CHAPTER 22

33.5K 577 12
                                    

Here's the Update... Enjoy!

*****

TOTOO nga ang sinabi ng babae na tumawag sa akin, hindi nga umuwi si Damon nang gabing iyon.

Kaya, heto ako ngayon, umalis sa kanyang bahay at nagpunta sa eskwelahan, kung saan ako nag-aral. Nandito ako sa isang matayog na puno, kung saan ako namamalagi satuwing nag-iisa ako, noong nasa kolehiyo pa ako.

Nakaupo akong nagmamasid sa paligid sa malawak na field ng eskwelahan na ito.

Wala pa ding pagbabago, malinis pa din ito at napapanatiling maganda at walang bakas na kahit anong basura, at higit sa lahat sariwa pa rin ang hangin.

Naisip ko tuloy kung anong ginagawa ni Damon ngayon, ano kaya ang ginawa nila ng babaeng iyon? May nangyari kaya sakanila? Ginawa din ba nila kaya ang bagay na iyon? Yung ginawa namin ni Damon na may halong pagmamahal...

Iniisip ko palang na may kasiping siyang iba nasasaktan na ako. Paano kung oo? Magagalit ba ako? I sigh.

Bakit ba kasi ang daling magalit ng lalaking iyon? Wala naman masama sa mga sinabi ko sakanya hindi ba?

Gusto ko siyang tawagan ngayon baka sakaling mali ang iniisip ko, pero... naduduwag ako baka... yung babae ang sasagot sa tawag ko at maging tama ang hinala ko. At natatakot na baka... dahil nakuha na niya ang gusto niya, ay maghahanap na siya ng iba.

I sighed again.

Sana mali ang iniisip ko, at Sana hindi ako ipagpapalit ni Damon sa babaeng iyon. Mahal ako ni Damon, kaya may tiwala ako sakanya. Tama! Tiwala lang.

Umalis na ako sa lugar na iyon, at nagtungo na palabas ng eskwelahan.

Papaliko na sana ako ng may bigla nalang sumulpot na lalaki sa aking harapan dahilan para magkabungguan kami.

"I'm sorry Miss.." agad na sabi ng lalaki at inalalayan ako patayo. Medyo sumakit ng kaunti ang aking binti dahil sa pagbagsak ko. Hindi pa kasi masyadong naghihilom ang pilay ko sa paa nang maghulog ako sa hagdan ng kumpanya ni Damon. Tapos nagheels pa ako nang isinama niya ako sa party ng kanyang kaibigan. Hindi ko na nga pinansin noon ang paa ko, dahil alam ko naman maghihilom agad iyon. Pero heto ngayon sumakit na naman.

"It's okay mister"sabi ko at pinagpagan ang aking damit. Nang hindi tumitingin sakanya.

"Are you sure?" he asked.

Tumingin ako sakanya at ngumiti.

He look shocked when he saw me. His facial features is good, he's handsome like Damon, he's also have the perfect body of a model, have pointed nose, kissable lips, and his broad shoulders. And his eyes? It's gray! Like mine.

"You're beautiful, ate" he suddenly said and staring intently with so much adoration.

I chuckled. Ate? Feeling Close si Poging may gray eyes ah?

"Ate? Hmm... Salamat nalang sa compliment galing sa matipunong lalaking gaya mo. I need to go... At saka mag-iingat ka ah? Bye!" I said and wave at him. At iniwan ko siyang nakatulala lang doon.

Yung lalaking iyon, mukha siyang pamilyar, nagkita naba kami?

I shrugged.

Hindi muna ako umuwi ng bahay ni Damon. Naglibot libot muna ako sa isang mall at pagkatapos nagtungo dito sa parke malapit sa mall na pinuntahan ko.

Nilibot ko ang tingin ko, kakaunti lamang ang mga tao. Siguro, mas gusto nilang nasa loob ng malamig na mall kesa dito sa labas. Kaya kakaunti ang tao.

(Editing)The Mafia Boss First Love (King Damon) -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon