CHAPTER 11

137 14 7
                                    

#AngRollerCoaster11

Dedicated to: 2ne1ssantokki


Chapter 11 - Misunderstood 




ⓡⓒ    





Addison's Pov


Tahimik kami at kumakain ng ramen, pero nagsalita si Kevin—na naman? Papansin talaga 'tong pabebe na 'to, kailangan ba talaga sa oras na kumakain pa kami? Tss, nevermind. — May sasabihin daw siya.

" Guys—may sasabihin ako. "

Pakialam ko ba sa sasabihin nitong kaibigan ko? Pero teka nga, bakit pakiramdam ko biglang bumilis ang kabog nitong dibdib ko? Kadiri! Ang corny ko talaga.

" Duh, ano na naman yang sasabihin mo Kevin? " Pagtatanong ni Alexis kay Kevin. Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko at medyo nakalimutan ko na ang malakas na kabog nitong nasa dibdib ko. Wala na akong pake— " Makinig ka na lang Alexis—mga kaibigan ko naman kayo, kaya gusto kong malaman niyo na.. " Bwiset! Ramdam kong bumilis na naman ang kabog, anong problema nitong pabebe kong puso? Ang corny nito ha.

Pero nananatili pa rin akong kamakain, kayalang hindi ko na malasahan. Gagu! Ano nginingiti ngiti nito kay Alyssa—teka? Bakit nakangiti sila? Tengene, anong meron?!

Bwiset ka Kevin—bakit ngayon pa? Nararamdaman kong nagbabanggaan na ang mga kilay ko, takang taka ako sa ipinapakita nila. May aaminin ba ang dalawang 'to? Kung meron man, ano?



" Gusto kong malaman niyo na, may crush akong—babae. "



Ha!? Crush? Babae?

Tsk. Parang kabog na lang ng puso ko ang naririnig ko, bakit ako kinakabahan? Hindi naman kaya, aaminin niya na crush niya si—Alyssa? Tengene, napaka obvious nyang tao, kaya lang naiinis na naman ako at kumukulo ulit ang dugo ko. Alam ba ni Alyssa 'to? O teka lang.. baka nagkakamali lang ako ng iniisip?

" Tol? Sino ang crush mo? " Flynn.

" Si— "

Alam kong kinakabahan si Kevin sa kanyang sasabihin, sa tagal naming magkaibigan? Pero bwiset naman—ako yata ang mas kinakabahan sa aming dalawa dito. Bakit ba kasi nakangiti ka Alyssa?! May alam ka ba sa sasabihin nitong kaibigan ko? O baka naman ikaw ang tinutukoy nitong 'crush' niya? Gagu. Gusto ko syang pigilan sa sasabihin niyo pero alam kong hindi pwede, at bakit ko siya pipigilan? Dahil ayaw kong marinig?

" Ano ba yan, napaka-thrilling mo naman Kevin. " Komento ni Alexis

At—heto ako, tahimik lang.

" Kilala niyo siya. " Nakangiting sabi ni Kevin habang nilalaro ang hawak nyang kutsara. Tsk—pabebe 'tong lalake na 'to ha! " Sasabihin mo o ipapalunok ko sayo ang kutsarang hawak mo? Huwag kang pabebe—nakakagago. " Sabi ko at tumingin silang apat sa akin.

Bakit ba? Totoo naman ha. " Dali na Kev—tell us na kasi. Alam mo namang may naghihintay sa sasabihin mo at may mga kinakabahan.. Ano na? " Pinaningkitan ko ng mga mata si Alexis, minsan hindi ko maintindihan 'tong babae na 'to.

Ang Roller CoasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon