CHAPTER 17

33.4K 710 15
                                    

*****

ILANG ARAW na din ang lumipas nang mahimatay ako sa sakit ng aking ulo. Nakita daw ako ni Mamay na nakahiga sa sofa na parang tulog lang, kaya ang ginawa niya ay ginising niya ako upang makakain na. Hindi ko alam na oras na pala ng pananghalian 'non. Hindi ko nalang sinabi kay Mamay na nahimatay ako, ang sabi ko nalang na sumakit ang ulo ko kaya nagpahinga ako doon.



Kaya't heto ngayon ay iniisip ko parin kung bakit sumakit bigla ng ganoon katindi ang aking ulo. Hindi kaya totoong may nawawala akong ala-ala? Na may nakaraan akong kailangan malaman? Nang simulang kasing makilala ko si Damon ay mga imahe akong napapanaginipan, kasama na doon ang aksidente ko, pati na din ang pagsakit ng ulo ko ay lagi nalang sumasakit.

Naalala ko tuloy ang biglang pagkikita namin ni Damon sa Resort ng mga Somers. Yung tingin niya na may pangungulila nang bigla niya akong makita, yung pinuntahan niya ako sa kumpanya din ng mga Somer na para bang matagal na niya akong hinahanap, bakit ba siya mag-aaksayang hanapin ako kung hindi niya talaga ako kilala? Pero hindi e! Hinanap niya talaga ko at hindi na niya nilubayan pa, at yung pagtawag din niya sakin ng princess. Naguguluhan ako! Hindi naman princess ang pangalan ko e. Kahit komportable ako sa pagtawag niya sakin ng ganon ay nagtataka parin ako.

May biglang pumasok sa isip ko. Hindi k-aya?

Ang Princess na tinatawag nito... Ay si Princess Caroline?

Ang kapatid kong patay na?

Kung ganon... hindi ako.., hindi ako ang princess nito. I bit my lip. Ngayon palang ay nasasaktan nako.

I swallowed and heavily sighed.

Gusto ko mang tanungin si Damon sa mga bagay na iyon, pero alam kong hindi niya ako sasagutin.

Pero susubukan ko! Aja! Subukan mo Carla! ^__^

Lumabas ako ng bahay ni Damon ng walang nakakaalam at nagmadaling umalis papuntang kumpanya niya. Gusto ko siyang tanungin sa mga nalalaman niya sakin, ang dami kong gustong masagot na katanungan tungkol sakin, mukhang siya lang ang pwedeng makatulong sakin sa mga tanong sa isipan ko.



Nang makapunta ako sa opisina niya ay wala siya, tinignan ko ang secretary desk niya, wala din doon ang bagong secretary niyang lalaki.

Pangalawang beses ko palang nakapunta dito kaya medyo nahihiya pa akong pumasok kanina sa building, buti nalang mukhang kilala ako ni manong guard kanina, pati nga mga empleyado ay mukhang kilala rin ako at binati pa nila ako.

Weird (-.-)?

May narinig pa nga akong kwentuhan kanina tungkol sakin, pero hindi ko nalang pinansin.
May nakasalubong din nga akong lalaki kanina at napatingin sakin pero nag-iwas ako ng tingin.  Sa pagkakarinig ko, isa siyang politiko. I shrugged. Who cares.

Uupo na sana ako para hintayin siya dito sa opisina nang may nakita akong box sa lalagyanan ng mga libro ang malapit ng malaglag. Kukunin kuna sana para ayusin ito pero nalaglag na ng tuluyan sa sahig at naglaglagan ang mga laman nito. Napa tsk! ako, hindi man lang inayos ng maigi ni Damon ito.

Lumapit ako doon at umupo.

Nang akmang pupulutin ko ang mga ito ay napansin kong may mga letrato doon.

Tinignan ko ang mga ito para matignan kung sino ang nasa litrato.

Nabigla ako.






(Editing)The Mafia Boss First Love (King Damon) -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon