli nitong sagot.


"Ganun ba?" wala akong ibang masabi e.

Tumango lang ito at hindi nagsalita. Dumaan ang tahimik na sandali bago siya nagsalita.

"Did you know me?" tanong nito at tumingin sa akin ng malalim.

I frowned.

"Oo... ang alam ko kaibigan mo sina Damon at diba ikaw yung lalaking tinulungan ko? Kaya kilala kita" paliwanag ko.

"Not that!" sigaw nito. Nagulat tuloy ako.

Eh Bakit nakasigaw ito?

"Anong problema mo at nakasigaw ka diyan?" nagtatakang tanong ko.

(Editing)The Mafia Boss First Love (King Damon) -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon