CHAPTER 8

48.4K 871 24
                                    

''ANAK halika muna dito at lumabas, tama na muna yang pagbabasa mo diyan. May darating tayong bisita!'' Sigaw ng kanyang mama at dali dali namang lumabas ang batang babae sa kwarto para malaman kung sino ang magiging bisita nila.

''Sino po ang bisita natin mama?'' tanong ng batang may edad na nasa labing isang taong gulang.

Niyakap naman siya ng kanyang mama at hinalikan sa noo.

''Iyong kaibigan na
min ng papa mo ang darating. At dito sila kakain anak''

''Bakit po?"

"Dahil gusto namin ng Papa mo na imbitahan sila ng pormal para sa nalalapit mong kaarawan" tumango lang ang batang babae sa mama niya at umupo sa mahabang sofa.

''Nasaan nga pala ang kuya prince mo princess?'' tanong ng kanyang ama habang siya naman nakayakap sa mama niya.

''Hindi ko po alam papa''

''Nasa labas lang iyon honey kasama ang mga kaibigan niya''

*ding dong*

''Baka sila na yan honey! Tara salubungin natin''

Masayang sinalubong ng mag-asawa ang bagong bisita nila at naiwan naman ang kanilang anak sa sala.

''Hi! Salamat naman nakarating kayo Mr&Mrs Valiente, pasok''

''Ano ka ba naman Carol ganyan parin ba tawag mo samin'' tumawa naman si Misis Lutz sa sinabi ng kanyang matalik na kaibigan.

(Editing)The Mafia Boss First Love (King Damon) -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon