Enjoy!
****
NAKAHIGA lang ako dito sa kama ni Damon ngayon dahil wala naman akong gagawin.
Ilang araw na rin pala ang lumipas nang magpunta kami dito sa bahay niya o matatawag kong mansyon na pag-aari niya. Hindi ko nga alam kung anong ginagawa ko dito e, ang alam ko dapat ay nagtatrabaho ako para sakanya hindi ba? Pero bakit satuwing tatanungin ko siya tungkol doon ay bigla nalang siyang umaalis, kaya hanggang ngayon nandito parin ako sa bahay niya at walang ginagawa. Nakakahiya tuloy sa mga kasambahay dito, nagmumukha tuloy akong donya tsk!
I sighed.
Napaupo ako nang biglang may naisip akong ideya para may gawin ako. Tutal wala naman dito si Damon at busy sa kanyang trabaho o kung ano man ang ginagawa, Lalabas nalang ako at mamamasyal.
Masaya akong nagmadaling bumaba para magpaalam kay Mama'y. Siya yung mayordomang mabait satuwing kumakain ako at kinukwentuhan ako.
"MAMAY!!" sigaw ko nang makita siya at hinalikan siya sa pisngi.
"Ineng nakakabigla ka naman!" saway nito sakin at kinurot sa pisngi.
"Mamay naman! Masakit po!" maktol ko at hinimas ang pisngi ko.
"Sus! Hija hindi naman masakit yung kurot ko" sabi niya.
"Hehe... oo nga po pala mamay pwede po ba akong lumabas at mamasyal? Naiinip na po kasi ako dito e"
"Naku! hindi pwede hija, mahigpit kang ibinilin saamin ni Sir, King na bawal kang lumabas"
"Mamay naman sige na po payagan niyo na ako, gusto ko lang makapamasyal ulit dahil sa tagal ko ng hindi nakakapasyal"
Ngumiti ito sa akin at pinat ang ulo ko bago magsalita."Hindi talaga maaari hija. Ang utos ay utos hmm? Kaya bumalik kana sa kwarto at manood nalang doon at ako'y magluluto na ha?"
Nakasimangot akong pumunta sa sala at hindi dumiretso sa kwarto.Umupo ako at nag-isip ng paraan upang makalabas ako at makapamasyal.
I grinned.
NANDITO ako ngayon sa magandang parke malayo sa bahay ni Damon.
Napahagikgik ako sa ginawa kong pagtakas kanina... Sinugurado ko... bago ako umalis ay walang nakapansin saakin, tapos ang swerte ko pa dahil walang bantay, siguro kumain ang mga yun dahil lunch na at kumain ang mga nagbabantay.
Naglakad-lakad lang ako dito habang kumakain ng ice cream na kakabili ko palang.
Ang daming mga tao ngayon, may mga batang nagtatakbuhan, mga teenager at estudyante, may mga magkasintahan din.
Napangiti ako ng mapait, may mga pamilya din dito na kumpleto na masayang nagtatawanan.
Nakatingin lang ako sakanila at naisip ko bigla... Nasaan kaya ang mga magulang ko? Ang pamilya ko? Hinahanap kaya nila ko? O wala na silang pakielam sakin? Napangiti ako ng malungkot. Sana 'man lang maranasan kong may pamilyang nagmamahal sakin.
Naalala ko ang sinabi dati sa akin ni Nanay Ising nang hanapin ko ang mga magulang ko sa pagkakagising ko sa coma noon.
"Manang? Kung nakita niyo nga ako sa aksidente gaya ng sabi niyo, alam niyo po ba kung nasaan ang magulang ko? May dumalaw po ba o pumunta 'man lang na naghahanap sakin? Meron po ba?"
BINABASA MO ANG
(Editing)The Mafia Boss First Love (King Damon) -COMPLETED-
RomanceHighest Rank Achieved #23 in Romance - 11/22/16 Warning: Don't Plagiarize my story. YOU KNOW PLAGIARISM IS CRIME King Damon Valiente a sexy beast a Mafia Boss of all boss. He's a powerful bussiness tycoon. Status: Single, never had a fling or intim...