CHAPTER 16

97 12 2
                                    

#AngRollerCoaster16


Chapter 16 - Sabrina's Feelings






♡ αƦ ʗ ♡ 








Addison's Pov



Tengene—bakit parang umiikot na naman ang buong katawan ko?

Parang nasa loob ako ng isang running wheel, pero teka nga lang.. hindi naman ako daga para ilagay sa lugar na yon. Bwiset, hilong hilo na ako!

Oo nga pala, nakalimutan kong sumakay ako kanina ng roller coaster, bakit pa kasi ako pumayag na sumakay ulit non?! Kung hindi lang dahil kay Alyssa, hindi mangyayari 'to sa akin, pero kasalanan ko bang nadala ako sa pagdadrama at pagpapacute ng babaeng 'yon? Mga pabebe talaga ang mga kaibigan ko, daming alam sa buhay.

Baka next time, iyon na ang huling buhay ko kapag sumakay pa ako ulit ng roller coaster na yan. Tsk.



" Patay na kaya siya? Huhu.. "


" Geez. May patay na bang humihinga pa? "


" Kasalanan ko 'to.. hindi ko naman kasi alam na mas magiging malala pa pala ang mangyayari ngayon, sana hindi ko lang pinilit pa si Addison.. "



Naririnig ko yata ang boses ni Alyssa?



" Dalhin na natin sa hospital? "


" Ohh girl—idiretsyo na natin yan sa morgue si Addson! O okay lang din na iwan na nalang natin yan dito sa amusement park. "



Gagu.



" Cutie-pie, huwag naman ganyan. Baka may kumidnap kay tol Addison, baka patayin pa siya o di kaya reypin. "


" Reypin nino? Ng mga daga o langgam? "


" Walang magkakainteres dyan sa kaibigan natin noh. Hmp. "


" Hindi pa rin siya nagigising guys.. "


" Cutie-pie, bumili ka nga ng coffee, tapos ibuhos natin kay Addson para magising na 'to. Sinasayang niya ang oras natin! "

Ang Roller CoasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon