UMIinom ako ng kape dito sa coffee shop na malapit sa pinagtatrabahuan ko. Hinihintay ko kasi ang magandang bestfriend ko magkikita kasi kami ngayon. Malay ko ba dun biglang tumawag sakin kaninang umaga, ang sabi niya kung pwede daw ba kaming magkita ngayon. Hindi ako makahindi sakanya dahil madalas na kami kung magkita kaya umoo agad ako kasi baka magtampo pa sakin matagal na din kasi kaming hindi
nakakapag-usap ng maayos bihira nalang kung may hindi busy sa aming dalawa. Pero kahit gaano pa kami kabusy nananatili parin ang closeness namen.Nagtataka man ako kung bakit niya ako tinawagan kanina dahil alam naming pareho na mas busy siya kesa sakin at sigurado ako na may ginawa na naman iyon na kalokohan tsk!
Mga ilang sandali ay abala ako sa pagkalikot ng cellphone ko ng dumating sya.
"Hi bebest! namiss kita!" sigaw na bati niya at kiniss ako sa pisngi sabay yakap. Niyakap ko siya pabalik namiss ko din ang makulit na to.
"Namiss din kita Alliyah!" masayang sabi ko nang makaupo na kami.
Nagpout siya.
"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na bebest ang itawag mo sakin!" nakasimangot na sabi niya.
Natawa nalang ako.
"Ilang beses ko din bang sinabi sayo na ayoko sa ganung tawagan?! ha?!" Natatawa kong sabi.
Lalo lang itong sumimangot.
"Tsk! kainis ka! pasalamat ka bebest kita! kung hindi masasakal kitang babae ka!" sabi niya sakin sabay irap.
"Ano pala kailangan mo bakit naisipan mong magkita tayo? hindi ba busy ka?" tanong ko sakanya.
Napasimangot ulit ito.
"Kailangan agad?! Hindi ba pwedeng namiss lang kita?! at saka hindi naman ako gaanong busy" sabi niya habang umiinom ng creamy latte' na inorder ko kanina lang bago siya dumating.
Tinignan ko siya ng masama.
"Spill it! hindi ka tatawag sakin ng walang kailangan!" sabi ko sa kanya sabay irap.
Tumawa ito.
Loka loka! (-.-)!!
"Hahaha! ang galing mo talaga bebest!" sabi niya habang tumatawang nakatingin sakin.
Pinagtinginan tuloy siya ng ibang customer dahil sa lakas ng tawa niya. Hayys!"Tumigil ka nga! ang lakas ng tawa mo nakakahiya! Ang daming tumitingin oh!" sita ko sa kanya.
Tumigil naman ito sa pagtawa at tumikhim tsaka nagsalita.
"You see bebest...
kailangan ko kasing umalis. Ahmm... may pabor lang sana ako sayo" seryosong sabi niya sakin.Huh?? Ano kaya? Bakit ang seryoso niya ngayon?
Tinignan ko siya at hinihintay na magsalita ulit.Sabi na nga ba may kailangan to e.
Sanay na ako sa kanya Bestfriend ko siya kaya kahit may pabor siyang kailangan ay ayos lang sakin. Kahit minsan makulit at asal bata yan kahit ano pang kalokohan ang ginagawa niya may limitasyon iyon kaya mahal ko ang bestfriend ko. Itinuring ko na siyang parang kapatid at pamilya dahil wala na akong alam tungkol sa pamilya ko. Sadly to say, mag-isa lang akong bumubuhay sa sarili ko.
"Gusto ko sanang magbakasyon ka. Here... ( sabay abot ng sobre ) gagamitin mo yan habang nagbabakasyon ka sa re--"
Pinutol ko ang sasabihin niya. Eh? Bakasyon?
Hindi ko alam ang sinasabi niyang bakasyon eh may trabaho pa ako."Anong pinagsasabi..."
Hindi niya din ako pinatapos sa sasabihin ko ng magsalita siya ulit."Bebest... ako dapat ang magbabakasyon sa resort na yun... pero naisip ko na makikita nila ako dun. Kaya ikaw nalang ang magbakasyon tutal ang tagal mo na din hindi nakakapag relax." mahinahon na sabi niya.
Nagtaka ako... Sinong sila??
Mukhang nabasa niya ang ekpresyon ko, kaya nagsalita ulit siya."Saka na ako magpapaliwanag kung bakit bebest! sa ngayon nagpareserved na ako ng matutuluyan mo sa resort na pupuntahan mo... tignan mo nalang ang sobre mamaya nandiyan ang address at lokasyon kung saan ka magbabakasyon. May pupuntahan pa ako na importante...'' paliwanag na sabi sakin ni Alliyah.
Nagtataka man ako pero tumango nalang ako. Hindi na ako nagtanong pa dahil may tiwala ako sakanya wala naman sigurong mangyayaring masama.
Medyo nahihiwagaan ako ngayon sa kanya may problema kaya siya?I sigh
"Alam mo kung hindi lang kita bestfriend magagalit ako sayo... kung ano man yang problema mo... sabihin mo lang makikinig ako... bestfriend tayo diba?" sabi ko habang nakatingin sa kanya.
Malungkot na tumingin ito sakin at ngumiti.
"Gusto ko man pero... sa ngayon hindi muna bebest. Hmm... dont worry sasabihin ko din kapag okay na ang lahat ha?" sabi niya habang hawak ang dalawa niyang kamay ang kamay ko.
Tumango at ngumiti nalang ako bilang tugon.
Siguro nga... iintindihin ko nalang ang sitwasyon niya.
Alam kong kaya na niya ang sarili niya."Ah! nga pala... next week pa ang pagpunta mo doon at 1week ka lang naman. Pinagpaalam na kita sa boss mo kaya wala ng problema" sabi niya.
"Sige" sagot ko.
Pinagpaalam niya ako? Pano niya nagawa yun??
I shrug.
"At paalala ko lang tawagan mo ako kapag may problema ha?! oh sya! iwan na kita bebest *tsup* alis nako. Thank you so much till next time" kiniss muna niya ako sa pisngi bago umalis at nagbabye.
Nag wave nalang ako.
I sigh.
Tsk! tsk! kakaiba talaga kinikilos nun. Hmmm... mukhang makakapagrelax ako next week. Medyo stress ako ngayon nitong nakaraang buwan.
Naalala ko yung lalaking may berdeng mata... simula ng makita ko siya napapanaginipan ko siya... Pero bakit?? hindi ko naman siya kilala bakit pumapasok siya sa panaginip ko?
Siguro kakaisip lang ito sakanya. Diba kapag sa kakaisip mo sa isang tao pwede mo siyang makita sa panaginip?? Ano nga ba ang tawag dun???
Isip* Isip*
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.Ay!! Ewan hindi ko alam. Sigh
Huwag kuna ngang isipin iyon. Makaalis na nga.
***
Nakauwi na ako galing sa trabaho. Medyo weird lang ang sir ng head department namin. Okay lang daw kahit hindi ako pumasok hanggang next week para daw makapagready ako sa bakasyon ko.
May ganon? Ano kaya ginawa ng babaing yun para payagan akong magbakasyon at hindi pumasok hanggang sa matapos ang bakasyon ko?!
Two weeks din yun! sayang ang sasahuran ko.
Haayy!
Makatulog na nga wag ko nalang isipin yun.
Hanggang sa tuluyang nakatulog ako... naiisip ko pa din yung lalaking may kulay berdeng mata...
'I will protect you no matter what happen princess'
***
m y j i m e n e z
BINABASA MO ANG
(Editing)The Mafia Boss First Love (King Damon) -COMPLETED-
RomanceHighest Rank Achieved #23 in Romance - 11/22/16 Warning: Don't Plagiarize my story. YOU KNOW PLAGIARISM IS CRIME King Damon Valiente a sexy beast a Mafia Boss of all boss. He's a powerful bussiness tycoon. Status: Single, never had a fling or intim...