CHAPTER 1

833 29 6
                                    

#AngRollerCoasterChapter1


Chapter 1 - Roller Coaster



ⓡⓒ



Addison's Pov


" Sige na naman.. Noelle oh! Huwag ka namang kj. Sige ka, pag hindi ka sumama sa amin e-no, 'noelle' kita buong araw. "

Bwiset na 'to, kung hindi lang sana ako naiirita sa pangalang 'noelle' na yan, hindi talaga ako sasama sa kanila mag- amusement park.

Walang gana akong tumayo sa kinauupuan ko. Tsk.

" Mga walang hiya kayo, magde-date na lang kayo, isasama niyo pa ako. Ano ako ha? Chaperone nyong dalawang mag syota?! " Ini'stretched ko ang mga braso ko. Nakakatamad naman oh.

" Tol, bingi ka ba? Sinabi na ngang hindi 'to date. Tsaka kasama natin si Kevin. "

" Oo nga tol Addson.. hihi. "

Kadiri. Kinurot kurot pa ni Flynn ang mala-siopao na pisngi ng girlfriend niya. Landi pa more.

" Hoy, Hayashi! Huwag nga kayong maglandian dito sa harapan ko. Hiya hiya din mga tol? Teka nga, nasaan na ba si Kevin? "


Addson? Na naman?

Hinila ko ng bahagya ang buhok ni Alexis at napaaray naman siya. Tinulak ako ni Flynn at saka niyakap ang girlfriend niya, tinatanong niya kung saan ba ang masakit dito. Baliw.

" Gagu ka Hayashi! Itulak ba naman ako ng sobrang lakas? Hoy hoy, buhok lang ang hinila ko hindi ang buong katawan. "

Pinagpagan ko ang puwetan ko. " Excuse lang, hindi 'addson' ang pangalan ko, Addison. Maliwanag? "

Nag pout pa ang dalawa sa harapan ko. Nakakadiri 'to tol.


Last subject para sa araw na 'to. Tsk, inaantok na naman ang cute. Ipinatong ko muna ang ulo ko upang matulog, kaantok kaya. Biglang tumunog ang bell na nagsasabing tapos na ang klase.

" Addison Noelle Salazar! Wake up, maga-amusement park na tayo. Leggo! "

Bwiset.



" Cutie-pie, saan mo unang gustong sumakay ng rides? " Tanong ni Flynn sa girlfriend niya. Kailan pa ba naging pabebe ang gagu na 'to?

" umm, ano cutie-pie sa ferris wheel eh. "

Grabe na 'to, may gamot ba para sa mga pabebeng tao? Kadiri oh.

I sighed.

" Pwede ba? Bakit kaya hindi niyo muna isipin kung ano ang sasakyan natin papunta sa amusement park? Palabas pa lang tayo ng school oh. "

Ang Roller CoasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon