Nag eenjoy na tumutulong si Carla sa mga Volunteer workers. May mga naglilinis kasing volunteers sa barangay nila kahit medyo pagod na dahil kanina pa sila nagumpisa nakangiti pa rin ang dalaga at tila ineenjoy lang nito ang paglilinis.Masayang kinakausap niya ang lahat nang gustong kumakausap sakanya hindi naman kasi ito suplada kaya napakalagayan niya ng loob ang mga lahat ng mga naglilinis.
Napapangiti nalang siya sa mga sinasabi ng mga ito sakanya kesyo
Bakit daw naisipan niyang tumulong
Bakit daw ang bait nito hindi tulad ng iba na masungit na nga panget pa.
Natawa nalang siya sa ilang mga komento ng mga kasama niya.
Tinatanong din nila kung bakit ang ganda ganda daw niya at mukha daw itong mayaman.
Eh? hindi naman yata baka binobola lang nila ako.
"Hindi ko nga din alam kung bakit maganda ako pero nagpapasalamat ako kasi pinupuri niyo po ako at saka po hindi ako Mayaman hehe mahirap lang ako" sagot nalang niya sa tanong ng mga ito.
Mga ilang oras pa ay tapos na silang maglinis.
"Halika hija! mag meryenda ka muna dito!" tawag sakanya ng isang ale para ayain mag meryenda.
"Ayus lang po ba? baka kulang pa po yan sa inyo" magalang na tanong ni Carla at naglakad papunta sa kanila.
Napangiti nalang ang mga kasama niya.
'Ang batang to bakit ang bait bait! at 'ke gandang bata pa at maalahanin at hindi maarte!' sabi ni ale sa isip.
"Aruy bata ka! wag kang mag alala... Hala! dito umupo ka at kumain na huwag ka ng mahiya!" sabi ng ale at hinila siya paupo sa tabi niya at nagsimulang kumain at nagkwentuhan.
Sana laging ganito nalang, yung masaya nalang lahat walang pinoproblema pero alam ko hindi lahat ng pagkakataon nagiging masaya ang lahat" sabi sa isip ni Carla habang nakangiting nakikinig sa masayang kwentuhan.
***
PINAHARUROT ni King Damon ang kotse sa huling lap ng karera hindi niya hinayaang matalo siya ng kanyang mga kalaban.
Ilang segundo lang nalagpasan nito ang mga nag-uunahang kalaban at mabilis na kinabig ang manibela at muling pinaharurot nito ang sasakyan. Ilang sandali lang siya na ang nangunguna sa mga kalaban at sa pagkakataong iyon naitanghal siyang panalo. Naghiyawan na ang mga manonood ng manalo si King.
Wala pading pagbabago siya parin ang hari ng karera.
Walang emosyon na bumaba si King sa kanyang kotse. Naririnig niya ang mga naghihiyawan sa kanyang pangalan pero hindi nito binigyang pansin.
Snob? He doesn't care.
Sinalubong siya ng mga kaibigan at dinala sa VIP room.
"Congrats man ang galing mo talaga! wala pading kupas" sabi ng isa sa mga kaibigan nito.
Tumango lang ito at inalis ang Mask niya sa mukha. Ayaw kasi nitong may nakakakilala sa kanyang mukha dito sa race track maliban sa mga kaibigan.
King ang gamit niya sa mga ganitong laro at King din ang gamit niya bilang Mafia Boss yun nga lang... walang nakakakilala kung sino nga ba talaga siya, kaya minsan malaya siyang nakakapaglibot at nakakalabas sa publiko ng walang nakakakilala sakanya.Pagkatapos nitong magpahinga tumayo siya at naglakad papuntang backdoor ng kwarto upang lumabas.
Napatingin nalang sakanya ang mga kaibigan at napailing. Nasanay na silang umaalis ng walang paalam si King at sanay na din sila sa ugali nito.
BINABASA MO ANG
(Editing)The Mafia Boss First Love (King Damon) -COMPLETED-
RomanceHighest Rank Achieved #23 in Romance - 11/22/16 Warning: Don't Plagiarize my story. YOU KNOW PLAGIARISM IS CRIME King Damon Valiente a sexy beast a Mafia Boss of all boss. He's a powerful bussiness tycoon. Status: Single, never had a fling or intim...